Ang Boyfriend Kong Artista (78 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
8.26Mb size Format: txt, pdf, ePub

"Uhm, dad?"
panimula ko.
"I think, gets na po namin yun. Hehehe..."

Tinapik niya lang ako sa balikat, sabay yakap sakin. Maya-maya kay Bryan.

"Mahalin niyo ang isa't-isa, at ang magiging pamilya niyo."

"Opo."
pareho naming sabi.

Iniwan na kami ni Bryan sa aisle. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Para bang nag-uusap ang mga titig namin. Eto na. Pagkatapos nito, magkasama na kami habang buhay. Wala ng hahadlang sa pagmamahalan namin. Tae, ang corny

ko. Ganito ba talaga kapag bride-to-be ng isang corny rin na lalaki? Nahawa na ako sa kanya...

"Let's go?"

"Okay."
hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito bago kami naglakad papunta sa altar.

I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

Nang nakaharap na kami sa priest na magkakasal samin, bigla akong kinabahan.

"May tututol ba sa kasalang ito?"
sabi nung pari. Meron ba?

"ITIGIL ANG KASAL!"
nanlaki ang mata ko sa nagsalita. Ay mali, mga nagsalita ng mga salitang yun. Hindi lang isa... kundi...

"KAMI ANG BRYANBELIEVERS! ANG MGA SUPPORTERS NI BRYAN LIM UNTIL THE END!"
what

the. Ngayon pa talaga. -_-

Marami silang babae. Ang fans-club ni Bryan talaga, kahit kelan, eksena palagi.

"Girls, calm down."
sabi ni Bryan.
"If you are really my fans, you'll support my decision. You see, this
girl..."
sabay hila sakin.
"I know she's the one. And I know makakahanap rin kayo ng bagay sainyo.

Hindi naman ako mawawala. I'm always here girls, to inspire you all."
sabay wink ni Bryan. Aba!

Nakatulala lang yung mga babae. Maya-maya, nagsalita silang lahat ng sabay-sabay.

"HUWAAAAAA! CONGRATULATIONS IDOL! WE LOVE YOUUUUUUU!"
grabe, natatawa lang ako sa

kanila. Pumwesto na din sila sa mga vacant seats sa loob ng church. Wow, parang concert lang 'tong kasal namin ah.

"Sorry about that. Alam mo namang habulin 'tong magiging asawa mo."
hinampas ko siya ng mahina sa braso. Pero nakatulala pa din ako. Hayy... ewan ko ba.

"Eya?"
kunot-noong tanong ni Bryan.
"Is there a problem?"

Tumingin ako kay Father.
"Pwede po wait lang?"

Ngumiti si Father.
"Take your time in making your decision. A wedding is sacred. Remember that it is a
way of binding your hearts and souls to one another."
na-nosebleed naman ako sa sinabi niya. Nagtanong lang ako kung pwede ba na wait lang eh. Hehe joke... sorry, lutang na naman ako. Ikakasal eh.

"Gusto ko lang malaman yung buong pangyayari. Bago ako ikasal sayo. Para malinawan ako."

Nagkamot siya ng ulo.
"Hindi ba pwedeng mamaya na lang--"

"Ehhhhh! Ayoko! Gusto ko ngayon. Sabihin mo sakin. Bakit ikaw, hindi si Tyler?"

"Aba't... gusto mo si Tyler ang groom mo?!"
nanlaki mata niya. Narinig kong sumigaw si Tyler ng 'Bakit nasama pangalan ko?' tumawa ang lahat eh. Baliw talaga 'tong si Bryan.

"Sira... gusto ko lang naman malaman. Bakit, ako pa? At bakit ngayon? Gagraduate pa lang tayo ng

high school, Bryan. Bata pa tayo. May mga pangarap pa tayo."

"Bubuuin natin yun ng magkasama. Alam mo naman na mahal na mahal kita diba?"
namula ako sa

sinabi niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa mukha gamit ang dalawa niyang kamay.

"Kaya nawala ako ng almost two weeks sa pagpprepare ng kasal natin. Sorry, excited lang talaga ako

na maging Mrs. Daniella Lim ka na."
hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Wag ka ngang mang-asar..."

"Hindi ako nang-aasar. Ikaw rin naman, alam ko na masaya ka. Masaya rin ako. Sorry kung

nagsayang ka ng iyak ha?"

"Kailan mo pa ba kasi plinano ang kasal natin?"

"One month ago. And I also talked to your mom, sister and brother about it. Pumayag naman

sila."
napatingin ako sa mama ko, at sa kuya ko, at sa little sister ko. Nakangiti sila sakin. Aba, binebenta ako?

Pahirap na ba ako sa kanila? Haha joke lang.

"Tapos?"

"Nung sinabi ko na sa family ko yung plan ko, sinabi nila na dapat makita ka muna nila. At alam

mong gustong-gusto ka nila. Pero may isa silang request."

"Ano yun?"

"They tested your faithfulness in our relationship. They used Tyler as bait. Kunwari lang na

ipapakasal ka sa kanya, Eya. Ang totoo niyan, it was all an act. Wag ka ng magtampo."
sinabi niya siguro yun kasi nakita niya akong nakasimangot.

Pero hindi naman ako ganun kababaw. Hindi ko naman naramdaman na pinaglaruan ako at ang feelings ko. Tama

lang. Naiintindihan ko naman ang desisyon nila. I know, deep inside, na wala ng rason para ikasal ako sa lalaking 'to.

"Pero, wait lang Bryan. Nakapasa ba ako sa test nila?"
tumawa siya.

"Oo. Pasadong-pasado."
dinikit niya ang noo niya sakin. Medyo hindi na ako nadidistract sa mga nakakasilaw na flash galing sa mga cameras and media people. Grabe, dinumog na talaga kami.

"Eya, makinig ka sakin. I love you. You love me. And that's what matters right now. Ayokong

pakawalan ka, ayokong mapunta ka sa iba. Akin ka lang. Possessive na kung possessive. You're mine.

And I'm yours in return. I know it's too late to say but..."

"But what?"

"Will you marry me?"
tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

I smiled at him. And I wholeheartedly said...

"Yes. Yes I will marry you."
niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mamaya na yung ring. I promise, after this. Tayo na talaga. Forever."

Ngumiti ako sa kanya.
"Oo. Tayo na talaga. Forever."
at hinila na ako pabalik kay Father.

"Okay na ba ang lahat?"
nagnod kami parehas.

Nagmisa muna si Father at ginuide kami all through out the wedding ceremony. Sa wakas, time na ng exchange of

vows.

"Will you, Bryan Lim, accept Daniella Alvarez, as your lawfully wedded wife, for better for worse, for
richer for poorer, in sickness and in health, till death do you part?"

"I do."
sabay halik niya sa kamay ko.

"Will you, Daniella Alvarez, accept Bryan Lim, as your lawfully wedded husband, for better for

worse, for richer for poorer, in sickness and in health, till death do you part?"

Tumingin muna ako kay Bryan. Nakatingin rin siya sakin. Worth it ba na makasama ang lalaking 'to? Siya na ba

talaga ang para sakin? At karapat-dapat ba ako sa kanya?

"Bryan... may tanong muna ako."

"Ano yun?"

"Kapag kinasal na tayo, paano na ang pag-aartista mo?"
he laughed like it's the most ridiculous thing he ever heard in his entire life.

"Eya, I'm not gonna be a superstar forever. My parents are entrusting their company to me and to

Tyler. And besides, magiging businessman yata 'tong groom mo. Hinding-hindi kita bibiguin."

"Okay..."

"So, ano na? Papakasalan mo na ba ako?"
tumawa ako sa pagiging impatient niya.

"Oo na oo na..."
tumingin ulit ako kay Father.
"Ano po ulit sabi niyo? Pwede po pakiulit?"
natawa si Father sa sinabi ko.

"Will you, Daniella Alvarez, accept Bryan Lim, as your lawfully wedded husband, for better for

worse, for richer for poorer, in sickness and in health, till death do you part?"

"I do."
hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay ni Bryan.

"Congratulations, new wedded couple. Groom... you may kiss the bride."
nagulat ako nung bigla akong binuhat ni Bryan sa waist ko at nakaangat ako. Naka-gown ako for Christ's sake!

"Bryan ano ba?!"
ngumiti lang siya.

"I love you Eya..."

"Hmp. I love you too Bryan. Now, put me down!"
nagsmirk lang siya pero binaba ako. Niyakap niya naman ako ng mahigpit.

"May nakalimutan kaya ako..."

"Ano yun?"

And he leaned down to kiss the bride. Me, the one and only...

Mrs. Daniella Alvarez - Lim.

Grabe, hindi ko na boyfriend ang artistang si Bryan Lim. Asawa ko na siya. Asawa ko na.

Epilogue.

Eya's POV

6 YEARS LATER

BOOK SIGNING

"Thank you miss!"
sabi ko sa babaeng nagpapirma sakin. Ngumiti lang siya sakin at nagthumbs-up.

"Idol na idol ko po kayo when it comes to writing, Ms. Daniella Alvarez - Lim. Kayo po ang inspiration
ko. Paano po ba kayo nakapagsulat ng mga ganitong novels? Romance novels pa and Young Adult

novels? Nakakainspire po talaga kayo!"
nangiti naman ako sa sinabi niya.

"Well, I studied AB Journalism sa isang tanyag na University, pero hindi ako nakalimot. I tried to

write by my experiences."

"Experiences? Oo nga 'no. May novel po kayo about 'Finding the Real Superstar' diba? And we all

know na ikaw ang maswerteng babae sa buhay ni Mr. Bryan Lim."
natawa naman ako sa babaeng 'to,

usisain ba naman ang personal life ko? Pero she seems a college student kaya okay lang.

"Let me tell you, miss. Kapag nagsulat ka, make sure you associate it with your daily experiences.

Kapag masaya ka, write about it. Kapag malungkot ka, do the same! Just write and inspire people."

"Thank you po sa tips. Sige po, thank you po ulit sa pag-sign sa books ko."
she smiled and walked away.

Grabe, ngayon ko lang napansin. Lahat ng novels ko, binili niya.

I smiled at that thought.

Marami ngang tao sa Book Signing ko. Nakakatuwa dahil maraming nagbabasa ng novels ko. I'm really flattered. And I have written 6 novels already.

Pirma lang ako ng pirma, pero teka... Nasaan na ba yung lalaking yun?

"Hi Eya!"
napatingin ako sa nagsalita.

Tumayo ako kaagad para yakapin ang bestfriends ko.
"Andie! Allison!"
tumawa lang sila.

"Mukhang busy ka dyan ha. We will wait na lang sa couch."
sabay turo sa right side ng venue ng Book Signing.

"Pero, nasaan na mga lalaki niyo?"

"Hoy Niella. Sikat ka na ah."
pagkatingin ko sa kanan ko.

"Errick! Kevin!"
sabay yakap ko din sa kanila. Binigyan nila ako ng flowers.

"Ang daming nagpapasign sayo. Iba ka na talaga."
hinampas ko ng mahina sa braso si Errick.

"Oo nga. Nakalimutan mo na kami."
isa pa 'tong si Kevin!

"Dun nga muna kayo sa mga babae niyo! Nakakahiya sa mga nagpapasign sakin."
tumawa lang sila at ginulo yung buhok ko. Di pa rin talaga sila nagbabago.

Ako rin, kapag kasama ko sila? Pakiramdam ko, teenager ulit ako. 22 years old na ako!

Bumalik ako sa upuan at nagcontinue na mag-sign.

Sa anim na taon, maraming nagbago. As in, nag-college, nagkatrabaho, nagkapamilya. Alam ko curious kayo kung

anong nangyari. Kaya ikkwento ko sainyo.

Si Allison at Errick. Kinasal after ng kasal namin ni Bryan. Grabe silang mag-away, pero wala eh. Love conquers all.

Pareho silang Business Ad Major sa isang tanyag rin na University, at nagkaroon ng business na sumisikat na ngayon.

Fashion meets Architecture ang tema ng business nila. At alam niyo ba, may 2 na silang anak! Twins!

Si Andie at Kevin. Magboyfriend-girlfriend pa rin ngayon. Ewan ko ba sa dalawang yun kung kelan ba nila balak

magpakasal. Nag-aral rin silang dalawa sa isang tanyag na University. Si Andie, isa na siyang News Reporter sa isang sikat na news company sa TV. Si Kevin, nagtayo ng Dance Studio at kalaunan, nagkaroon na ng sariling Dance School for the Kids. Sana lang talaga at magpakasal na ang dalawang yun.

Si Tyler at Princess. Nagkabalikan sila. Mahal pa talaga nila ang isa't-isa. Si Princess, artista pa din. Pero hindi na siya plastic sa harap at sa likod ng camera. Si Tyler naman, nakapagtayo ng Restaurant, na sumisikat na rin ngayon sa lahat ng parte ng Asia. Minamanage rin niya ang company nila ng mga Lim.

Speaking of the devil, andito na ang dalawa.

"Hi Eya. Sorry ngayon lang kami nakadating."
nagnod ako kay Princess.

"Okay lang yun. Ano ka ba, buti nga at nakapunta kayo eh."
Marami ng nagpipicture sa kanya, artista kasi siya. A very good one, I must say.

"Eya, dadating daw si Bryan mamaya. Hintayin mo na lang."
nagnod ako kay Tyler at tinuro yung couch na kinauupuan ng apat na gunggong.

Sa totoo lang, kahit may nangyaring conflict between me and Tyler and also Princess, kinalimutan ko na yun. We all remain very good friends.

Back to Book Signing na nga.

Sign lang ako ng sign ng biglang may naglatag ng book sa table ko, at may papel na nakaipit.

Pagkatingin ko, halos kiligin ako ng sobra-sobra.

Other books

Unspoken: The Lynburn Legacy by Brennan, Sarah Rees
yame by Unknown
In Name Only by Roxanne Jarrett
Mad About the Hatter by Dakota Chase
The Highland Countess by M.C. Beaton