Read Ang Boyfriend Kong Artista Online
Authors: Ella Larena
Monday na ngayon at ayokong pumasok. Gusto kong matulog, baka mawala pàtong nightmare na nangyayari
sakin.
Isa pa, galit sakin si Bes.
Hindi ko talaga maintindihan si Andie. Bakit siya ganun? Dapat nga siya makaintindi ng totoo e. Kaso, ayun, tanga, nagpapaniwala sa mga chismis. Bestfriend ko siya diba? Mas pipiliin niya pa yung pag-ibig sakin? :| Ewan ko sa kanya.
Tapos etong si Erick at Allison, umeepal pa. Nakakainis. Alam niyo bang, unti-unti na akong nakakamove-on? Tapos kung kelan may issue na naman ako, saka na naman sila magpaparamdam. Etong si Allison, akala mo walang
boyfriend, tss. Bryanbelievers, whatever.
Pero natatakot rin ako ngayon. Mamaya matorture ako. Ng Bryanbelievers. :|
"Ate. Papasok ka na? Sabay na tayo."
Buti pàtong si Desi. Dinadamayan ako. Pero gaya ng iba, hindi siya naniniwala na hindi kami ni Bryan. Heck, inaasar nga ako e! Grabeng sister, supportive. NOT.
"Sige, mauna ka na sa labas. Susunod na ko."
Um-oo naman siya.
Dalawa lang pala kami ng kapatid ko sa bahay. Wala si Mama e. Nagulat ako, may business na gagawin siya kasama yung Tita ko. At ang chaka, sa Europe sila for 5 months. Buti nga hindi pa kumakalat yung chismis dun e.
Inayos ko na yung backpack ko at lumabas. Sabay na kami ng kapatid ko pumunta ng school. Grabe, pagdating ko sa front gate ng school, nagulat ako sa nakita ko.
Reporters, tapos maraming taga-Media. Mga press atàto? Anong nangyayari?
OHNOES. WAG MONG SABIHIN ANDITO SILA PARA INTERVIEWHIN AKO?!
Lakad. Lakad. Tatakas ako... Hindi ako papasok...
"Look! It's Miss Alvarez. Miss Eya!"
Syet! Nakita nila ako.
Napatakbo ako ng di oras. Sinusundan nila ako!
OH MY GULAY NA LANTA! Takbo na parang kabayo!
Takbo ako ng takbo papuntang back gate. Hingal na hingal na nga ako, di pa rin nila ako tinatantanan! Lagot ka sakin, Bryan. Hukluban ka. Dinamay mo ako! :|
"Aaaaaaaah Miss Eya chill!"
Letse kayong mga reporters! Ugh.
Malapit na ako sa back gate ng school. YES! Ng biglang may humawak sa braso ko.
"Eya?! Why are you running?"
WRONG TIMING NAMAN `TONG SI BRYAN! Naabutan tuloy kami ng
reporters.
"Tamo! Naabutan tuloy tayo."
Nakakainis kasi e! Dumating pa kasi. Tae.
Pinalibutan na kami ng mga reporters. Puro flash ng mga camera nila, ang sakit sa mata! Wala akong maaninag.
Kasalanan ni Bryan `to e! Tinry kong tumakbo pero nacorneran kami. Padami ng padami yung mga umuusisa.
Nakakahiya. Naiiyak ako dahil sa sobrang hiya.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Bryan. Why did he suddenly...?
"U-uh, Bryan bitawan--"
"Please. Let us enter the school in peace. My girlfriend is not really feeling well right now."
Oo nga.
Mga epal `tong mga reporters-- Wait, What? GIRLFRIEND?
SO TOTOTOHANIN NAMIN?!
"B-bryan!"
"We'll have an interview soon. Please leave. Thank you. Let's go, Babe."
Anong tawag niya sakin?
BABE?!
Nagkagulo yung reporters. Pero dahil distracted sila. Biglang hinawakan ni Bryan yung kamay ko at hinila, tumakbo kami papuntang back gate.
Dugdug. Dugdug.
Haaaaaaaa? Nangyari sa heartbeat ko? Siguro dahil lang sa kaba kanina. Pero bakit yung rate nito, parang
naabnormal? =_____= Di kaya may sakit ako sa puso?
to be continued...
22.2
Eya's POV
Pagpasok namin sa loob ng school, dumiretso kami sa may mini garden ng school, di ko napansin na nakaholding-
hands pa rin kami. Agad naman kaming nagbitaw nung napansin naming pareho. Ang awkward kaya.
Silence.
Di ako makapagsalita. Natameme ako e, kasalanan ko ba? Kung maexperience mo kaya yung nangyari sakin ngayon?
Bigla ko tuloy naalala...
"HOY. Bakit mo sinabing girlfriend mo ako? Atsaka, ano yung babe-babe na yun?!"
Bigla niya naman akong binatukan. Epal `to!
"Kapag hindi ko sinabing girlfriend kita, sasabihin nilang malandi ka, slut ka, flirt ka. Buti nga yun e,
pinagtanggol pa kita. Kasi nga, may picture tayo na nasa taas kita."
Siya naman nabatukan ko. Grabe kasi yung term niya e.
"So kelangan sabihin na nasa taas mo ako?"
"Alanganamang nasa ilalim kita? Bobo."
"Aba. Makabobo ka! Sabihan mo pa ako ng bobo mapapatay--"
"Bobo ka."
Ugh. Help me please. Gusto kong saksakin si Bryan ng ice pick. O kaya kahit anong matalas na bagay.
Right now. =__=
"Ewan ko sayo."
Umupo na lang ako malapit sa mga roses. Ang astig rin ng school namin, mga 8 kinds of roses siguro nandito. Grabe, ang babango!
"Wow... May red roses, white roses... Pati yellow! Pati blue! Pati green!"
(Isipin niyo manghang-mangha siya sa mga roses)
"Mahilig ka pala sa roses."
Hindi ko lang siya pinansin. Ang ganda ng mga roses. Mamaya madistract ako sa kapangitan niya e. =_____=
Naalala ko tuloy...
Flashback
3rd monthsary namin ni Erick.
Uwian nun e. Kakatapos lang ng klase nun at pinahintay niya ako sa may front gate.
Lumipas ang 1 oras, hindi pa rin siya dumating. Saan kaya nagpunta yun? Baka inindyan na naman ako nun.
Nakakairita.
Biglang nagvibrate yung cellphone ko, nagtext siya! Buti naman.
Fr: Babyko~
BABY. nauna na akong umuwi. sorry. onga pla, pnta kang clasrum, naiwan ko ung gitara ko e, pakuha na lang. thanks.
NAINIS AKO BIGLA. Grabe, di niya na nga ako pinuntahan dito, inindyan na ako, tapos uutusan pa ako!
NAKAKAASAR.
Pero dahil monthsary namin, magiging mabait akong girlfriend. Sumusunod. Ugh. Ano ako aso? Whatever. Kukunin
ko na lang yung gitara niya tapos idadaan ko sa bahay nila. Saka ko siya tatakutin. Kunwari makikpagbreak ako. E
bakit ba?! Naiinis ako.
Pagdating ko sa classroom, nagulat ako sa nakita ko.
Punong-puno siya ng mga roses. Yung iba, nasa bouquet, yung iba, nasa pot. Tapos, nakita ko pang may heart-shaped balloons na nakasabit sa dingding ng classroom namin, bawat balloon, may letter na nakalagay. Alam niyo yung
message?