Noli Me Tangere (66 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.99Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿At anó bagá caya ang aking magágawa sa kinacatawán n~g m~ga malíng pananalig? Tingnan po ninyó't nariyan si guinoóng Ibarra, na napilitang makisang-ayon sa m~ga pananampalataya n~g caramihan, ¿inaacalà ba ninyóng siyá'y naniniwalà sa «excomunión»?

--Ibá ang inyóng calagayan cay sa canyá; ibig ni guinoóng Ibarrang magtaním, at upang magtaním ay kinacailan~gang yumucód at tumalima sa cahilin~gan n~g catawán; ang catungculan po ninyó'y magpagpág, at upang magpagpág ay nan~gan~gailan~gan n~g lacás at nin~gas n~g loob. Bucod sa rito'y hindi dapat gawín ang pakikitalád laban sa gobernadorcillo; ang marapat sabihi'y: laban sa lumalabis sa paggamit n~g lacás, laban sa sumisira n~g catahimican n~g bayan, laban sa nagcuculang sa canyáng catungculan; at sa ganitó'y hindi n~ga cayó mag-iisá, palibhasa'y ang bayan n~gayó'y hindi na gaya n~g nacaraáng dalawampóng taón.

--¿Sa acala po caya ninyó?--ang tanóng ni don Filipo.

--¿At hindi po ninyó nararamdaman?--ang isinagót n~g matandang ga humilig na sa kináhihigan;--¡ah! palibhasa'y hindi pô ninyó nakita ang panahóng nagdaan, hindi ninyó mapagcucurocurò ang bun~ga n~g pagparito n~g m~ga tagá Europa, n~g m~ga bagong aclát at n~g pagpasá Europa n~g m~ga kinabataan. Pag-isip-isipin ninyó't pagsumagsumaguin: tunay n~ga't nananatili pa ang Real at Pontificia Universidad n~g Santo Tomás, sampô n~g canyáng carunungdun~gang claustro, at pinapagsasanay pa ang iláng m~ga nag-aaral sa pagtatatág n~g m~ga «distingo» (pagkilala n~g caibhán) at bigyán n~g panghulíng ningníng ang m~ga catalasan n~g pagmamatuwiran tungcól sa iglesia, n~guni't ¿saán pô ninyó makikita n~gayón yaóng m~ga kinabataang mawilihíng sásalicsic n~g metafísica, panís n~g m~ga dunong, na sa capapahirap sa pag-iisip ay namamatay sa marayang m~ga pagbabalacbalac sa isáng suloc n~g m~ga lalawigan, na hindi matapustapos unawain ang m~ga saguisag n~g «ente», hindi macuhang masunduan ang liwanag n~g «esencía» (tining) at n~g «existencia» (búhay) cataastaasang palaisipang nagpapalimot sa atin n~g lalong kinacailan~gang maalaman: n~g nauucol sa ating cabuhayan at sariling calagayan? ¡Tingnán po ninyó ang cabataan n~gayón! Sa puspós na casiglahan n~g caniláng loob sa pagcákita sa lalong malayong tan-awin, silá'y nan~gag-aaral n~g Historia, Matemáticas, Geografía, Literatura, m~ga dunong sa Física, m~ga wicà n~g ibá't ibáng lahi, m~ga bagay na lahát na nang panahón nati'y ating dinírin~gig n~g malakíng pan~gin~gilabot na parang m~ga heregía; ang lalong mahiliguín sa calayaan n~g isip n~g panahón co'y pinapagtitibay na mababang-mababa ang m~ga dunong na iyán sa m~ga minana cay Aristóteles at sa m~ga pátacaran n~g «silogismo». Sa cawacasa'y napag-unawa n~g taong siyá'y tao; pínabayaan ang pagsisiyasat sa calagayan n~g canyáng Dios, ang pakikialam sa hindi matangnán, sa hindi nakita, at ang paglalagdá n~g alituntunin sa m~ga panaguinip n~g canyáng panimdim; napagkilala n~g taong ang canyáng minana'y ang malawac na daigdíg, na macacaya niyáng pagharian; na sa canyáng pagcapagál sa isáng gáwaing waláng cabuluhá't palalò, tumun~gó't pinagmasídmasíd ang lahát nang sa canyá'y nacaliliguid. Pagmasdán pô ninyó n~gayón cung paano ang pagsílang n~g ating m~ga poeta; binúbucsan sa ating unti unti n~g m~ga Musa n~g Naturaleza ang caniláng iniin~gatang m~ga cayamanan at nagpápasimulâ n~g pagn~giti sa atin upáng tayo'y bigyáng siglá sa pagpapatulò n~g pawis. Naghandóg na n~g m~ga unang bun~ga ang m~ga dunong na nagbúhat sa m~ga pinagdanasan; culang na lamang n~gayón ang lubós na pacabutihin n~g panahón. Naaalínsunod ang m~ga bagong abogado n~gayón sa m~ga bagong balangcás n~g Filosofia n~g Càtuwirán; nagpápasimulà na ang ilán sa canilá n~g pagníngning sa guitna n~g carilimáng nacaliliguid sa luclucan n~g m~ga tagapa-unawa n~g cagalin~gan, at nahihíwatigan na ang pagbabago n~g lacad n~g panahón. Pakinggán po ninyó cung paanong manalitâ n~gayón ang m~ga cabataan, dalawing po ninyó ang m~ga páaralang pinagtuturuan n~g m~ga dunong, at ibá n~g m~ga pan~galan ang umaalin~gáwn~gaw sa m~ga pader n~g m~ga claustro, diyán sa loob n~g m~ga pader na iyá'y wala tayong máririn~gig liban na lamang sa m~ga n~galan ni Santo Tomás, Suarez, Amat, Sánchez at m~ga ibá pa, na pawang pinacasásamba n~g panahóng co. Waláng cabuluháng magsisigáw buhat sa m~ga púlpito ang m~ga fraile laban sa tinatawag niláng pagsamâ n~g m~ga ugalì, tulad sa pagsigáw n~g m~ga magtitindá n~g isdâ, laban sa cacuriputan n~g m~ga mamimili, na hindi nilá napagkikilalang ang calacal nilá'y bilasâ na't waláng cabuluhán! Waláng cabuluháng ilaganap n~g m~ga convento ang caniláng mahahabang galamáy at m~ga ugat sa han~gád na inisín sa m~ga bayan ang bagong agos; pumapanaw na ang m~ga diosdiosan; mangyayaring mapapamayat n~g m~ga ugat n~g cahoy ang m~ga halamang doo'y itinatanim, datapuwa't hindi mangyayaring macaamís n~g buhay sa ibáng nan~gabubuhay, na gaya na n~ga n~g m~ga ibong napaiilangláng sa calan~gitán.

Masimbuyó ang pananalitâ n~g filósofo; nagníningning ang canyáng m~ga matá.

--Datapuwa't maliit ang bagong sibol; cung man~gagcáisa ang lahát, ang pagsúlong na totoong napacamahal ang ating pagbili'y mangyayaring caniláng mainís,--ang itinutol ni don Filipo na áayaw maniwala.

--Inisin siya, ¿nino? ¿n~g tao bagâ, iyáng pandác bang masasactín ang macaíinis sa Pagsulong, sa macapangyarihang anác n~g panahón at n~g casipagan? ¿Cailán bagá nagawâ niyá ang gayón? Lalò n~g itinulac siyá sa paglaganap n~g m~ga nan~gagpupumilít na siyá'y piguílin sa pamamag-itan n~g m~ga pinasasampalatayan, n~g bibitayán at n~g pinagsusunugang sigâ.
E por si muove
, (at gayón ma'y gumágalaw), ang sinasabi ni Galileo n~g pinipilit siyá n~g m~ga dominicong canyáng sabihing ang lupa'y hindi gumagalaw; ang gayóng salitá'y iniuucol sa pagsulong n~g dunong n~g tao. Mapipilit ang iláng m~ga calooban, mapápatay ang iláng m~ga tao, n~guni't itó'y waláng cabuluhán: magpapatuloy n~g paglacad sa canyáng landás ang Pagsulong, at sa dugô n~g m~ga mabulagtá'y bubucal ang m~ga bago't malalacás na m~ga suwi. Pagmasdán po ninyó ang m~ga pamahayagan man, cahi't ibiguing magpacátiratira sa cahulihulihan, gayón ma'y humáhacbang n~g isá sa pagsulong n~g laban sa canyáng calooban; hindi macatacas sa pagtupad sa ganitóng atas ang m~ga dominico man, caya't caniláng tinutularan ang m~ga jesuita, na cánilang m~ga caaway na cailán ma'y hindi macacasundô: gumágawâ silá n~g m~ga casayahan sa caniláng m~ga claustro, nan~gagtátayô n~g m~ga maliliit na m~ga teatro, nag-áanyô-anyô n~g m~ga tulâ, sa pagcá't palibhasa'y hindi silâ culang sa catalinuhan, bagá man ang boong isip nilá'y nan~gabubuhay pa silá sa icalabinglimáng siglo, napagkikilala niláng sumasacatuwiran ang m~ga jesuita, at silá'y makikialam pa sa daratníng panahón n~g m~ga batang bayang caniláng tinuruan.

--Ayon, sa sabi ninyó'y ¿caalacbáy ang m~ga jesuita sa paglacad n~g Pagsulong?--ang tanóng na nagtátaca ni don Filipo;--cung gayo'y ¿bakit silá'y minamasamâ n~g m~ga tagá Europa?

--Cayó po'y sasagutín co n~g catulad n~g m~ga nag-aaral n~g tungcól sa Iglesia n~g una,--ang isinagót n~g filósofo, na mulíng nahigâ at pinapanag-uli ang canyáng pagmumukháng palabiro;--sa tatlóng paraán mangyayaring macaacbay sa Pagsulong: sa dacong unahán, sa dacong taguiliran at sa dacong hulihán; ang m~ga nan~gun~guna'y siyáng namamatnugot sa canyá; ang nan~gasa taguilira'y cusang napadadala na lamang, at ang nan~gahuhuli'y pawang kinácaladcad, at sa m~ga kinácaladcad na itó nasasama ang m~ga jesuita. Ang ibig sana nilá'y silá ang macapamatnubay sa Pagsulong, n~guni't sa pagcá't nakikita niláng itó'y malacás at ibá ang m~ga hilig, silá'y nakikisang-ayon, at lalong minamagalíng niláng silá'y makisunod cay sa silá'y tahaki't yapacan, ó mátira caya sa guitna n~g marilím na daán. N~gayón po'y tingnán ninyó, tayo rito sa Filipinas ay may m~ga tatlóng siglo, ang cauntian, ang ating pagcáhuli sa
carro
n~g Pagsulong: bahagya pa lamang nagpápasimula tayo n~g pag-alis sa «Edad Media» (476 hanggáng 1453); caya n~ga ang m~ga jesuita na nasa Europa'y larawan n~g pag-urong, cung pagmasdan dito'y larawan n~g Pagsulong; cautan~gan n~g Filipinas sa canilá ang bagong umúusbóng na pagdunong, ang m~ga dunong na catutubò n~g daigdíg (Ciencias Naturales), na siyáng cáluluwa n~g siglo XIX, na gaya namang cautan~gán sa m~ga dominico ang Escolasticismo (filosofía n~g Edad Media), na namatáy na cahi't anóng pagpipilit na gawín ni León XIII: waláng Papang macabuhay na mag-ulî sa binitay na n~g catutubong bait ... Datapuwa't ¿saán náparoon ang ating salitaan?--ang itinanóng na nagbago n~g anyô n~g pananalita;--¡ah! ang pinag-uusapan nati'y ang casalucuyang calagayan n~g Filipinas ... Siyá n~ga, n~gayó'y pumapasoc tayo sa panahón n~g pakikitunggalì, malî acó, cayó; nauucol na sa gabí camíng nan~gaunang ipinan~ganác, cami'y paalís na. Ang nagtutunggali ay ang nacaraang panahóng cumacapit at yumayacap na nagtútun~gayaw sa uugaugâ n~g malaking bahay na bató n~g m~ga macapangyarihan, at saca ang panahóng sasapit, na náririn~gig na buhat sa malayò ang canyáng awit n~g pagwawagui, sa m~ga sinag n~g isáng namamanaag n~g liwaywáy, tagláy ang Bagong Magandáng Balita na galing sa m~ga ibáng lupaín ... ¿Sinosino caya ang man~gatitimbuang at mababaon sa pagcaguhò n~g náguiguibang bahay?

Tumiguil n~g pananalitâ ang matandáng lalaki, at n~g makita niyang siyá'y tinititigan ni don Filipong nagninilaynilay, ngumitî at mulíng nagsalitâ:

--Halos nahuhulaan co ang iniisip po ninyó.

--¿Siyá n~ga pô ba?

--Iniisip po ninyóng magaang na totoóng mangyaring acó'y nagcacamalì,--ang sinabing n~gumin~gitî n~g malungcót;--n~gayó'y may lagnát acó at hindi namán acó maipalalagay na hindi namamali cailán man:
homo sum et nihil humani a me alienum puto,
ani Terencio; n~guni't cung manacánaca'y itinutulot ang managuinip, ¿bakit bagá't hindi mananaguinip acó sa m~ga hulíng sandalî n~g buhay? At bucód sa roo'y ¡pawang panaguinip lamang ang aking naguíng buhay! Sumasacatuwiran pô cayó; ¡panaguinip! waláng iniisip ang ating m~ga kinabataan cung di ang m~ga sintahan at layaw n~g catawan: lalong malaki ang panahóng caniláng ginugugol at ipinagcacapagod sa pagdayà at paglulugsô n~g isáng capurihán n~g isáng dalaga, cay sa pag-iisip-isip n~g icagagaling n~g canyáng lupang tinubuan; pinababayaan n~g m~ga babae rito sa atin ang caniláng sariling m~ga familia, dahil sa pag aalaga n~g bahay at familia n~g Dios; masisipag lamang ang m~ga lalaki rito sa atin sa nauucol sa m~ga vicio at silå'y m~ga bayani lamang sa paggawâ n~g m~ga cahiyahiyâ; námumulat ang camusmusan sa m~ga cadilimán at sa m~ga calumalumaang pinagcaratihang aayaw baguhin; pinalálampas n~g m~ga cabataan ang lalong pinacamagalíng na panahón n~g caniláng buhay na waláng anó mang mithîin, at ang m~ga may gulang na'y waláng guinágawang sucat mamun~ga n~g cagalin~gan, waláng capacanán silá cung di magpasamâ sa m~ga kinabataan sa pamamag-itan n~g caniláng masasamáng halimbawang ipinakikita ... Ikinagagalac cong acó'y mamatáy na ...
claudite jam rivos, pueri.

--¿Ibig pô ba ninyó ang anó mang gamót?--ang itinanóng ni don Filipo, upáng magbago n~g salitaang nacapagbigáy dilim sa mukhâ n~g may sakít.

--Hindî nagcacailan~gan n~g m~ga gamót ang m~ga mamamatay; cayóng m~ga mátitira ang nan~gagcacailan~gan. Sabihin pô ninyó cay don Crisóstomo na acó'y dalawin niyá bucas, may sasabihin acó sa canyáng totoong mahahalagá. Sa loob n~g iláng araw ay yayao na acó. ¡Sumásacadilimán ang Filipinas!

Pagcatapos n~g ilàng sandali pang pag-uusapa'y iniwan ni don Filipong namámanglaw at nag-iisip ang bahay n~g may sakít.

=LIV.=

QUIDQUID LATET, ADPAREBIT, NIL INULTUM REMANEBIT.

Ipinagbibigay álam n~g campana ang oras n~g pagdarasal sa hapon; tumitiguil ang lahát pagcárin~gig n~g taguinting n~g pagtawag n~g religión, iniiwan ang caniláng guinágawa't nan~gagpupugay: inihíhintó n~g magsasacáng nanggagaling sa bukid ang canyáng pag-awit, pinatitiguil ang mahinahong lacad n~g calabáw na canyáng sinásakyan, at nagdarasal; nagcucruz ang m~ga babae sa guitnâ n~g daan at pinagágalaw na magalíng ang caniláng m~ga labì't n~g sino ma'y huwag mag-alinlan~gang sa caniláng silá'y mapamintakasi; inihihintô n~g lalaki ang pag-ámac sa canyáng manóc at dinárasal ang
Angelus
upáng sang-ayunan siyá n~g capalaran; nan~gagdárasal n~g malacás sa m~ga bahay ... nalúlugnaw, nawáwalâ ang lahát n~g in~gay na hindi ang sa
Abá Guinoong Maria
.

Gayón ma'y nagtutumulin sa paglacad sa daan ang curang nacasombrero, na anó pa't pinapagcacasala ang maraming m~ga matatandáng babae, ¡at lalo n~g nacapagcacasala! na ang tinutungo niyá'y ang bahay n~g alférez. Inacala n~g m~ga matatandáng babaeng panahón nang dapat niláng itíguil ang pagpapakibót n~g caniláng m~ga labi upáng silá'y macahalic sa camáy n~g cura; datapuwa't hindî silá pinansín ni pari Salví; hindi siyá nagtamóng lugód n~gayóng ilagáy ang canyáng mabut-óng camáy sa ibabaw n~g ilóng n~g babaeng cristiana, upáng buhat diyá'y padaus-using maimis (ayon sa nahiwatigan ni doña Consolación) sa dibdíb n~g magandáng batang dalaga, na yumúyucod sa paghin~gî n~g bendición.

¡Marahil totoong mahalagáng bagay n~gâ ang nacaliligalig sa canyáng panimdím upáng malimutan n~g ganyán ang canyáng sariling cagalin~gan at ang cagalin~gan n~g Iglesia!

Totoong dalidali n~gang siyá'y nanhíc sa hagdanan at tumawag n~g boong pagdudumalî sa pintô n~g bahay n~g alférez, na humaráp na nacacunót ang m~ga kilay, na sinusundan n~g canyáng cabiac (n~g canyang asawa), na n~gumín~giting parang tagá infierno.

--¡Ah, padre cura! makikipagkita sana acó sa inyó n~gayón, ang cambíng na lalaki po ninyó'y....

--May sadyà acóng totoong mahalagá....

--Hindí co maitutulot na palagui n~g iwasac niyá ang bacod ... ¡papuputucan co siyá cung magbalic!

--¡Iyá'y sacali't buháy pa cayó hanggáng bucas!--anáng cura na humihin~gal at patun~go sa salas.

--¿Anó? ¿inaacala po ba ninyóng mapapatay acó niyáng taotaohang pipitong buwan pa lamang n~g ipan~ganac? ¡Lúlusayin co siyá sa isáng sicad lamang!

Umudlót si pari Salvi at hindi kinucusa'y itinun~gó ang panin~gín sa paá n~g alférez.

--¿At sino po ba ang inyóng sinasabi?--ang itinanóng na nan~gán~gatal

--¿Sino ang sasabihin co cung di iyáng nápacahalíng, na hinamon acóng camí raw ay magpatayan sa pamamag-itan n~g revolver, na ang layo'y sandaang hacbáng?

--¡Ah!--humin~gá ang cura, at saca idinugtóng:--Naparito acó't may sasabihin sa inyóng isáng bagay na totoóng madalian.

--¡Huwág na pó cayóng magsabi sa akin n~g ganyáng m~ga bagay! ¡Marahil iyá'y catulad n~g sa dalawáng batà!

Cung di lamang naguíng lan~gís ang pang-ilaw at hindi sana nápacarumí ang
globo
, nakita disín n~g alférez ang pamumutlâ n~g cura.

Other books

Fantasy by Keisha Ervin
Echoes by Danielle Steel
Railroad Man by Alle Wells
This Round I'm Yours by Marian Tee, The Passionate Proofreader, Clarise Tan
The Detour by Andromeda Romano-Lax
Naturaleza muerta by Lincoln Child Douglas Preston
Blizzard Ball by Kelly, Dennis
Maybe a Fox by Kathi Appelt
Batman by Alex Irvine