Noli Me Tangere (7 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
12.1Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿Bakit? ¿hindî pô bâ ninyó nalalaman?--ang tanóng n~g militar.

--Itinanóng co cay Capitáng Tiago ay sumagót sa aking hindî niyá sasabihin cung dî búcas na. ¿Nalalaman po bâ ninyó, sacalì?

--¡Mangyari bagá, na gaya rin namán n~g lahát! ¡Namatáy sa bilangguan!

Umudlót n~g isáng hacbáng ang binatà at tinitigan ang Teniente.

--¿Sa bilangguan? ¿sinong namatáy sa bilangguan?--ang itinatanóng.

--¡Abá, ang inyó pong amá, na nábibilanggô!--ang sagót n~g militar na may cauntíng pangguiguilalás.

--Ang aking amá ... sa bilangguan ... ¿napipiít sa bilangguan? ¿Anó pô ang wicà ninyó? ¿Nakilala pô bâ ninyó ang aking amá? ¿Cayó pô ba'y ...? ang itinanóng n~g binatà at hinawacan sa brazo ang militar.

--Sa acalà co'y hindî acó námamalî; si Don Rafael Ibarra.

--¡Siyá n~ga, Don Rafael Ibarra!--ang marahang ùlit n~g binatà.

--¡Ang boong ísip co'y inyó pong nalalaman na!--ang ibinulóng n~g militar, na puspós n~g habág ang anyô n~g pagsasalitâ, sa canyáng pagcahiwatig sa nangyayari sa cálolowa ni Ibarra; ang acalà co'y inyóng ...; n~guni't tapan~gan ninyó ang inyóng loob! ¡dito'y hindî mangyayaring magtamóng capurihán cung hindî nabibilanggô!

--¡Dapat cong acaláing hindî pô cayó nagbíbirô sa akin--ang mulîng sinabi ni Ibarra n~g macaraan ang iláng sandalíng hindî siyá umíimic! ¿Masasabi pô bâ ninyó sa akin cung bakit siyá'y nasasabilangguan?

Nag-anyóng nag-iisip-isip ang militar.

--Ang aking ipinagtátacang totoo'y cung bakit hindî ipinagbigay alam sa inyó ang nangyayari sa inyóng familia.

[Larawan:--¡Binatà, mag-ín~gat pô cayó! ¡Mag-aral cayó sa inyóng amá!--anáng teniente sa canyá.--Imp. de M. Fernández Paz, 447, Sta Cruz.]

--Sinasabi sa akin sa canyáng hulíng sulat, na may isáng taón na n~gayón, na huwág daw acóng maliligalig cung dî niya acó sinusulatan, sa pagcá't marahil ay totoong marami siyang pinakikialamán; ipinagtatagubilin sa aking magpatuloy acó n~g pag-aaral ... at ¡benebendicìonan acó!

--Cung gayó'y guinawâ niyá ang sulat na iyán sa inyó, bago mamatay; hindî malalao't mag-íisang taón n~g siyá'y aming inilibíng sa inyóng bayan.

--¿Anóng dadahilana't nábibilanggô ang aking amá?

--Sa cadahilanang totoong nacapagbíbigay puri. N~guni't sumama pô cayó sa aki't acó'y paroroon sa cuartel; sasabihin có han~ggáng tayo'y lumalacad. Cumapit pô cayó sa aking brazo.

Hindî nan~gag-imican sa loob n~g sandalî; may anyóng nagdidilidili ang matandâ at wari'y hiníhin~gi sa canyáng "perilla,"[99] na hinihimashimas, na magpaalaala sa canyá.

--Cawan~gis n~g lubós pô ninyóng pagcatalastás--ang ipinasimulâ n~g pagsasalitâ--ang amá pô ninyó'y siyáng pan~gulo n~g yaman sa boong lalawigan, at bagá man iniibig siyá't iguinagalang n~g marami, ang m~ga ibá'y pinagtatamnan namán siyá n~g masamáng loob, ó kinaíinguitán. Sa casaliwàang palad, camíng m~ga castilang naparito sa Filipinas ay hindî namin inuugalì ang marapat naming ugalíin: sinasabi co itó, dahil sa isá sa inyóng m~ga nunong lalaki at gayón din sa caaway n~g inyóng amá. Ang waláng licát na paghahalihalilí, ang capan~gitan n~g asal n~g m~ga matataas na púnò, ang m~ga pagtatangkilic sa di marapat, ang camurahan at ang caiclîan n~g paglalacbay-bayan, ang siyáng may sála n~g lahát; pumaparito ang lalong masasamâ sa Península, at cung may isáng mabaít na máparito, hindî nalalao't pagdaca'y pinasásamâ n~g m~ga tagarito rin. At inyóng talastasíng maraming totoong caaway ang inyóng amá sa m~ga cura at sa m~ga castílà.

Dito'y sandalíng humintô siyá.

--N~g macaraan ang iláng buwán, búhat n~g cayó po'y umalís, nagpasimulâ na ang samàan n~g loob nilá ni párì Dámaso, na dî co masabi ang tunay na cadahilanan. Biníbigyang casalanan siyá ni párì Dámasong hindî raw siyá nagcucumpisal: n~g una'y dating hindî siyá nan~gun~gumpisal, gayón ma'y magcaìbigan siláng matalic, na marahil natatandaan pa pô ninyó. Bucód sa rito'y totoong dalisay ang capurihán ni Don Rafael, at higuít ang canyáng pagcabanál sa maraming nan~gagcucumpisal at nan~gagpapacumpisal: may tinútunton siyá sa canyáng sariling isáng cahigpithigpitang pagsunód sa atas n~g magandáng asal, at madalás sabihin sa akin, pagca násasalitâ niyá ang m~ga sámàang itó n~g loob: "Guinoong Guevara, ¿sinasampalatayanan po bâ ninyóng pinatatawad n~g Dios ang isáng mabigát na casalanan, ang isáng cusang pagpatáy sa cápuwâ táo, sa halimbáwà, pagcâ, nasabi na sa isáng sacerdote; na táo rin namáng may catungculang maglihim n~g sa canyá'y sinasaysay, at matacot másanag sa infierno, na siyáng tinatawag na pagsisising "atricion"? ¿Bucod sa duwag ay waláng hiyáng pumapanatag? Ibá ang aking sapantahà tungcól sa Dios--ang sinasabi niyá--sa ganáng akin ay hindî nasasawatâ ang isáng casam-an n~g casam-an din, at hindî ipinatatawad sa pamamag-itan n~g m~ga waláng cabuluháng pag-iyác at n~g m~ga paglilimós sa Iglesia." At inilálagáy niyá sa akin ang ganitóng halimbáwà:--"Cung aking pinatáy ang isáng amá n~g familia, cung dahil sa catampalasanan co'y nabao't nálugamì sa capighatìan ang isáng babae, at ang m~ga masasayáng musmós ay naguíng m~ga dukháng ulila, ¿mababayaran co cayâ ang waláng hanggang Catowiran, cung aco'y cusang pabitay, ipagcatiwalà co ang líhim sa isáng mag-iin~gat na howag máhayag, maglimós sa m~ga cura na siyáng hindî tunay na nan~gagcacailan~gan, bumilí n~g "bula de composición," ó tuman~gistan~gis sa gabí at araw? ¿At ang bao at ang m~ga ulila? Sinasabi sa akin n~g aking "conciencia"[100] na sa loob n~g cáya'y dapat acóng humalili sa táong aking pinatáy, ihandóg co ang aking boong lacás at hanggáng aco'y nabubuhay, sa icágagalíng n~g familiang itóng acó ang may gawâ n~g pagcapahamac, at gayón man, ¿sino ang macapagbibigay n~g capalít n~g pagsintá n~g amá?"--Ganyán ang pan~gan~gatuwiran n~g inyó pong amá, at ang anó mang guinagawa'y isinasangayong láguì sa mahigpit na palatuntunang itó n~g wagás na caasalán, at masasabing cailán ma'y hindî nagbigáy pighatî canino man; baligtád, pinagsisicapan niyáng pawîin, sa pamamag-itan n~g magagandáng gawâ, ang m~ga tan~ging casawìan sa catuwirang, ayon sa canyá'y guinawâ raw n~g canyáng m~ga nunò. Datapuwa't ipanumbalic natin sa canyáng samaan n~g loob sa cura, ang m~ga pagcacaalit na ito'y lumúlubhà; binábangguit siyá ni párì Dámaso buhat sa púlpito, at cung dî tinutucoy siyá n~g boong liwanag ay isáng himalâ, sa pagca't sa caugalian n~g paring iyá'y mahihintay ang lahát. Nakikinikinita co nang masamâ ang cahahangganan n~g bagay na itó.

Muling humìntóng sandali ang matandáng Teniente.

--Naglílibot n~g panahón iyón ang isáng naguíng sundalo sa artillería, na pinaalís sa hucbó dahil sa malabis na cagaspan~gán n~g canyáng ásal at dahil sa camangman~gang labis. Sa pagca't kinacailan~gan niyáng mabuhay, at hindi pahintulot sa canyá ang magtrabajo n~g mabigát na macasisirà n~g aming capurihan[101], nagtamó siyá, hindî co alám cung sino ang sa canyá'y nagbigáy, n~g catungculang pagca maninin~gil n~g buwís n~g m~ga carruaje, calesa at ibá pang sasacyán. Hindî tumanggáp ang abâ n~g anó mang túrò, at pagdaca'y napagkilala n~g m~ga "indio" ang bagay na itó: sa ganang canilá'y totoong cahimahimalâ, na ang isang castilà'y hindî marunong bumasa't sumulat. Pinaglilibacan ang culang palad, na pinagbabayaran n~g cahihiyan ang násisin~gil na buwís, at nalalaman niyáng siyá ang hantun~gan n~g libác, at ang bagay na itó'y lalong nacáraragdag n~g dating masamâ at magaspáng niyang caugalîan. Sadyang ibinibigay sa canyá ang m~ga sulat n~g patumbalíc; nagpapaconwarî siya namáng canyang binabasa, at bago siyá pumifirma cung sáan nakikita niyang waláng sulat, na ang parang kinahig n~g manóc na canyáng m~ga letra'y siyáng larawang tunay n~g canyáng cataohan; linálan~gap niyá ang masasacláp na cairin~gang iyón, n~guni't nacacasin~gil siyá, at sa ganitóng calagayan n~g canyang loob ay hindi siyá gumagalang canino man, at sa inyóng ama'y nakipagsagutan n~g lubhang mabibigat na m~ga salitâ.

Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác sa m~ga dî makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu." Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castilà, hinawacan siyá sa brazo at pinagwicaan siyá n~g mabibigát. Ang castilàng marahil ang tin~gín sa lahát ay mapulá na, ibinuhat ang camáy, n~guni't hindî siyá binigyang panahón n~g inyong amá, at tagláy iyáng lacás na nagcácanulô n~g pagca siyá'y apó n~g m~ga vascongado ... anáng ibá'y sinuntóc daw, anáng ibá namá'y nagcasiyá, na lamang sa pagtutulac sa canyá; datapowa't ang nangyari'y ang tao'y umúgà, napalayô n~g iláng hacbáng at natumbáng tumamà, ang úlo sa bató. Matiwasay na ibinan~gon ni Don Rafael ang batang may sugat at canyáng dinalá sa tribunal[102]. Sumuca n~g dugô ang naguing artillerong iyón at hindî na natauhan, at namatáy pagcaraan n~g iláng minuto. Nangyari ang caugalìan, nakialám ang justicia, piniit ang inyóng amá, at n~g magcagayo'y nan~gagsilitáw ang m~ga lihim na caaway. Umulán ang m~ga paratang, isinumbóng na siyá'y filibustero at hereje: ang maguing "hereje" ay isáng casawîang palad sa lahát n~g lugar, lalong lalo na n~g panahóng iyóng ang "alcalde"[103] sa lalawiga'y isáng taong nagpaparan~galang siyá'y mapamintacasi, na casama ang canyáng m~ga alílang nagdárasal n~g rosario sa simbahan n~g malacás na pananalitâ, marahil n~g marinig n~g lahat at n~g makipagdasal sa canya; datapuwa't ang maguíng filibustero ay lalong masamâ cay sa maguíng "hereje," at masamâ pang lalò cay sa pumatáy n~g tatlóng máninin~gil n~g buwís na marunong bumasa, sumulat at marunong magtan~gîtangì. Pinabayàan siyá n~g lahát, sinamsám ang canyáng m~ga papel at ang canyáng m~ga libro. Isinumbóng na siyá'y tumátanggap n~g "El Correo de Ultramar" at n~g m~ga periódicong gáling sa Madrid; isinumbóng siya, dahil sa pagpapadalá sa inyó sa Suiza alemana; dahil sa siyá'y násamsaman n~g m~ga sulat at n~g larawan n~g isáng paring binitay, at ibá pang hindî co maalaman. Kinucunan n~g maisumbóng ang lahát n~g bágay, sampô n~g paggamit n~g bárong tagalog, gayóng siyá'y nagmulâ sa dugóng castilà[104]. Cung naguing ibá sana ang inyóng amá, marahil pagdaca'y nacawalâ, sa pagcá't may isáng málicong nagsaysáy, na ang ikinamatáy n~g culang palad na maninin~gil ay mulâ sa isáng "congestión"[105]; n~guni't ang canyáng cayamanan, ang canyáng pananalig sa catuwiran at ang canyáng galit sa lahát n~g hindî naaayon sa cautusán ó sa catuwiran ang sa canyáng nan~gagpahamac. Acó man, sacali't malakí ang aking casuclamán sa pagluhog sa paggawâ n~g magalíng nino man, humaráp acó sa Capitán General, sa hinalinhan n~g ating Capitán General n~gayón; ipinaliwanag co sa canyáng hindî mangyayaring maguíng "filibustero" ang tumatangkilik sa lahát n~g castilang dukhâ ó naglalacbay rito, na pinatutuloy sa canyáng bahay at pinacacain at ang sa canyáng m~ga ugát ay tumátacbo pa ang mapagcandiling dugóng castílà; ¡nawaláng cabuluháng isagót co ang aking úlo, at ang manumpâ acó sa aking carukhâan at sa aking capuriháng militar, at walâ acó n~g nasunduan cung dî magpakita sa akin n~g masamáng pagtanggáp, pagpakitâan acó n~g lalong masamâ sa aking pagpapaalam at ang pamagatán acó n~g "chiîlado"[106]!

Humintô ang matandâ n~g pananalità upang magpahin~gá, at n~g canyáng mahiwatigan ang hindî pag-imíc n~g canyáng casama, na pinakikinggan siyá'y hindî siyá tinítinguan, ay nagpatuloy:

--Nakialam acó sa usapín sa cahin~gian n~g inyóng amá. Dumulóg acó sa bantóg na abogadong filipino, ang binatang si A--; n~guni't tumangguí sa pagsasanggalang.--"Sa akin ay matatalo"--ang wicà sa akin.--Panggagalin~gan ang pagsasanggaláng co n~g isáng bagong sumbong na laban sa canyá at marahil ay laban sa akin. Pumaroon pô cayó cay guinoong M--, na masilacbóng manalumpátì, taga España at lubháng kinaaalang-alan~ganan. Gayón n~ga ang aking guinawâ, at ang balitang abogado ang nan~gasiwa sa "causa" na ipinagsanggalang n~g boong catalinuhan at caningnin~gán. Datapwa't marami ang m~ga caaway, at ang ilá'y m~ga líhim at hindî napagkikilala. Saganà ang m~ga sacsíng sabuát, at ang caniláng m~ga paratang, na sa ibang lugar ay mawawal-ang cabuluhán sa isáng salitang palibác ó patuyâ n~g nagsásanggalang, dito'y tumitibay at tumítigas. Cung nasusunduan n~g abogadong mawaláng cabuluhán ang caniláng m~ga bintáng, sa pagpapakilala n~g pagcacalabán-lában n~g canicanilang saysáy at n~g m~ga saysáy niláng sarili, pagdaca'y lumálabas ang m~ga ibáng sumbóng. Isinusumbóng niláng nan~gamcám siyá n~g maraming lúpà, hinin~gán siyáng magbayad n~g m~ga casiráan at m~ga caluguiháng nangyari; sinabi niláng siya'y nakikipagcaibigan sa m~ga tulisán, upang pagpitaganan nilá ang kanyáng m~ga pananím at ang canyáng m~ga hayop. Sa cawacasa'y nagulóng totoo ang usapíng iyón, na anó pa't n~g maguíng isáng taòn na'y waláng nagcacawatasáng sino man. Napilitang iwan n~g "alcade"[107] ang canyáng catungculan, hinalinhán siyá n~g ibang, ayon sa balita'y, masintahin sa catuwiran, n~guni't sa casaliwâang palad, ito'y iláng buwán lamang nanatili roon, at ang napahalili sa canyá'y napacalabis naman ang pagca maibiguín sa mabuting cabayo.

Ang m~ga pagtitiis n~g hirap, ang m~ga samâ n~g loob, ang m~ga pagdarálitâ sa bilangguan, ó ang canyáng pagpipighatî n~g canyáng mapanood ang gayóng caraming gumaganti n~g catampalasanan sa guinawâ niyá sa caniláng m~ga cagalin~gan, ang siyáng sumirà sa catibayan n~g canyáng catawang bacal, at dinapúan siyá, niyáng sakít na ang libin~gan lamang ang nacagagamot. At n~g matatapos na ang lahát, n~g malapit n~g tamuhín niyá, ang cahatuláng siyá'y waláng casalanan, at hindî catotohanang siyá'y caaway n~g Bayang España, at di siyá, ang may sala n~g pagcamatáy n~g máninin~gil, namatáy sa bilanggúang walâ sino man sa canyáng tabí. Dumatíng acó upang mapanood ang pagcalagót n~g canyáng hinin~gá.

Tumiguil n~g pananalitâ ang matandâ; hindi nagsalitâ si Ibarra n~g anó man. Samantala'y dumatíng silá sa pintúan n~g cuartel. Humintô ang militar, iniabót sa canyá ang camáy at nagsabi:

--Binatà, ipagtanóng ninyó cay Capitang Tiago ang m~ga paliwanag. N~gayó'y ¡magandáng gabí pô! Kinacailan~gan cong tingnán cung may nangyayaring anó man.

Other books

0.5 One Wilde Night by Jenn Stark
River of Mercy by BJ Hoff
Dangerous Secrets by Lisa Marie Rice
The Hidden Law by Michael Nava
Campbell by Starr, C. S.
Dead Pigeon by William Campbell Gault
A Seaside Affair by Fern Britton
Three Wishes by Lisa T. Bergren, Lisa Tawn Bergren
Padre Salas by Enrique Laso