Noli Me Tangere (69 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
2.45Mb size Format: txt, pdf, ePub

Sumásaya n~g untiuntì ang m~ga daan: ang m~ga áso, m~ga manóc, m~ga baboy at m~ga calapati ang nan~gáunang nag-acalang man~gagsigalà, sumunod ang iláng marurun~gis na m~ga batang capit-capit at nan~gagsisilapit sa cuartel na may tagláy na tacot; pagcatapos ay iláng matatandáng babae, na nacasalumbabà n~g panyô, may tan~gang malalaking cuintas, at cunuwa'y nan~gagdarasal upang silá'y paraanin n~g m~ga sundalo. Nang mapagkilalang macalalacad na hindi tátanggap n~g isáng putóc n~g baril, n~g magcágayo'y nagpasimulâ n~g paglabás ang m~ga lalaki, na nan~gagwáwalang anó man cunwari; n~g pasimula'y pinapagcacasiya nilá ang caniláng paglalacadlacad sa tapat n~g caniláng bahay, na caniláng hináhagpos ang manóc; n~g malao'y tinicmán niláng pahabahabain ang caniláng naaabot, na manacánacá siláng tumitiguil, at sa kinágagayo'y nacarating silá hanggáng sa haráp n~g «tribunal».

Nacahambál n~g mainam ang pagdating n~g dalawáng cuadrillero, na may daláng isáng angarilla na kinalululanan n~g isáng may anyóng tao, at isáng guardia civil ang siyáng sa canilá'y sumúsunod. Napagtalastás na silá'y galing sa convento; sa anyó n~g m~ga paang nan~gacalawít ay pinagbalacbalac n~g isá cung sino caya iyon; sa daco roo'y may nagsabing iyón n~gâ; sa lalong daco roo'y ang patáy ay dumami at nangyari ang talinghagà n~g Santísima Trinidad; pagcatapos ay mulíng nasnaw ang himalâ n~g m~ga tinapay at n~g m~ga isdâ, at naguíng tatlompó't waló na.

Nang may á las siete y media, n~g dumating ang ibáng m~ga guardia civil, na galing sa m~ga caratig na bayan, ang balitang cumacalat ay maliwanag na't nasasabi ang m~ga nangyari.

--Cagagaling co pa sa tribunal, na kinakitaan cong nan~gapipiit si don Filipo at si don Crisóstomo,--ang sabi n~g isáng lalaki cay hermana Putê; kinausap co ang isá sa m~ga nagbabantay na cuadrillero. Ang nangyari'y isinaysáy na lahát cagabí ni Bruno, na anác niyóng namatáy sa cápapalò. Talastás na po ninyóng ipacácasal ni capitang Tiago ang canyáng anác na babae sa binatang castilà; sa sakit n~g loob ni don Crisóstomo'y nag-acalang manghigantí at binantá niyáng patayín ang lahát n~g m~ga castilà, patí ang cura; linusob nilá cagabí ang cuartel at ang convento, at sa cagalin~gang palad, at sa awà n~g Dios, ay na sa sa bahay ni capitang Tiago ang cura. Nan~gacatacas daw ang marami. Sinunog n~g m~ga guardia civil ang bahay ni don Crisóstomo, at cung hindî sana siyá nahuli na muna, siyá ma'y sinunog din.

--¿Sinunog nilá ang canyáng bahay?

--Nan~gabibilanggô ang lahát n~g m~ga alilà. ¡Pagmasdan ninyó't hanggáng dito'y natatanawan pa ang asó!--anáng nagbabalità;--sinasabi n~g m~ga nanggagaling doon ang m~ga bagay na totoong cahapishapis.

Minasdán n~g lahát ang lugar na itinurò: isáng manipís na asó ang marahang napaiimbulog pa sa lan~gít. Nan~gaglilininglining ang lahát sa nangyaring iyón, na may nahahabag at may sumisisi namán.

--¡Cahabaghabag na binatà!--ang mariing sinabi n~g isáng matandáng lalaking asawa ni hermana Putê.

--¡Siyá n~gâ!--ang isinagót sa canyá n~g canyáng asawa;--n~guni't alalahanin mong cahapo'y hindi nagpamisa n~g patungcól sa cáluluwa n~g canyáng amá, na waláng salang siyáng lalong nagcacailan~gan n~g higuí't cay sa ibá.

--N~guni't babae, ¿walâ cang caawaawà?...

--¿Awà sa m~ga excomulgado? Isáng casalanan ang maawà sa m~ga caaway n~g Dios,--ang sabi n~g m~ga cura. ¿Natatandaan ba ninyó? ¡Siyá'y naglálacad sa Campo Santo na parang yaó'y isáng culun~gan lamang n~g m~ga hayop!

--¿Hindi bagá nagcacawan~gis ang culun~gán n~g m~ga hayop at ang Campo Santo?--ang isinagót n~g matandáng lalaki;--ang pinagcacáibhan lamang ay ang tan~ging pumapasoc sa Campo Santo'y yaóng m~ga hayop na nauucol sa isáng pulutóng....

--¿Siyá ca na n~ga!--ang isinigáw sa canyá ni hermana Putê;--ipagsásanggalang mo pa ang taong nakikita nating maliwanag na maliwanag na pinarurusahan n~g Dios. Makikita mo't icáw namá'y huhulihin din. ¡Umalalay ca sa isáng bahay na nalulugsó!

Hindi na umimic ang lalaki sa gayóng pan~gan~gatuwiran.

--¡Halá!--ang ipinagpatuloy n~g matandáng babae; pagcatapos na masuntóc niyá si parì Dámaso'y walá na n~ga siyáng nalalabing gawin cung di patayín namán si parì Salví.

--N~guni't hindi maicacailáng siya'y mabait n~g panahóng siya'y musmós pa.

--Tunay n~gà, siyá'y dating mabait,--ang mulíng itinutol n~g matandáng babae; n~guni't siyá'y na pa sa España; ang lahát n~g napa sa sa España, ang sabi n~g m~ga cura, ay naguiguing m~ga hereje.

--¡Ohoy!--ang isinagót namán n~g lalaki na nacasilip n~g sucat niyáng icaganti;--¿hindi ba pawang tagá España ang lahát n~g m~ga cura, at ang arzobispo, ang papa at ang Virgen? ¡Abá! ¿cung gayó'y pawang m~ga hereje namán palá? ¡aba!

Nagcapalad si hermana Putê, na mámasdang tumatacbo ang isáng alilang babae, na balisáng balisá at namúmutlá, at siyáng pumutol n~g pagtatalo.

--¡May isáng nagbigtí sa halamanan n~g capit-bahay!--ang sabing humihin~gal.

--¡Isáng nagbigtí!--ang bigláng pinagsabihanan n~g lahát na puspós n~g agám-ágam.

Nan~gagcruz ang m~ga babae; sino ma'y waláng nacakilos sa kinálalagyan.

--Siyá n~gá po,--ang ipinagpatuloy n~g alilang babaeng nan~gán~gatal;--cucuha sana acó n~g pataní ... tumanáw acó sa halamanan n~g capit-bahay upáng maalaman co cung siyá'y naroroon ..., ang nakita co'y isáng lalaking úugoy-ugoy; ang boong isip co'y si Teo, ang alilang siyáng lagui n~g nagbibigay sa akin ..., lumapit acó upáng ... cumuha n~g patanì, at ang nakita co'y hindi siyá cung hindi ibá, isáng patáy; tumacbó acó, tumacbó acó at ...

--Tingnán natin siyá,--ang wicá n~g matandáng lalaki, at sacâ tumindig;--iturò mo sa amin.

--¡Huwag cang pumaroon!--ang isinigaw sa canya n~g canyáng asawa at tinangnán siyá sa barò;--¡mapapahamac icáw!--¿siyá'y nagbigti? ¡lalong masamá sa canyá!

--Pabayaan mong tingnán co siyá, babae;--pasa tribunal ca Juan, at ipagbigay alam mo; bacâ sacali hindi pa patáy.

At siyá'y na pa sa halamanan, na sinúsundan n~g alilang babae, na nagtatagò sa canyáng licuran; nan~gagsisunod din ang m~ga babae at gayón din si hermana Putê, na pawang nan~gapúpuspos n~g tacot at n~g nais na macapanood.

--Naroon pô, guinoo,--anáng alilang babae na humintô at itinuturò n~g dalirì.

Tumiguìl ang capisanang iyón sa lalong pinacamalayò, at pinabayaang mag-patuloy na mag-isá ang matandáng lalaki.

Isáng catawán n~g tao, na nacabitin sa isáng san~gá n~g puno n~g santól, ang marahang umúugoy sa hihip n~g mahinhíng amihan. Pinagmasdán siyáng sandalî n~g matandâ; nakita niyá ang m~ga paang nanínigas, ang m~ga bisig, ang may dumíng damít, ang ulong nacalun~gayn~gáy.

--Hindi dapat natin siyáng galawín hanggáng sa dumatíng ang justicia,--ang sinabing malacás;--matigás na; malaon nang siyá'y patáy.

Unti-unting lumapit ang m~ga babae.

--Iyán ang capit-bahay nating tumítira sa bahay na iyón, na may dalawáng linggó na n~gayóng dumatíng dito; tingnán ninyó ang pilat niya sa mukhà.

--¡Avemaria!--ang sinabi pagdaca n~g m~ga babae.

--¿Ipagdárasal ba natin ang canyáng cáluluwa?--ang itinanóng n~g isáng dalaga, caracaracang matapos na niyáng mapagmasdán at masiyasat ang patáy na iyón.

--¡Halíng, hereje!--ang ipinan~gusap sa canyá ni hermana Puté,--hindi mo ba nalalaman ang sinabi ni parì Dámaso? isáng pagtucsó sa Dios ang ipagdasál ang isáng nápacasamâ; ang nagpapacamatay ay napapacasamáng waláng sala, cayâ n~gâ siyá'y hindi inililibing sa lupàng «sagrado».

--Inaacalà co na n~gang masamâ ang cahihinatnan n~g taong iyán; cailán ma'y hindi co nangyaring masiyasat cung anó ang canyáng ikinabubuhay.

--Macaalawang nakita co siyáng nakikipag-usap sa sacristan mayor,--ang ipinahiwatig n~g isáng dalaga.

--¡Marahil ay hindi sa dahiláng siyá'y magcucumpisal ó magpapamisa cayâ.

Nan~gagsiparoon ang m~ga capit-bahay, at macapal na m~ga tao ang siyáng lumiguid sa bangcáy, na nananatili sa pagpapaugóy-ugóy. Nan~gagsiratíng, nang may calahating horas na, ang isáng alguacil, ang directorcillo at dalawáng cuadrillero; ipinanaog n~g m~ga itó ang bangcáy at canilang inilagáy sa ibabaw n~g isang
angarilla.

--Nagdadalidali ang tao sa pagcamatáy,--ang sinabi n~g directorcillong tumatawa, samantalang kinucuha ang plumang nacasin~git sa licód n~g canyáng tain~ga!

Guinawâ ang canyáng m~ga mararayà at panghulíng m~ga tanóng, pinapagsaysáy ang alilang babae, na pinagpipilitan niyáng hulihin sa silò, na cung minsa'y canyáng iniirapan, cung minsa'y canyáng pinagbabalàan, at cung minsa'y pinararatan~gan n~g m~ga salitáng hindi sinasabi, hanggáng sa magpasimulâ n~g pag-iyác ang alilang iyón, dahil sa ang isip niyá'y siyá ay mapipiit sa bilangguan, at ang naguíng catapusá'y sinabi na tulóy niyáng hindi siyá nagháhanap n~g patanì, cung hindi ..., at canyáng sinásacsi si Teo.

Samantala'y minámasdan ang bangcáy at ang lubid n~g isáng tagá bukid, na nacasalacót n~g malapad at may isáng malakíng tapal sa liig.

Hindî higuit cay sa ibáng bahagui n~g catawán ang pan~gin~gitím n~g mukhâ n~g bangcáy; may nakikitang dalawáng galos at dalawáng maliliit na pasâ sa dacong itaas n~g talì; mapuputî at waláng dugô ang m~ga hilahis n~g lubid. Inusisang magalíng n~g mapagsiyasat na tagá bukid, ang barò at salawal n~g bangcáy, at canyáng nahiwatigang punóng punô n~g alabóc, at hindi pa nalalaong napunit sa ibá't ibáng m~ga lugar; n~guni't ang lalong canyáng náino'y ang m~ga bun~ga n~g tinglóy ó
amorseco
na nacarikít sa cuello n~g barò.

--¿Anó ang iyóng tinítingnan?--ang itinanóng sa canyá n~g directorcillo.

--Tinítingnan co po cung siyá'y mangyayaring makilala co,--ang pautál na sinabi, na anyóng magpupugáy, sa macatuwid bagá'y lalong itinun~gó ang salacót.

--¿N~guni't hindî mo ba narin~gig na iyán ang nagn~gan~galang Lucas? ¿Nacacatulog ca ba?

Nan~gagtawanan ang lahát. Nagsalitâ n~g iláng pautál-utál na sabi ang tagá bukid na nápahiyâ, at yumaong nacatun~gó at mahinà ang lacad.

--¡Oy! ¿saán cayó paparoon?--ang isinigáw sa canyá n~g matandáng lalaki;--¡hindi riyán ang daan n~g paglabás; diyán ang patun~gó sa bahay n~g patáy!

--¡Nacacatulog pa ang lalaki!--anáng directorcillo n~g palibác,--kinacailan~gang busan siyá n~g tubig sa ibabaw.

Muling nan~gagtawanan ang m~ga naroroon.

Iniwan n~g tagá bukid ang lugar na iyóng kinahiyâan niyá, at napatun~go sa simbahan. Itinanóng ang sacristán mayor pagdatíng sa sacristía.

--¡Natutulog pa!--ang sa canyá'y caniláng isinagót n~g magaspang na anyô;--¿hindî mo ba nalalamang nilooban cagabí ang convento?

--Híhintayin cong siyá'y maguising.

Minasdán siyá n~g m~ga sacristán niyáng anyóng magaspáng na talagáng asal na n~g m~ga taong bihasang silá'y alimurahin.

Natutulog ang bulág ang isáng mata sa isáng mahabang silla, na na sa isáng suloc na hindi ináabot n~g liwanag. Nacalagáy ang salamín sa matá sa ibabaw n~g noo, sa guitnâ n~g mahahabang naglawit na buhóc, waláng nacatátakip sa payát at nan~gan~galirang na dibdib, na tumataas at bumábabâ sa canyáng paghin~gá.

Naupô sa malapit ang tagá bukid, at handáng maghintay n~g boong catiyagaan, n~guni't may nahulog sa canyáng cuarta, hinanap niyá sa pamamag-itan at tulong n~g isang candilà, sa ilalim n~g sillón n~g sacristán mayor. Námasid din n~g tagá bukid na may m~ga bun~ga rin n~g tinglóy (amorseco) ang salawál at ang m~ga manggás n~g baró n~g natutulog, na sa cawacasa'y náguising, kinusót ang tan~ging matáng canyáng nagagamit, at may galit na pinagwicâan ang taong iyón.

--¡Ibig co pó sanang magpamisa n~g isa, guinoo!--ang sabi, na ang anyó'y humíhin~ging tawad.

--Natapos na ang lahát n~g m~ga misa,--ang sinabi n~g bulag ang isáng matá, n~g magcagayon, na pinatimyás n~g cauntî ang canyáng tinig; bucas, cung ibig mo ... ¿sa m~ga cáluluwa sa Purgatorio ba?

--Hindi pô,--ang sagót n~g tagá bukid, at sacá ibinigay ang piso sa sacristán.

At tinitigan ang canyáng iisaisang matá, at idinagdág:

--Patungcól pô sa isáng taong hindi malalao't mamámatay.

At linisan ang sacristía.

--¡Mahuhuli co sana siyá cagabí!--ang sinabing nagbúbuntong hinin~ga, samantalang inaalis ang tapal at iniuunat ang catawán, upáng manag-uli ang pagmumukhà at taas ni Elías.

=LVII.=

=¡VAE VICTIS!=[261]

Napahamac ang aking tuwâ.

Nagpaparoo't parito ang m~ga guardia civil, na nacalálaguim ang anyô sa harap n~g tribunal, at pinagbabalàan n~g culata ang canilang baril ang pan~gahás na m~ga musmós, na tumítiyad ó nan~gagpapasanan upang canilang mátanawan cung anó cayâ ang nan~garoroon sa dacong loob n~g
rejas.

Hindî na nápapanood sa salas yaóng masayáng anyô n~g panahóng pinag-tatalunan ang palatuntunan n~g fiesta; n~gayó'y malungcót at hindi nacapagbíbigay panatag. Ang m~ga naroroong m~ga guardia civil at m~ga cuadrillero'y bahagyâ n~g nagsasalitàan, at sacali't magsalitàan n~g ila'y sa tinig na marahan. Nan~gagsisisulat sa papel, sa ibabaw n~g mesa, ang directorcillo, dalawang escribiente at iláng m~ga sundalo; nagpaparoo't parito ang alférez sa magcabicabilang panig, at canyáng manacânacáng tinítingnan n~g anyóng mabalasic ang pintuan; na anó pa't hindî hihiguit sa canyáng pagmamalaki si Temistocles sa m~ga Larô sa Olimpo, pagcatapos n~g pagbabaca sa Salamina. Naghihicab sa isáng suloc si doña Consolación, na anó pa't ipinakikita ang canyáng maitim na loob n~g bibig at m~ga n~giping pakilwagkilwag; ang panin~gin niya'y tumititig n~g malamig at nacapangan~ganib sa napúpuspos n~g m~ga nacapintáng cahalayhalay na m~ga larawang na sa sa pintuan n~g bilangguan. Naipakiusap n~g babaeng itó sa canyáng asawa, na lumambót ang loob sa canyáng pagtatagumpáy, na ipaubaya sa canyáng mapanood ang m~ga pagtanóng na gágawin, at marahil ay ang m~ga pagpapahirap na kinauugaliang gamitin. Naaamoy n~g halimaw ang bangcáy, canyáng inaasam-asám na, at canyáng ikinayáyamot ang calaunan n~g pagpapahirap.

Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang sillóng nacalagáy sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì, waláng gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao.

Dumatíng ang curang namúmutla't cunót ang noó, n~g malapit n~g tumugtóg ang á las nueve.

--¡Hindi pô namán nagpahintáy cayóng totoó!--ang sinabi sa canyá n~g alférez.

--Ibig co pang huwag n~g makiharáp,--ang isinagót ni parì Salví n~g mahinang pananalitâ, na hindi na pinansín ang anyóng masacláp na sabi n~g alférez;--acóy totoong malaguimin.

--Sa pagcá't sino ma'y waláng naparirito upáng huwág bayâang waláng nan~gan~gasiwà, inaacalà cong ang inyóng pakikialam ay ... Nalalaman na pó ninyóng aalis silá n~gayóng hapon.

Other books

Mating Rights by Allie Blocker
McIver's Mission by Brenda Harlen
In the Silks by Lisa Wilde
Emily's Cowboy by Donna Gallagher
Combustion by Elia Winters
The Testing by Jonathan Moeller
Valkyrie's Conquest by Sharon Ashwood