Ang Boyfriend Kong Artista (77 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
2.79Mb size Format: txt, pdf, ePub

"Eya... makinig ka sakin, wag mo ng problemahin yung mga bagay na yun. Basta magkasama tayo.

Wag kang hihiwalay sakin."

"Oo naman... ayokong mahiwalay sayo..."

"Now, let's sleep. Wag ka na munang mag-isip. Tayong dalawa lang nandito. Tayong dalawa

lang..."
niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Goodnight hubby... I love you..."

"Goodnight din... I love you, sweet dreams..."

-------------------------

THE NEXT DAY

"Bryan naman! Ano ba?! Wag na wag kang lalapit sakin!"
nginitian niya lang ako ng nakakaloko.

"Lika dito Eya..."
porket naka-swimming trunks lang siya ngayon, lalapit na ako? Ayoko nga!

"Huwaaaaaa ayoko! Wag na wag kang lalapit!"
paatras ako ng paatras... yung suot kong malong, nilipad na!

Nakakainis! Pampatong ko pa naman yun sa two-piece suit ko!

Tumakbo siya papunta sakin at ako rin,tumakbo papalayo sa kanya. Ayoko pang mabasa!

"Bryan tumigil ka nga! Ayoko pang mag-swimming!"

"Wag ka ngang killjoy! Lika na dito!"

Takbo Eya... takbo--

"HUWAAAAAAA!"
sigaw ako ng sigaw nung binuhat niya ako at nilagay ako sa may braso niya. Ayoko. Pang. Mag.

Swimming! Nagsusulat ako kanina habang nakaupo sa buhangin eh!

"BRYAN ANO BA! PUT ME DOWN!"
tawa lang siya ng tawa. Pinalo pa yung pwet ko! Badtrip!

Anong nakakatawa? Nakakatawa na ayokong mag-swimming sa beach kasi hindi ako marunong lumangoy?!

Nung napansin kong nasa may dagat na kami. At malapit ng umabot sa may likod niya. Nagpupumilit na akong

umalis sa buhat niya. Malamang aabutan na rin ako ng tubig!

"Bryan... put me down! Makakainom na ako ng tubig oh!"
hindi niya ako binaba, sa halip, iniba niya lang yung pwesto ko. parang pang-kasal na naman!

Nakatingin lang siya sakin, halatang nagpipigil ng tawa. Baliw talaga 'tong lalaking 'to!

"Bryan naman... alam mo namang hindi ako marunong lumangoy diba?! May plano ka bang lunurin

ako ha?!"

"Sadista ka talaga, ang ingay mo. Di naman kita lulunurin..."
nagsmirk siya.
"Makakalutang ka naman
kasi siopao yang pisngi mo..."

"Ano?! Siopao?! Ang kapal mo naman! Hmp!"
tumawa lang siya. Napansin ko na nasa may malalim na talaga.

Nababasa na yung likod ko eh...

Nung nasa may leeg niya na... nagulat ako nung binagsak niya ako sa tubig...

"Aaaaaahck!"
sigaw ko kaso nakalulon ako ng tubig... naghahanap ako makakapitan... hinila naman ako papataas kaagad ni Bryan at ipinaikot niya yung kamay niya sa waist ko. Kumapit ako sa leeg niya.

"B-bryan... nakakainis ka... *cough* I... I hate you!"
sabay palo sa dibdib niya. Tumawa lang siya ng mahina.

"I love you too."

"Baliw!"
natawa na lang ako sa kabaliwan niya. Baliw na rin ako? Hahaha! Ako budoy!

"Eya..."
tumingin ako sa kanya.

"O?"

"Sana lagi na lang tayong ganito... magkasama. Walang problema..."

"Oo nga eh..."
ngumiti ako...
"I love you Bryan..."
and I leaned down and kissed him.

That kiss was sweet. No. Bittersweet is the right term. Alam naman namin na temporary lang 'tong kasiyahan na

nararamdaman namin. Kasi, kahit sabihin na magkasama kami ngayon...

Alam na alam ko na hahanapin pa rin nila kami at paghihiwalayin pa din pa din kaming dalawa.

Pero ayoko munang isipin yun... ayoko... ayoko...

"Eya..."

"Bakit?"

"Kung sakaling... ako yung ipapakasal sayo, papayag ka?"

"Ikaw?"

"Oo... hindi si Tyler..."
napaisip ako nun.

"Oo... payag ako. Payag talaga ako... ikaw naman yun eh. Hubby na kita... kasal na lang

kulang..."
niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Ako rin naman... gusto ko ikaw yung babaeng papakasalan ko. Wala ng iba."

-------------------------

Nag-stay kami sa tubig ng matagal. Kwentuhan lang... mga isang oras rin inabot. Pagkatapos nun, umahon na kami.

Sabi niya magluluto daw siya ng pagkain namin. May maliit na barbecue-han na pwedeng arkilahan dito sa beach

resort.

"Pumunta ka muna sa kwarto... manuod ka muna ng tv. Okay? Magluluto lang ako."

"Tamang-tama... gutom na rin ako eh. Hehehe..."
tumawa lang siya.

"Takaw mo! Dali na. Ako na bahala dito."

"Sige..."
tumalikod na ako nun kaso tinawag niya ulit ako.

"Bakit?"
kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Kiss ko?"
ay baliw. Hahaha.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nagpout naman siya bigla. Ang gwapo niya!

"Bakit sa pisngi lang?"

"Gusto ko eh. Saan mo ba gusto?"
humaba yung nguso niya.

"Dito oh..."
sabay turo sa lips niya.

"Sira... mamaya na pagkatapos mong magluto. Kung masarap yan..."

"Sabi mo yan ah. 3 kisses! Para I love you..."

"Gusto mo lang ng maraming kisses eh! Dinahilan mo pa yung meaning..."
sabay tawa ko.

"Tss... basta mamaya, oh sige iwan mo muna ako dito. Baka mamaya mainlove ka lalo sakin."
nagbelat lang ako sa kanya.

Mahal na mahal ko talaga siya... yung artistang yun...

Habang papanhik ako sa kwarto, nagulat ako nung may nagtakip ng bibig ko gamit ang panyo. Nagpupumiglas ako

pero hindi na ako nakawala dahil nakalanghap ako ng masangsang na amoy na nanggagaling sa panyo... bago ko pa

maintindihan kung anong nangyayari...

Nawalan na ako ng malay.

------------------------------

Pagkamulat ko ng mga mata ko. Bumalik sakin yung nangyari...

Nasaan ako?

"Miss Eya? Gising na po ba kayo? Malapit na po kayo mag-grand entrance."
napatingin ako sa nagsalita.

Huh?

"Sino ka?"
ngumiti lang sakin yung babae.

"I'm Ella. I'm your wedding organizer. Tayo ka na..."
inalalayan niya ako at nung tumayo na ako. Bigla niyang iniharap sakin ang isang full-sized mirror.

Nakita ko ang reflection ko...

I'm wearing a wedding gown. Below the knee and it's overflowing. My hair is tied up to a small bun at kulot sa dulo.

May maliit na crown with white diamonds na nakakabit sa hair ko to hold up the fabric. I'm wearing make-up and I know I'm beautiful...

Pero imbes na matuwa ako... tumulo yung luha ko.

Napakadaya nila... napakadaya... kailangan pa nila akong kidnapin para lang ipakasal talaga? Ang sakit... ang sakit sakit...

"Ma'am? Wag na po kayo umiyak... masisira po make-up niyo."

Tumingin ako sa kanya. At ngumiti. A bitter smile.

"Alam mo, maswerte ka... hindi mangyayari sayo yung nangyayari sakin. Wala na rin akong pakielam

sa make-up ko. Bahala na... saan na ba yung ceremony? Para matapos na 'to."
pagod na pagod na ako...

ayoko na...

"I'm sure ma'am na may reason naman siguro kung bakit ganito ang nangyayari sayo. Anyways, this

way po ma'am..."
she guided me palabas ng room... at ayun nga, nakita ko na...

Ang ganda ng wedding hall. Parang yung wedding hall nila Edward at Bella sa Breaking Dawn. Yun nga lang...

Mahal nila ang isa't-isa. Hindi sila ikakasal dahil lang sa simpleng kabayaran ng utang na loob sa iba. Sila... sila talaga hanggang sa dulo...

Pinunasan ko yung luha ko. Wala akong ibang naiisip ngayon kung hindi si Bryan...

Bryan, nandito ka ba ngayon? Sana wala ka dito... ayokong masaktan ka... ayoko...

Umayos na ako ng tingin. Hindi ako ngumingiti habang nagsisimula na akong maglakad sa white carpet papunta sa

altar.

Kaso... halos malaglag yung panga ko sa nakita kong naghihintay sakin... hindi si Tyler kundi...

70.

Eya's POV

Aaminin ko. Bitter ako.

Bitter ako kasi ipapakasal ako sa lalaking ayoko na makasama sa habang-buhay. Si Tyler, kaibigan ko lang siya. Pero more than that? No.

Alam ng lahat na iniyakan ko yung nangyari. Iniyakan ko talaga. Sino ba naman kasing may gustong mangyari yun?

Ikakasal ka dahil sa isang pathetic reason? Maiinis ka diba? Oo, ako nainis. Kasi akala ko sa kanya na talaga ako ikakasal.

Pero bakit ngayon iba na ang groom ko?

Napako ako sa kinakatayuan ko. Alam ko na ang lahat ng tao sa ceremony hall, nakatingin sakin. Tinitignan ang

reaksyon ko. Ngayon ko lang napansin na marami pala kaming bisita.

Eya naman, sa tingin mo kaunti lang ang aattend ng kasal niyo?

Lalo na kung yung pinakasikat na artista pa ang groom mo?

Napatingin ako sa lumapit sakin. Yung dad ni Bryan...

"Daniella, I know naguguluhan ka. Pero trust me, there's a reason why you're marrying my

son."
ngumiti siya sakin.
"And now I know, I'm agreeing to that reason, Bryan's reason on why he wants
to marry you. And her mom and I know, Bettina and Tyler agreed too."

Napasinghap ako.
"P-pero, a-anong reason yun dad? Akala ko ba... si... si Tyler?"

"Oh, Daniella. I'm sorry kung naguguluhan ka. Pero the real way of repaying you is by this

marriage."
kumunot ang noo ko.

"W-what?"

Ngumiti ulit siya.
"I'm happy that you're the one he'd chosen to marry, Daniella. You'll understand

soon."

"Soon?"
ngumiti lang siya sakin. Bakit ba ngiting-ngiti silang mga Lim?

"Oh... okay..."

"Wag kang mag-alala, alam ng mommy at ng kuya mo yung kasal na 'to. And they all agreed to that. I

see that your friends are also here to witness your marriage."
napatingin ako sa mga guests na nakatingin sakin, at oo nga!

Nasa right side sila Mama, Desi, Andie, Allison, Princess at ang lahat ng classmates and schoolmates ko! At iba pang female visitors. Nasa left side naman sila Kuya Prince, Errick, Kevin, Tyler at ang iba pang classmates and

schoolmates ko rin. At may mga iba pang male visitors sa wedding hall.

Pero... my god.

Ako lang ba ang hindi nakakaalam na kasal ko ngayon? Kay Bryan?

Napatingin ako kay Bryan. He's wearing a three-piece black suit. He's smiling widely.

"Daniella. Let me walk you down the aisle. Alam ko na masaya rin ang dad mo sa event ngayon. And

he's witnessing it too."
ngumiti ako sa dad ni Bryan.

Sa totoo lang, relieved ako. Kasi, kahit di matutuloy ang kasal namin ni Tyler...

Kay Bryan naman ako ikakasal.

Si Bryan... let me tell you, mahal na mahal ko siya. At sa tingin ko, siya na talaga yung para sakin. Ewan ko ba, mababaw ba ako? Magpapakasal ako kaagad sa kanya ng ganito kaaga? Ewan, basta, Papayag ako sa reason niya,

kung ano man yun.

Dahil mahal ko siya.

Kumapit ako sa braso ng dad ni Bryan.

"Thank you po, dad. Naguguluhan pa rin po ako pero hindi naman ako aatras. Kasi, sa totoo lang po,

si Bryan na po yung nakikita kong makakasama ko. Okay lang po ba na makasama ko ang anak ninyo

habang-buhay?"

"Oo, Daniella. Let's not make the priest wait."
ngumiti ulit siya.
"Let's go. And enjoy your wedding. Si
Bryan ang nagplano niyan."

Huminga ako ng malalim at nagsimula na kaming maglakad. Ang higpit ng kapit ko kay dad. Siguro OA na ako, sorry naman. Gulat lang talaga ako. Ang haba pa ng aisle. Bonggang kasalan talaga 'to. Pinagplanuhan siguro 'to.

Si Bryan talaga. He always surpassed my expectations.

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

And emeralds from mountains thrust toward the sky

Never revealing their depth

[I'LL BE - EDWIN MC'CAIN]

Halos kumabog ang dibdib ko nung narinig ko yung kanta. Kanta namin ni Bryan... at pagkatingin ko, mismong si

Edwin Mc'cain ang kumakanta. Ang original na kumanta ng theme song namin. Grabe, pinsan nga pala niya yun.

Nag-effort talaga siya.

And tell me that we belong together

And dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips

Instead of the gallows of heartache that hang from above

Nakatingin lang ako kay Bryan habang naglalakad ako. Grabe. Bigla na lang tumulo yung luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Happiness? Sadness?

Happiness ang sagot ko. Kasi masaya ako na siya na talaga ang hubby ko, forever.

And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

Pagkaharap namin kay Bryan, nakangiti lang siya sakin. Pinunasan niya yung luha ko.

"Umiiyak ka ba dahil malungkot ka, o masaya ka?"

"Dahil masaya ako."
ngumiti rin siya. Binigay na ng dad niya ang kamay ko kay Bryan.

And rain falls angry on the tin roof

As we lie awake in my bed

And you're my survival, you're my livin' proof

My love is alive and not dead

"I now entrust you to Bryan, Daniella. In behalf of your father and I, take care of each other.Alam ko
ang bata niyo pa, but I trust you both. Alam niyo ang limitations niyo. No..."

"Ehem ehem. Alam ko na yun dad. You don't need to say it."
pa-ubong sabi ni Bryan. Pakiramdam ko namula ako nun ah. Am I a blushing bride?

"Ayokong masira ang kinabukasan niyong dalawa. After graduation ng college at kapag nagkaroon

kayo ng permanent and stable job, pwede na. We're very excited to have a grandson. Pero kailangan

niyo munang tapusin ang pag-aaral niyo."
tumawa ang lahat. Turn ko naman na maubo.

Other books

The Burn by Annie Oldham
A by André Alexis
Bloodlands by Timothy Snyder
Cream of the Crop by Dominique, Dawné
Highland Pull (Highland Destiny 2) by Harner, Laura, Harner, L.E.