Noli Me Tangere (8 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
11.18Mb size Format: txt, pdf, ePub

Waláng imìc na hinigpît na mairog ni Ibarra ang payat na camáy n~g Teniente, at hindî cumikibo'y sinundán n~g canyáng m~ga matá itó, hanggáng sa dî na mátanaw.

Marahang bumalíc at nacakita siyá n~g isáng nagdaraang carruaje; kinawayán niya ang cochero:

--¡Sa Fonda ni Lala!--ang sinabing bahagyâ na mawatasan.

--Marahil nanggaling itó sa calabozo--ang inisip n~g cochero sa canyáng sarili, sacá hinaplit n~g látigo ang canyáng m~ga cabayo.

TALABABA:

[99] Ang balbás na sumisibol sa babà, na pinapag aanyong pera--Ang pera ay ang caraniwang tawaguing "peras." "Pera" pagcâ íisa; "peras" pagcâ dalawá ó marami, ito'y cung sa wícang castilàs sa pagcá't sa wícà natin ay hindî nagbabago ang tawag cung íisa ó marami man. Ipinaliliwanag co itó sa pagca't marami sa m~ga tagalog na sa dî caalaman ay tinatawag na "pera" ó "pira" ang isáng céntimo, sa pagtulad sa m~ga castilàng tinatawag na "perra chica" ang caniláng cuartang ang halaga'y isáng céntimo natin ó "perra grande" pagcâ halagang dalawang céntimo. Asong babae ang cahulugan n~g sabing "perra," at ganito ang itinawag n~g castilà sa canilang cuarta, dahil doo'y may napapanood na isáng leóng ang camukha'y aso.--P.H.P.

[100] Catutubong hiyas n~g espíritu n~g tao na siyang tagaacay sa paggawâ niyá n~g anó man. Pagcakilalang tunay n~g casamaang dapat nating pan~gilagan at n~g cagalin~gang dapat nating gawín--P.H.P.

[101] Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno n~g España sa Filipinas, hindî ipinahihintulot na ang m~ga castilang lalaki't babae'y gumawâ n~g anó mang may cabígatán, gaya bagá n~g mag-araro, mag-asaról, mag-pahila n~g carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí n~g pagcain sa m~ga pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad n~g maláyò; inaacala n~g m~ga castilang isáng casiraan n~g caniláng puri cung mapanood n~g m~ga filipinong sila'y gumagawa n~g mabigat, at nakikigaya namán sa canilá ang m~ga lahing castilà. Naguíng casabihán tulóy sa catagalugan, dahil sa bagay na itó ang "para ca namáng castila", "para ca namáng señora," sa m~ga lalaki't babaeng tagalog na aayaw magtrabajo n~g mabigát.--P.H.P.

[102] N~g panahóng sinasabi ni "Rizal" na nangyari ang sinasaysay sa librong itó, ang tawag sa bahay-bayan (Casa municipal) ay tribunal at ang tawag sa Presidente Municipal ay Gobernadorcillo (maliit na Gobernador) panglibác na pan~galan. Ang Gobernadorcillo'y tagapamahalà n~g bayan, hucóm sa m~ga mumuntíng bagay na usapín, tagausig sa masasamáng tao, taga panin~gíl as m~ga cabeza de barangay, nacaaalam n~g correo at ibá pa.--P.H.P.

[103] Waláng anó mang calabisán. Lubhà n~gang catotohanan ang sinasabing itó ni Rizal na sucat na ang alalahanín cung bakit hinatulang mapresidio ang iláng maririlag na guinoong filipino, n~g 1872 dahil sa sinapantahang sila'y m~ga cainalám sa m~ga nangyari sa arsenal n~g Tan~guay n~g taóng iyón. Ang isá sa lalong m~ga calaguímlaguím na sumbóng na guinawâ laban cay Don Antonio Maria Regidor ay ang pagcacuha sa isáng "aparador" n~g canyáng bahay, na "punong-punô n~g alaboc," n~g dalawampong "ejamplar" n~g librong
La Cuestión Colonial
na sinulat ni Labra. Basahin ang folletong "Carain~gang ipinadalá sa mahál na Hari ni Don Antonio María Regidor, na sinulat ni Don Manuel Silvela: Madrid 1872. Pinagdusahan sa Marianas ni Don Antonio María Regidor ang gayong cakilakilabot na "casalanan."

Ang isá pang nagdusa sa presidio dahil sa m~ga gayón ding casalanan ay si Don Máximo Paterno, na ipinagsanggalang n~g hindî malilimot na si Don Germán Gamazo sa ganitóng pananalitâ: "Gayon ma'y hindî piniit ó pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal si Don Máximo Paterno, sa m~ga sandaling malapit na una ó hulí sa panghihimagsíc (sa Tan~guay). Panatag at umaasa sa canyáng sariling pagcawalang malay-sala, nan~gasiwang hayág, sa canyáng m~ga hanap buhay, mulâ n~g ica 21 n~g Enero, nangyari ang panghihimagsic, hangang sa ica 20 n~g Febrero na siya'y dinakíp sa canyáng bahay at inihatid sa cutà n~g Santiago. Pinag-usig siyá sa harap n~g m~ga Tribunal na hindî nacapágligtas sa canyá ang canyáng ganitóng pag-asa at capayapaan n~g loob, na nagpapakilalang maliwanag na hindi siyá sinasalaguimsiman n~g cahi't muntíng panimdín, palibhasa'y talastás, niyang siyá'y walang sala; at ang lalong cahapishapis ay siya'y hinatulang magdusa. Ang siyá'y nasamsamán n~g isáng bilang n~g "El Eco Filipino" (pamahayagang nagsásanggaláng sa Madrid n~g m~ga catuwiran n~g m~ga páring clérigo); ang siya'y umambág n~g caunting salapî sa pagtatatag n~g (pamahayagang) "El Correo de Ultramar" ... ang siyáng m~ga tan~ging cadahilanan mandin n~g hatol na siyá'y magdusa." (Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Consejo Supremo de la Guerra ni Don Máximo Paterno na sinulat ni Don Germán Gamazo:" Madrid, 1873.)

Sa "El Correo de Ultramar" ay nan~gagsisulat ang m~ga pantás at macabayang castilang sina D. Ramón Mesonero Romanos, D. Mariano Urrabieta, D. Juan Miguel de Arrambide, D. José González de Tejada, Pedro Antonio de Alarcón, D. José Selgas, Baldomero Mendez, D. V. Guimera, D. José Ferrer de Coute, D. J. M. Bello, D. Luis Mariano de Larra at iba. ¿Naglalathalà bagá, ang "El Correo de Ultramar" n~g ano mang laban sa m~ga castilà? Ito'y catulad cung tanun~gíng: ¿sumulat baga si Rizal, si Marcelo Hilario del Pilar, si Mabínì, si López Jaena n~g ano mang laban sa catagalugan? Gayón ma'y pinag-uusig n~g m~ga fraile bawa't bumabasa n~g "El Correo Ultramar" dahil sa ang pamahayagang iyo'y hindi catoto n~g cadilimán n~g isip na dito'y pinipilit laganap n~g m~ga "cahalili n~g Dios."

Ang isá pang napapresidio ay ang sacerdoteng si Don Agustín Mendoza, na naramay rin sa nangyari sa Tan~guay. ¿M~ga cadahilanan? Dingguín ninyó ang canyáng abogadong si Don Rafael Maria de Labra: "ang lahat n~g m~ga sumbong n~g Fiscal laban sa nagsasaysay n~gayón ay maioowi sa dalawá lamang: ang una'y ang paglalaganap n~g isáng lihim na pamahayagang ang pamagát ay "El Globo," na sino may waláng nacapagharáp n~g cahi't isá man lamang na "ejemplar," at ang icalawa'y ang pagpapanucálà n~g m~ga lihim na pagpupulong, bagay na waláng nagbabalitâng policía ó sino mang táo n~g cahi't bahagya man lamang. Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Poder Ejecutivo ni D. Agustin Mendoza", na sinulat ni Don Rafael María de Labra: Madrid, 1878.

Sa isáng salita: "antiespañol" (laban sa castilà) "filibustero" at iba pa ang lahát n~g filipinong sa canyáng lupain ay may tagláy n~g m~ga caisipang nauucol sa m~ga calayaan; n~guni't lalonglalò na cung ang m~ga caisipáng iya'y sumasacanyáng bahay sa pamamag-itan n~g m~ga libro ó n~g m~ga pahayagan, cailan ma't dumating ang isang capanahunan, dapat samantalahín ang capanahunang itó upang mapapresidio ang gayóng filipino.

Ang ibáng nan~gatitic sa itaas ay sinipi co sa "Vida y Escritosa n~g Dr. Rizal," sinulat ni G. Wenceslao E. Retana. Salamat sa casipagan at catalinuhan n~g guinoong itó'y maraming catotohanang hindî kilala ang n~gayo'y lumilitaw at numiningning.--P.H.P.

[104] Ang pagtiguil ó pagcapásalà n~g anomang bagay na m~ga "humor" sa alin mang bahagui n~g catawan.

[105] Sirâ ang isip.

[106] N~g panahóng iyo'y naititipon sa alcalde ang m~ga catungculang pagca hucóm, gobernador civil administrador n~g Hacienda, Subdelegado n~g Fondos Locales, administrador n~g Correos at iba pa.--P.H.P.

[107] Ang dalawang salamíng na sa m~ga tila bumbóng na tansô ó bacal, na cung doon sumílip ang sinó man ay nacacakita n~g m~ga na sa malayò.--P.H.P.

=V.=

=ISANG BITUIN SA GABING MADILIM=

Nanhíc si Ibarra sa canyáng cuarto, na nasadacong ilog, nagpatihulóg sa isáng sillón, at canyáng pinagmasdán ang boong abót n~g tin~gin, na malakí ang natatanaw, salamat sa nacabucás na bintanà.

Totoong maliwanag, sa caramihan n~g ilaw, ang catapát na báhay sa cabiláng ibayo, at dumárating hanggáng sa canyáng "cuarto" ang m~ga masasayáng tínig n~g m~ga instrumentong may cuerdas ang caramihan.--Cung hindî totoong guló ang canyáng isip, at cung siyá sana'y maibiguíng macaalam n~g m~ga guinágawâ n~g capowâ táo'y marahil ninais niyáng mapanood, sa pamamag-itan n~g isáng gemelos[108], ang nangyayari sa kinalalagyán n~g gayóng caliwanagan; marahil canyáng hinan~gâan ang isá, riyán sa m~ga cahimáhimaláng napapanood, isá riyán sa m~ga talinghagang napakikita, na maminsanminsang nátitingnan sa m~ga malalakíng teatro sa Europa, na sa marahan at caayaayang tínig n~g orquesta ay nakikitang sumisilang sa guitnâ n~g isáng ulán n~g iláw, n~g isáng bumúbugsong agos n~g m~ga diamante at guintô, sa isáng cárikitdìkitang m~ga pamuti, nababalot n~g lubháng manipís at nan~gan~ganinag na gasa ang isáng diosa, ang isáng "silfide"[109] na lumalacad na halos hindî sumasayad ang paa sa tinatapacan, naliliguid at inagaapayanan n~g maningning na sinag: sa canyáng pagdatíng ay cusang sumisilang ang m~ga bulaclác, nagbíbigay galác, ang m~ga sayáw, nan~gapupucaw ang matimyás na tugtugan, at ang m~ga pulutóng n~g m~ga díablo, m~ga ninfa[110], m~ga sátiro[111], m~ga génio[112], m~ga zagala[113], m~ga ángel m~ga pastor ay sumásayaw, guinagalaw ang m~ga pandereta, nan~gagpapaliguidliguid at inihahandog n~g bawa't isá sa paanan n~g diosa ang canícaniláng alay. Napanood sana ni Ibarra ang cagandagandahang dalagang timbáng at matowíd ang pan~gan~gatawán, tagláy ang mainam na pananamít n~g m~ga anác na babae n~g Filipinas, na nangguíguitnâ sa nacaliliguid na sarisaring táo na masasayáng cumikilos at nan~gagcucumpasan. Diyá'y may m~ga insíc, m~ga castilà, m~ga filipino m~ga militar, m~ga cura, m~ga matatandáng babae, m~ga dalaga, m~ga bagongtao, at ibá pa. Na sa tabí n~g diosang iyón si párì Dámaso, at si párì Dámaso'y n~gumín~giting catulad n~g isáng nasacaluwalhatîan; si Fr. Sibyla ay nakikipagsalitaan sa canyá, at iniaayos ni Doña Victorina sa canyáng pagcagandagandang buhóc ang isáng tuhog na m~ga perla at m~ga brillante, na cumíkislap n~g sarisaring kináng n~g culay n~g bahaghárì. Siyá'y maputî, nápacaputî marahil, ang m~ga matáng halos laguing sa ibabâ ang tin~gín ay pawang nan~gagpapakilala n~g isáng cálolowang cálinislinisan, at pagcâ siyá'y n~gumín~gitî at nátatanyag ang canyáng mapuputî at malilìt na m~ga n~gípin, masasabing ang isáng rosa'y bulaclác lamang n~g cahoy, at ang garing ay pan~gil n~g gadya[114] lamang. Sa pag-itan n~g nan~gan~ganinag na damít na piña at sa paliguid n~g canyáng maputî at linalic na líig ay "nan~gagkikisapan," gaya n~g sabi n~g m~ga tagalog, ang masasayáng m~ga matá, n~g isáng collar na m~ga brillante. Isáng lalaki lamang ang tila mandin hindî dumaramdam n~g canyáng maningníng na akit: itó'y isáng batà pang franciscano, payát, nanínilaw, putlâin, na tinátanaw na dî cumikilos ang dalaga, buhat sa maláyò, cawán~gis n~g isáng estátua[115], na halos hindî humíhin~gá.

Datapuwa't hindî nakikita ni Ibarra ang lahát n~gitó: napapagmasdan n~g canyáng m~ga matá ang ibáng bagay. Nacúculong ang isáng munting luang n~g apat na hubád at maruruming pader; sa isá sa m~ga pader, sa dácong itáas ay may isáng "reja"; sa ibabaw n~g maramí at casuclamsuclam na yapacán ay may isáng baníg, at sa ibabaw n~g baníg ay isáng matandáng lalaking naghíhin~galô; ang matandáng lalaking nahihirapan n~g paghin~gá ay inililin~gap sa magcabicabilà ang m~ga mata at umiiyac na ipinan~gun~gusap ang isáng pan~galan; nag-íisa ang matandáng lalaki; manacanacang náririn~gig ang calansíng n~g isáng tanicalâ ó isáng buntóng-hinin~gáng naglalampasan sa m~ga pader ... at pagcatapos, doon sa maláyò'y may isáng masayáng piguíng, hálos ay isáng mahalay na pagcacatowâ; isáng binata'y nagtátawa, ibinubuhos ang álac sa m~ga bulaclác, sa guitnâ n~g m~ga pagpupuri at sa m~ga tan~ging tawanan n~g m~ga ibá. At ¡ang matandáng lalaki'y catulad n~g pagmumukhà n~ga canyáng amá! ¡ang binata'y camukhâ niyá at canyáng pan~galan ang pan~galang ipinan~gun~gusap na casabáy ang tan~gis!

Itó ang nakikita n~g culang palad sa canyáng harapán.

Nan~gamatáy ang m~ga ílaw n~g catapát na báhay, humintô ang músìca at ang cain~gayan, n~guni't náririnig pa ni Ibarra ang cahapishapis na sigáw n~g canyáng amá, na hinahanap ang canyáng anác sa canyáng catapusáng horas.

Inihihip n~g catahimicán ang canyáng hungcag na hinin~ga sa Maynilà, at warì mandi'y natutulog ang lahát sa m~ga bísig n~g walâ; náririn~gig na nakikipaghalínhinan ang talaoc n~g manóc sa m~ga relój n~g m~ga campanario at sa mapangláw na sigáw na "alerta" n~g nayáyamot na sundalong bantáy; nagpapasimulâ n~g pagsun~gaw ang capirasong bowán; wari n~ga'y nan~gagpapahin~galáy na ang lahát; si Ibarra man ay natutulog na ri't marahil ay napagál sa canyáng malulungcot na m~ga caisipán ó sa paglalacbáy.

N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git. Namutlâ at nawalâ ang bituwin, nawalâ rin ang m~ga bahagyáng sínag nang nagpápatay na bowán; n~guni't hindî cumilos ang fraile sa canyáng kinálalagyan: niyao'y minamásdan niyá, ang malayong abót n~g tin~ging napapawî sa ulap n~g umaga sa dacong Bagumbayan, sa dacong dagat na nágugulaylay pa.

TALABABA:

[108] Espiritung nananahan sa alang alang.

[109] Alín man sa m~ga diosang nananahán sa tubig, sa m~ga gubat at sa iba pa.

[110] Isáng semidios ó pan~galawang dios na ang calahati'y tao't calahati'y cambíng.

[111] Dios na lumilikha n~g lahát n~g bagay, anáng m~ga gentil.

[112] Ang dalagang bukid.

[113] Elefante. Hindî malayong n~g caunaunaha'y nagcaroon n~g elefante dito sa Filipinas, caya sa wicà natin ay may sadyáng tawag, gadya; samantalang napagkikilalang dito'y talagáng dating waláng cabayo, cayâ sa wicà natin ay waláng sariling pan~galan ang hayop na itó na di gaya n~g áso, baboy, manóc at iba pa.

[114] Isáng larawang cahoy, bató, tansô ó kacal.

[115] Guintô pa panahóng iyón ang salapi sa Filipinas.

=VI.=

=CAPITANG TIAGO=

Sundin namán ang loob mo dito sa lupa
!

Samantalang natutulog ó nag-aagahan ang ating m~ga guinoo'y si Capitang Tiago ang ating pag-usapan. Cailán ma'y hindî tayo naguíng panauhín niyá, walâ n~ga tayong catuwiran ó catungculang siyá'y pawaláng halagá at huwág siyáng pansinín, cahi't sa mahalagáng capanahunan.

Palibhasa'y pandác, maliwanag ang culay, bilóg ang catawán, at ang mukhâ, salamat sa saganang tabâ, na alinsunod sa m~ga nalúlugod sa canyá'y galing daw sa lan~git, at anáng m~ga caaway niyá'y galing daw sa m~ga dukhâ, siyá'y mukháng bátà cay sa tunay niyáng gulang: sino ma'y maniniwalang tatatlompo't limang taón lamang siyá. Táong banál ang laguing anyô n~g canyáng pagmumukhâ n~g panahóng nangyayari ang sinasaysay namin. Ang báo n~g canyáng úlong bilóg, maliit at nalalaganapan n~g buhóc na casing itím n~g luyong, mahabà sa dacong harapán at totoong maiclî sa licuran; hindî nagbabago cailán man n~g anyô ang canyáng m~ga matang malilíit man ay dî singkít na gaya n~g sa insíc, mahayap na hindî sapát ang canyáng ilóng, at cung hindî sana puman~git ang canyáng bibíg, dahil sa napacalabís na pagmamascada niyá at pagn~gàn~gà, na sinisimpan ang sapá sa isáng pisn~gí, na siyáng nacasisirà n~g pagcacatimbang n~g tabas n~g mukhâ, masasabi naming totoong magalíng ang canyáng paniniwalà at pagpapasampalatayáng siyá'y magandáng lalaki. Gayón mang napapacalabis ang canyáng pananabaco't pagn~gàn~gà ay nananatiling mapuputî ang canyáng m~ga sariling n~gipin, at ang dalawang ipinahirám sa canyá n~g dentista, sa halagáng tiglalabing dalawang piso ang bawa't isá.

Other books

The Rescue by Lori Wick
Cut Throat Dog by Joshua Sobol, Dalya Bilu
His Forever (His #3) by Wildwood, Octavia
The Age of Water Lilies by Theresa Kishkan
Lit by Mary Karr
The Very Best of F & SF v1 by Gordon Van Gelder (ed)
Short Money by Pete Hautman
Ryman, Rebecca by Olivia, Jai
Breaking His Rules by R.C. Matthews
Urban Renewal (Urban Elite Book 1) by Suzanne Steele, Stormy Dawn Weathers