Read Ang Boyfriend Kong Artista Online
Authors: Ella Larena
"Since si Ms. Alvarez ay close na rin kay Mr. Lim, siya na ang gagawa ng article. Ms. Alvarez.
Kailangan mong alamin lahat about Bryan Lim. Okay? Next week yung deadline ng mga articles niyo,
including yours, Eya."
Ano daw? Ako?
WHAT?! AKO YUNG GAGAWA NG ARTICLE ABOUT SA KANYA?! NO WAY!
"But Ma'am--"
"No buts. Okay, goodbye na. Nagbell na for your information. See you next week!"
I can't believe this.
Kailangan ko alamin ang lahat ng tungkol sa kanya?
Nagbbye na rin si Lars at Yoma. Ako na lang natitira dito pati si Bryan. Ugh. Napatingin ako sa kanya at ayun, nakangiti ng wagas.
"So, paano ba yan? Eya. You need to spend time with me pala. Hindi mo ako maiiwasan."
"Feeling mo! Para lang yun sa article noh!"
Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Alam ko naman na gusto mo rin ako makasama e. Kaya bukas,
2PM, Lover's Lane. Don't be late."
Kinindatan pa ako bago siya umalis. Ugh! Nakakainis talaga siya.
Bakit ba ganun? Do I need to go? Aasarin lang naman ako nun e. T.T Pero, para sa interview, why not? Diba? At? Sa Lover's Lane pa talaga? Eh alam ko, parang for couples lang yung place na yun e! Pero sabagay, malapit lang kasi yun sa place naming pareho e.
Umuwi na ako sa bahay na nag-aalinlangan. Ewan ko, pero interesado rin akong malaman yung history ni Bryan Lim.
Whatever. For the article, magsasacrifice ako. Kahit makasama ko man si Bryan buong araw bukas. Hay nako.
17.
Eya's POV
Before 30 minutes e andito na ako sa Lover's Lane. Mas mabuti ng maaga, baka sabihin nun kapag nauna siya,
pinaghintay ko siya. Ugh. Atsaka gusto ko ng matapos yung interview para sa article, dahil manunuod pa ako ng My Girlfriend is a Gumiho. Andun kaya si Lee Seung Gi. Crush ko yun e.