Noli Me Tangere (10 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
12.9Mb size Format: txt, pdf, ePub

Naguíng Gobernadorcillo siyá n~g "gremio" n~g m~ga "mestizong sangley", bagá man maraming nagsitutol, sa pagca't hindî siya nilá ipinalálagay na mestizong insic. Sa dalawáng taóng canyáng pan~gan~gapita'y nacasirà siyá n~g sampóng frac, sampóng sombrerong de copa at anim na bastón: ang frac at sombrero de copa'y sa Ayuntamiento, sa Malacanyáng at sa cuartel; ang sombrero de copa at ang frac ay sa sabun~gan, sa pamilihan, sa m~ga procesión, sa m~ga tindahan n~g m~ga insíc, at sa ilalim n~g sombrero at sa loob n~g frac ay si Capitang Tiagong nagpapawis at nag-eesgrima n~g bastóng may borlas, na nag uutos, naghuhusay at guinugulo ang lahát, tagláy ang isáng cahan~gahan~gàng casipagan at isáng pagcamatimtimang lalò pa manding cahan~gahan~gà. Cayâ n~ga't ipinalalágay n~g m~ga punong macapangyarihang siyá'y isáng magaling na táo, cagandagandahan ang púso, payápà, mápagpacumbabâ, masunurin, mapagpakitang loob, na hindî bumabasa n~g anó mang libro ó periódicong galing sa España, bagá man magalíng mag-wícang castílà; ang tin~gin sa canyá, nilá'y tulad sa pagmamasíd n~g isáng abáng estudiante sa gasgás na tacón n~g canyáng lumà n~g zapato, pakilíng dahil sa anyô n~g canyáng paglacad:--Naguiguing catotohanan, sa calagayan niyá, ang casabihán n~g m~ga cristianong "beati pauperis spiritu"[138] at ang caraniwang casabiháng "beati possidentes"[139], at mangyayaring maipatungcol sa canyá yaóng m~ga sabing griego na anáng ibá'y malî ang pagcacahulog sa wicang castilà: "¡Gloria á Dios en las alturas y paz á los hombres de buena voluntad"[140]! sa pagca't ayon sa makikita natin sa m~ga susunod dito, hindî casucatáng magcaroon ang táo n~g magandáng calooban upang sumapáyapà. Ang m~ga dî gumagalang sa religió'y ipinalálagay siyáng halíng; ipinalálagay siyá n~g m~ga dukháng waláng awà, tampalasan, mapagsamantala n~g cahirapan n~g capuwà, at ipinalálagay naman n~g m~ga mabababà sa canyáng siyá'y totoong malabis umalipin at mapagpahirap. At ¿ang m~ga babae? ¡Ah, ang m~ga babae! Umaalin~gawn~gaw n~g dî cawasà ang m~ga paratang, na naririnig sa m~ga mahihirap na m~ga báhay na pawid, at pinagsasabihang may naririnig daw na m~ga taghóy, m~ga hagulhól, na manacànacang may casamang m~ga uhâ n~g isáng bagong caaanác. Hindî lamang íisang dalaga ang itinuturò n~g daliring mapagsapantahà n~g m~ga namamayan: malamlám ang matá at looy na ang dibdib n~g gayóng dalaga. N~guni't hindî nacabábagabag n~g canyáng pagtulog ang lahát n~g itó; hindî nacaliligalig n~g canyáng catahimican ang sino mang dalaga; isáng matandáng babae ang siyang nacapagpapahirap n~g canyáng loob, isáng matandáng babaeng nakikipagtaasan sa canyá n~g pamimintacasi na naguíng dapat magtamò sa maraming cura n~g lalong malalaking pagpupuri at pagpapaunlác cay sa m~ga kinamtán niyá n~g panahóng siyá'y guinágaling. May banál na pag-uunaháng ikinágagaling n~g Iglesia si Capitang Tiago at sacâ ang babaeng baong itóng pagmamanahan n~g m~ga capatíd at n~g m~ga pamangkín, tulad namán sa pag-aagawán n~g m~ga vapor sa Capangpan~gang pinakikinaban~gan n~g m~ga táong báyan. ¿Naghandóg si Capitang Tiago sa isáng Vírgeng alín man n~g isang bastóng pílac na may m~ga esmeralda at m~ga topacio? Cung gayó'y pagdaca'y nagpapagawâ namán si Doña Patrocinio sa platerong si Gaudinez n~g isáng bastóng guintô na may m~ga brillante. ¿Na nagtayô si Capitang Tiago n~g isáng arcong may dalawáng mukhâ, may balot na damít na pinabintógbintóg, may m~ga salamín, m~ga globong cristal, m~ga lâmpara at m~ga araña, handóg sa procesión nang naval? Cung gayó'y magpapatayô namán si Doña Patrocinio n~g isáng arcong may apat na mukhâ, matáas n~g dalawáng vara sa arco ni Capitang Tiago at lalong marami ang m~ga bítin at ibá pang sarisaring m~ga pamuti. Pagcâ nagcágayo'y guinagamit namán ni Capitang Tiago ang canyáng lalong nagágawang magalíng, ang bagay na canyáng ikinatatan~gì: ang m~ga misang may m~ga bomba't ibá pang pangpasayáng guinagamitan n~g pólvora, at pagnangyari itó'y kinácagat ni Doña Patrocinio n~g canyáng m~ga n~gidn~gid ang canyáng lábì, sa pagca't palibhasa'y totoong mayamutin ay hindî niyá matiis ang "repique" n~g m~ga campanà, at lalò n~g kinalúlupitan niyá ang ugong n~g m~ga putucan. Samantalang si Capitang Tiago'y n~gumín~gitì ay nag-iisip naman si Doña Patrocinio n~g paggantí, at pinagbabayaran niyá n~g salapì n~g m~ga ibá ang lalong magagaling na magsermóng hirang sa limáng m~ga capisanan n~g m~ga fraile sa Maynilà, ang lalong m~ga balitang m~ga canónigo sa Catedral, at sampô n~g m~ga Paulista, at n~g man~gag sermón sa m~ga dakilang araw tungcól sa m~ga saysayin sa Teología[141], na lubhang malalalim sa m~ga macasalanang waláng nalalaman cung dî wicang tindá lamang. Námasid n~g m~ga cacampí ni Capitang Tiago, na si Doña Patrocinio'y nacacatulog samantalang nagsesermon, at sinaságot namán silá n~g m~ga cacampi ni Doña Patrocinio, na ang sermó'y bayád na, at sa ganang canyá'y ang pagbabayad ang siyáng lalong mahalagá. Sa cátapustapusa'y lubós na iguinupò si Capitang Tiago ni Doña Patrocinio, na naghandóg sa isáng simbahan n~g tatlóng andas na pilac, na dinorado, na ang bawa't isa'y pinagcagugulan niyá n~g mahiguít na tatlóng líbong piso. Hinihintay ni Capitang Tiago na bawa't araw ay titiguil n~g paghin~ga ang matandáng babaeng itó, ó matatalo cayâ ang limá ó anim na usapín sa paglilincód lamang sa Dios; ang casamaang palad ay ipinagcásanggalang ang m~ga usaping iyón n~g lalong magagalíng na abogado sa Real Audiencia, at tungcól sa canyáng búhay, waláng sucat na mapanghawacan sa canyá ang sakít, ang cawan~gis niyá'y cawad na patalím, marahil n~g may mapanghinularan ang m~ga cálolowa, at cumacapit dito sa bayan n~g luhang gaya n~g mahigpit na pagcapit n~g galís sa balát n~g táo. Umaasa ang m~ga cacampí ni Doña Patrociniong pagcamatáy nito'y maguiguing "canonizada"[142], at si Capitang Tiago ma'y sásamba sa canyá sa m~ga altar, bagay na sinasang-ayunan ni Capitang Tiago at canyáng ipinan~gan~gaco, mamatáy lamang agád.

Gayón n~gâ ang calagayan ni Capitang Tiago n~g panahóng iyón. Tungcól sa panahóng nacaraa'y siyá'y bugtóng na anác n~g isáng mag-aasucál sa Malabóng mayaman din namán ang pagcabuhay, n~guni't nápacaramot, na anó pa't hindî nagcagugol n~g isáng cuarta man lamang sa pagpapaaral sa canyáng anác, caya't naguíng alilâ si Santiaguillo n~g isang mabaít na dominico na pinagsicapang iturò ang lahát n~g maituturò at nalalaman niyá. N~g magtátamo na si Santiago n~g caligayaháng siyá'y tawaguing "lógico", sa macatuwíd bagá'y n~g siyá'y mag-aaral na n~g "Lógica",[143] ang pagcamatáy n~g sa canyá'y nagtatangkilíc, na sinundán n~g pagcamatáy n~g canyáng amá, ang siyáng nagbigáy wacás n~g canyáng m~ga pag-aaral, at n~g magcágayo'y napilitang siyáng man~gasiwà sa paghahanap-buhay. Nag-asawa siyá sa isáng magandáng dalagang taga Santa Cruz, na siyáng tumulong sa canyá sa pagyaman, at siyáng sa canyá'y nagbigáy n~g pagcaguinoo. Hindî nagcásiya si Doña Pia Alba sa pamimili n~g azúcal, café at tínà: ninais niyáng magtaním at umani, at bumilí ang dalawáng bagong casál n~g m~ga lúpà sa San Diego, at mulâ niyao'y naguíng caibigan na siyá ni párì Dámaso at ni Don Rafael Ibarra, na siyáng lalong mayamang mámumuhunan sa bayan.

Naguiguing isáng gawáng dapat sisihin ang malabis niláng pag-susumakit sa pagpaparami n~g cayamanan, dahil sa silá'y hindî nagcacaanác, mulâ n~g silá'y mácasal na may anim na taón na, at gayón ma'y matuwid, matabâ at timbáng na timbáng ang pan~gan~gatawán ni Doña Pia. Nawaláng cabuluhán ang canyáng m~ga pagsisiyám, ó "novenario," ang canyáng pagdalaw sa Virgeng Caysasay sa Taal, sa hatol n~g m~ga mapamintacasi; ang pagbibigay niyá, n~g m~ga limós, ang pagsasayáw niyá sa procesión n~g Virgeng Turumbá, sa Pakil, sa guitnâ n~g mainit na araw n~g Mayo. Nawal-ang cabuluháng lahát, hanggang sa siyá'y hinatulan ni párì Dámasong pumaroon sa Obando, at pagdatíng doo'y sumayáw sa fiesta ni San Pascual Baylón, at humin~gî n~g isáng anác. Talastás na nating sa Obando'y may tatlóng nagcacaloob n~g m~ga anác na lalaki at n~g m~ga anác na babae; ang ibiguin: Nuestra Señora de Salambaw, Santa Clara at San Pascual. Salamat sa hatol na ito'y nagdaláng táo si Doña Pía ... ¡ay! tulad sa mán~gin~gisdáng sinasabi ni Shakespeare sa Macbeth, na tumiguil n~g pag-aawít n~g siyá'y macasumpong n~g isáng cayamanan; pumanaw cay Doña Pia ang catowaan, namangláw n~g dî anó lamang at hindî na nakita nino mang n~gumitî.--¡Talagáng ganyán ang m~ga naglílihi--ang sinasabi n~g lahát, sampô ni Capitang Tiago. Isáng lagnát na dumapò sa canyá pagcapan~ganác (fiebre puerperal) ang siyáng nagbigáy wacás sa canyáng m~ga calungcutan, na anó pa't naiwan niyáng ulila ang isáng magandáng sanggól na babae, na inanác sa binyág ni Fr. Dámaso rin; at sa pagca't hindî ipinagcaloob ni San Pascual ang batang lalaking sa canyá'y hiníhin~gì, pinan~galanan ang sanggól n~g Maria Clara, sa pagbibigáy unlác sa Virgen de Salambáw at cay Santa Clara, at pinarusahan ang may dalisay na capuriháng si San Pascual Baylón, sa hindî pagbangguît n~g canyáng pan~galan.

Lumakí ang sanggól na babae sa m~ga pag-aalagà ni tia Isabel, ang matandáng babaeng iyóng tulad sa fraile ang pakikipagcapuwà táo na nakita natin sa pasimulâ nitó.

Hindî tagláy ni María Clara ang maliliit na m~ga matá, n~g canyáng amá: gaya rin n~g canyáng ináng malalakí ang m~ga matá, maiitím, nalililiman n~g mahahabang m~ga pilíc-matá, masasayá at caayaaya pagcâ naglálarô; malulungcót, hindî mapagcurò at anyóng naggugunamgunam pagcâ hindî n~gumín~gitî. Nang sanggól pa siyá'y culót ang canyáng buhác at halos culay guintô; ang ilóng niyáng magandá ang hayap ay hindî totong matan~gos at hindî namán sapát; ang bibíg ay nagpapaalaala sa maliliit at calugodlugod na bibíg n~g canyáng iná, tagláy ang m~ga catowatowang bíloy sa m~ga pisn~gî; ang balát niyá'y casíng nipís n~g pang-ibabaw na balát n~g sibuyas at maputíng culay búlac, anáng m~ga nahihibáng na m~ga camag-anac, na caniláng nakikita ang bacás n~g pagcâ si Capitang Tiago ang amá, sa maliliit at magandáng pagcacaanyô n~g m~ga tain~ga ni María Clara.

Ipinalálagay ni tía Isabél na cayâ may pagca mukháng europeo si María Clara'y dahil sa paglilihí ni Doña Pía; natatandàang madalás nakita niyáng itó'y tumatan~gis sa harapán ni San Antonio, n~g m~ga unang buwán n~g canyang pagbubuntís; gayón din ang isipan n~g isáng pinsang babae ni Capitang Tiago, ang pinagcacáibhan lamang ay ang paghirang n~g santo: sa ganang canyá'y naglihi sa Virgen ó cay San Miguel. Isáng balitang filósofong pinsan ni Capitang Tinong, at nasasaulo ang "Amat" [144], hinahanap ang caliwanagan n~g gayóng bagay sa ikinapangyayari sa calagayan n~g tao n~g m~ga "planeta"[145].

Lumakí si María Clarang pinacaiirog n~g lahát, sa guitnâ n~g m~ga n~giti at pagsinta. Ang m~ga fraile ma'y linalarô siya pagcâ isinasama sa m~ga procesióng puti ang pananamit, nalalala sa canyang malagô at culót na buhóc ang m~ga sampaga at m~ga azucena, may dalawang maliliit na pacpac na pilac at guintóng nacacabit sa licuran n~g canyang pananamít, at may tan~gang dalawang calapating puting may m~ga taling cintas na azul. At sacâ siya'y totoong masaya, may m~ga pananalitang musmós na calugodlugod, na si Capitang Tiago, sa cahiban~gan n~g pag-ibig, ay walang guinagawà cung di pacapurihin ang m~ga santo sa Obando at ihatol sa lahat na sila'y umadhicâ n~g magagandang escultura nila.

Sa m~ga lupaing na sa dacong ilaya n~g daigdig, pagdating n~g batang babae sa labing tatló ó labing apat na taón ay dinaratnan na n~g sa panahon, tulad sa buco cung gabi na kinabucasa'y bulaclac na. Sa calagayang iyang pagbabagong anyò, puspós n~g m~ga talinghagà at n~g pagcamaramdamin ang puso, pumasoc si Maria Clara, sa pagsunód sa m~ga hatol n~g cura sa Binundóc, sa beaterio n~g Santa Catalina[146] upang tumanggap sa m~ga monja n~g m~ga turong banal. Tumatan~gis si Maria Clarang nag-paalam cáy parì Dámaso at sa tan~ging catotong canyang calaró-larô buhat sa camusmusan, cay Crisôtomo Ibarra, na pagcatapos ay napa sa Europa naman. Doon sa conventong iyóng sacali't nakikipanayam sa mundo'y sa pamamag-itan n~g m~ga rejang lambal, at sa ilalim pa n~g pagbabantay n~g "Madre-Escucha", natira si María Clarang pitóng taón. Taglay n~g bawa't isa ang canicanicalang inaacalang icagagalíng n~g sariling pagcabuhay, at sa canilang pagcahiwatig n~g hilig n~g isa sa isa n~g m~ga batà, pinagcayarîan ni Don Rafael at ni Capitang Tiago, ang pagpapacasal sa canilang m~ga anac, at sila'y nan~gagtatag n~g samahan. Ang pangyayaring itóng guinawâ n~g macaraan ang ilang taón buhat n~g umalís si Ibarra'y ipinagdiwang n~g dalawang pusong na sa magcabilang dúlo n~g daigdíg at na sa iba't ibang calagayang totoo.

TALABABA:

[116] Ang may pag aaring bahay ó lúpà.

[117] Ang may malalakíng lúpà.

[118] Ang waláng catungculang bìgay n~g Gobierno.

[119] Ang arte n~g paggawâ n~g larawan sa pamamag-itan n~g m~ga casangcapang guinagamit sa bagay na itó. Natuclasán ang "fotografía" ni Niepce n~g 1814 at pinagbuti ni Daguerre n~g 1839. Nagcamít si Mr. Talbot n~g 1841 n~g "privilegio" n~g ucol sa fotografía sa papel sensible.

[120] Ang haring nacagagawâ at nacapag-uutos n~g bawa't maibigan, sa macatowid ay waláng nacaháhadlang na sino man sa canyáng calooban.

[121] Tinatawag na haring "constitucional" ang hindî nacapag-uutos n~g bawa't maibigan cung dî ang ipinakikilala n~g Bayang canyáng calooban sa pamamag-itan n~g canyáng m~ga kinácatawáng bumubuô n~g Asemblea ó Congreso, Senado at Consejo n~g m~ga Ministro.

[122] Si Luis Catorce ay haring "absoluto" sa Francia; ipinan~ganác n~g taóng 1643 at namatáy n~g 1715. Siyá'y iguinalang at minahál n~g m~ga francés.

[123] Si Luis Diez y Seis ay haring "Constitucional," sa macatowid ay haring hindî siyá ang nacapangyayari cung di ang guinágawâ niyá't ipinag-uutos ay ang ipinagágawá't ipinag-uutos n~g m~ga kinacatawán n~g m~ga táong bayan; nagharì sa Francia mula n~g 1774 hanggang 1798. Pinugutan siyá n~g úlo, sampô n~g canyáng asawang si María Antonieta n~g m~ga revolucionario.

[124] Si Felipe Segundo ay anác n~g haring Carlos Quinto, at haring "absoluto" sa España. Guinágawà ni Felipe Segundo bawa't maibigan; sa calooban niyá'y waláng nacasasansalà. Halos dî mabilang ang ipinapatay at pinahirapan n~g haring itó sa pamamag-itan n~g Inquisición at iba pa. Sa m~ga guinawâ ni Felipe Segundo nagpasimulâ ang pagguhò n~g halos di maulatang capangyarihan n~g España at n~g halos dî macayang isiping calakhán n~g nasasacop n~g cahariang ito. Gayon ma'y maraming m~ga castilà at lalonglalò na ang m~ga fraile na umiibig n~g di cawasà sa haring "absolutong" ito.--P.H.P.

[125] Si Amadeo "Primero" ay haring "constitucional" sa España buhat sa 1870 hanggang sa 1873. Ang haring ito'y mabait, matalino at bayani. Lubós na umiibig sa canyáng pinaghaharîan; n~guni't hindî siyá iniibig, at n~g mahalatâ niyá itó'y nagbitáw siyá n~g canyáng tungcol, at ang pagbibitaw niyáng ito'y siyáng naguíng dahil n~g pagtatag n~g República n~g España (11 n~g Febrero n~g 1873).--P.H.P.

Other books

Commando Bats by Sherwood Smith
The Bridegroom by Linda Lael Miller
Origins (A Black Novel, #1) by Jessa L. Gilbert
Once She Was Tempted by Barton, Anne
Mickey & Me by Dan Gutman
Jacko by Keneally, Thomas;
Evan Arden 04 Isolated by Shay Savage