Ang Boyfriend Kong Artista (30 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
8.33Mb size Format: txt, pdf, ePub

"Meron. Dati."

"Bakit dati?"
Oops. Bat ko natanong yun?

"You don't need to know."
Tumahimik na lang ako.

"Uhm... So, artista ka diba? Kelan pa?"

"3 years old pa lang. Marunong na ako umarte."

"Wow. Ang aga ha. Ano yun, nasa blood niyo na talaga yung talent na yan?"

"Ewan."
Wow. Ang tipid sumagot. Hay nako.

"Favorite color?"

"Green."

"Favorite Food?"

"Adobo. Tapos Apple Pie."

"Favorite Sport?"

"Football. Basketball rin."

"Favorite Movie?"

"Teka, ano bàtong interview mo!? Slumbook?"

"Che! Makicooperate ka na lang."

"Invictus."

"Anong Invictus?"

"Yung favorite movie ko tinatanong mo diba?"

"Oo na."
Inirapan ko lang siya. Malay ko bang movie yun!?

"Favorite hobby?"

"Songwriting. Playing guitar. Reading."

"Bookworm ka?"

"Medyo. Books ni Rick Riordan at Dan Brown binabasa ko."

"Nakakapagbasa ka pala."
Pinitik ba naman ako sa noo!

"Anong akala mo sakin? Illiterate? Tss."

"Hm. Teka, ilan na yung movies mo?"

"12 movies. 3 tv series. 1 documentary."

"Song albums mo?"

"6."

"Sumasayaw ka rin diba?"

"Oo."

"Ah."

"Marami ka na bang naging scandals?"

"Oo. Meron. 2 lang."

"Di ka ba naiinis sa mga paparazzi's?"

"Hindi. Sanay na ako e."

"Ah. Pero masaya ka naman? Sa pagiging artista mo?"

"Ano ba yan, ang boring ng mga tanong mo! Wala na bang gaganda dyan?"

"Maghintay ka!"
Buti at tumahimik naman siya.

"Wait, diba, hilig mo Photography?"

"Yes."

"Since when?"

"Since 8 years old ako."

"Wow! Ambata mo pa, mahilig ka na dun? Galing mo!"

"Thanks."
Nagsmile naman siya.

"Hm. Sino inspiration mo sa photography?"

"Si Dad."

"So siya rin yung nagturo sayo sa photography?"

"Oo."

"So close ka sa tatay mo?"
Sumimangot naman siya.

"May tatay bang close sa anak? Tapusin na nga yung interview."
Nangyari sa kanya? May problema ba siya sa tatay niya?

"Uhm. Mom mo? Musta naman relationship mo sa kanya?"

"Maayos naman."

"Sorry sa pagtatanong."

Ngumiti naman siya.
"Okay lang. Sensitive lang talaga ako pagdating sa tatay ko."

"Ganun? Sorry talaga."

"Galit na galit siya sakin."
Parang naawa ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Can you keep a secret? Please don't write this on the article."

"Oo naman."

"Ako daw kasi yung dahilan kung bakit namatay yung kapatid ko."
WHUUT?! Grabe naman.

"Sorry to hear that. Pero parang mali naman yung tatay mo. Intindihin mo na lang. Magkakaayos rin

kayo."

"Sana. Salamat ha?"
Nagngitian lang kami. Kahit papano, makakausap mo rin palàtong si Bryan e.

Tumahimik muna kami ng ilang minutes. Walang nagsalita. Pero comfortable yung silence samin.

"Alam mo, friends tayo diba? Pero bakit asar na asar ka sakin? At ang sungit mo kapag nasa school

tayo?"

"Hm. E ikaw rin may kasalanan e. Mayabang ka kasi. Conceited much?"
Tumawa lang kami pareho.

"Maybe we got off the wrong foot. Sorry. So, friends ulit?"
Inabot niya yung kamay niya.

"Sure. Friends."
Nagshake-hands kami. Nagkatinginan lang kami. Di ko alam pero parang tumibok yung puso ko.

What the. Binitawan ko yung kamay niya at tumawa naman siya. Awkward.

"So! Uhm. Lovelife mo? May girlfriend ka ba?"

Ngumiti na naman siya at tumingin sakin.
"Wala. Mag-aapply ka ba?"

Binatukan ko lang siya at tumawa naman siya.
"Eto! Joke lang naman yun e!"

"Di magandang joke yun! Epal ka. Seryoso na kasi."

"Sige. I'm still searching for the girl e. Sana, she's worth it."
Bigla naman tumibok puso ko. Anong nangyari?

Tinuloy lang namin yung interview. Mga 4pm, natapos na. Hinatid niya rin ako sa bahay namin dahil friends na

naman daw kami e.

Pagpasok ko sa kwarto ko. Humiga muna ako at nag-isip. Hindi rin biro yung buhay ng mga artista noh? Ang daming kailangan isacrifice. At hindi sila perpekto. After ilang minutes ng pagnilay-nilay, tumayo na ako at nagbihis.
Tapos
binuksan ko na yung laptop ko at nagsimulang magtype para sa article.

19.

Eya's POV

Monday na. Pumasok ako ng maaga ngayon para maipasa ko na yung article. Ambilis noh? Sa Friday pa yung

deadline pero ngayon ko ibibigay. Parang ako si Superwoman. HAHAHA.

"Eya!"
Pagkatingin ko sa tumawag. Si Andie lang pa. Hingal na hingal siya ha? Problema nito?

"Anong nangyari sayo? Atsaka bakit ka excited?"
Ngumiti naman siya. Pero mukha siyang asong nasagasaan ng truck. I swear, ang laki ng eyebags niya.

"Titignan ko din kasi yung results. Sana makapasok ako!"

"Haha. Adik. Sige, punta lang ako sa moderator namin. Kita na lang tayo mamaya."
Um-oo naman siya.

Nagmadali akong pumunta sa Club Room at, woah. Si Bryan?

"Uy. Ginagawa mo dito?"

"Ipapasa ko rin `tong pictures na pinaassign rin sakin."

"Ah. Si Mdm.?"

Other books

Blood Echoes by Thomas H. Cook
Californium by R. Dean Johnson
Winners by Allyson Young
To Try Men's Souls - George Washington 1 by Newt Gingrich, William R. Forstchen, Albert S. Hanser
The Hunt by Andrew Fukuda
Jakob’s Colors by Lindsay Hawdon
The Day is Dark by Yrsa Sigurdardóttir
Murder is the Pits by Mary Clay
The Painter's Apprentice by Charlotte Betts