Noli Me Tangere (67 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.81Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Ang ating pag-uusapan n~gayó'y ang mahalagáng bagay na nauucol sa buhay n~g calahatan!--ang mulíng sinabi n~g cura n~g marahan.

--¡Mahalagáng bagay!--ang inulit n~g alférez na namutlà; ¿magalíng po bang magpatamà ang binatang iyán?...

--Hindi siyá ang aking sinasabi.

--Cung gayó'y ¿sino?

Itinurò n~g cura ang pintô, na sinarhán n~g alférez alinsunod sa canyáng kinaugalian, sa pamamag-itan n~g isáng sicad. Ipinalálagay n~g alférez na waláng cabuluhán ang m~ga camay, at wala n~gang mawáwalâ sa canyáng anó man cung maalis ang canyang dalawang camáy. Isáng tun~gayaw at isáng atun~gal ang siyáng naguíng casagutan buhat sa labás.

--¡Hayop! ¡biniyác mo ang aking noó!--ang isinigáw n~g asawa niyá.

--¡N~gayó'y iluwal na pô ninyó!--ang sinabi sa cura n~g boong capanatagán n~g loob.

Tinitigan n~g cura ang alférez n~g malaon; pagcatapos ay tumanóng niyáng tinig na pahumál at nacayayamot na caugalian n~g nan~gagsesermon:

--¿Nakita pô ba ninyó cung paano ang aking pagparito, patacbó?

--¡Redios! ¡ang boong isip co'y nagbubululós pô cayó!

--Cung gayó'y tingnán ninyó,--ang sinabi n~g cura na hindi pinansín ang cagaspan~gan n~g asal n~g alférez;--pagca nagcuculang acó n~g ganyán sa aking catungculan, maniwala cayó't may mabibigát na m~ga cadahilanan.

--¿At anó pa pô?--ang itinanóng n~g causap na itinátadyac ang paá sa tinútungtun~gan.

--¡Huminahon cayó!

--Cung gayó'y ¿anó't cayó'y nagmámadali n~g mainam sa pagparito?

Lumapit sa canyá ang cura't tumanong n~g matalinghagà:

--¿Walà ... pô ... ba ... cayóng ... nababalitaang ... anó ... man?

Pinakibít n~g alférez ang canyáng m~ga balicat.

--¿Pinagtitibay pô ba ninyóng wala cayóng natátalastas na anóng anó man?

--¿Ibig pô ba ninyóng ipaunawa sa akin ang nauucol cay Elías na cagabí'y itinagò n~g inyóng sacristan mayor?--ang itinanóng.

--Hindi, hindi co sinasabi n~gayón ang m~ga cathacathàng iyan,--ang sagót n~g curang nagpakita na n~g pagcayamot;--ang ibig cong sabihin n~gayó'y ang isáng malakíng pan~ganib.

--¡P ...! ¡cung gayó'y magsalitâ cayó n~g maliwanag!

--¡Abá!--ang madalang na sinabi n~g fraile na may anyóng pagpapawaláng halaga;--n~gayó'y muli pa ninyóng makikita ang cahalagahan naming m~ga fraile; catimbáng n~g isáng regimiento ang catapustapusang uldóg; caya't ang cura'y ...

At ibinabâ ang tinig at sinabi n~g matalinghagang pananalitâ:

--¡Nacatuclas acó n~g isáng malaking acalang pangguguló!

Lumucsó ang alférez at tinititigan ang fraile sa malakíng gulat.

--Isáng cakilakilabot at mabuting pagcacahandang munacalang tacsíl na pangguguló, na sasambulat n~gayón ding gabí.

--¡N~gayón ding gabi!--ang bigláng sinabi n~g alférez, na dinaluhong ang cura; at tinacbó ang canyáng revolver at sable na nacasabit sa pader.

--¿Sino ang aking daracpin?, ¿sino ang aking daracpin?--ang sigáw.

--¡Huminahon po cayó, may panahón pa, salamat sa aking pagdadalidaling guinawa; hanggáng sa á las ocho....

--¡Babarilín co siláng lahát!

--¡Makiníg po cayó! Lumapit sa akin n~gayóng hapon ang isáng babae, na hindi co dapat sabihin ang pan~galan (sa pagcá't isang lihim n~g confesió) at ipinahayag sa aking lahát. Sasalacayin nilá't cucunin ang cuartel, pagca á las ocho, na hindi magpapamalay, lolooban ang convento, dáracpin nilá ang falúa at pápatayin tayong lahát na m~ga castila.

Tulíg na tulíg ang alférez.

--Waláng sinabi sa akin ang babae cung di itó lamang,--ang idinugtóng n~g cura.

--¿Walâ n~g ibáng sinabi? ¡cung gayó'y daracpin co siyá!

--Hindi co mapababayaan: ang hucuman n~g pan~gun~gumpisal ay siyáng luclucan n~g Dios na mahabaguin.

--¡Waláng Dios at waláng mahabaguing macapagliligtas! ¡huhulihin co ang babaeng iyán!

--Sinisirà po ninyó ang inyóng isip. Ang marapat pô ninyóng gawin ay humandá; lihim ninyóng papagsandatahin ang inyóng m~ga sundalo, at ilagáy ninyó silá sa magalíng na mapagbabacayan; padalhan pô ninyó acó n~g apat na guardia sa convento, at ipaunawâ ninyó ang mangyayari sa m~ga taga falúa.

--¡Walâ rito ang falúa! Hihin~gî acó n~g saclolo sa ibáng m~ga
sección!

--Huwág, sa pagca't cung gayó'y caniláng maiino, at hindi nila ipatutuloy ang caniláng bantâ. Ang lalong magalíng ay máhuli nating buháy silá at sacâ natin pasigawin, sa macatuwíd bagá'y cayó ang magpapasigaw sa canilá; hindi acó dapat makialám sa bagay na itó, sa pagcá't acó'y sacerdote. ¡Dilidilihin ninyó! sa mangyayaring itó'y macatutuclas cayó n~g m~ga
cruz
at m~ga
estrella;
ang tan~ging hiníhin~gi co'y papagtibayin lamang na acó ang siyáng sa inyó'y nagsabi't n~g macapaghandà.

--¡Papagtitibayin, padre, papagtitibayin, at hindi malayong sa inyó'y mapaputong ang isáng mitr!--ang sagót n~g alférez na nagágalac, at tinitingnan ang m~ga mangás n~g canyáng suut na damít.

--Ipaasahan cong magpápadala cayó sa akin n~g apat na guardia na ibá ang pananamit, ¿eh?

Samantalang nangyayari ang m~ga bagay na itó'y nagtátatacbo ang isáng tao sa daang patun~gó sa bahay ni Crisóstomo at dalidaling pumapanhic sa hagdanan.

--¿Nariyan ba ang guinoo?--ang tanóng n~g tinig ni Elías sa alilà.

--Na sa canyáng gabinete at may guinagawâ.

Sa nais ni Ibarrang malibáng ang canyáng pagcainíp sa paghihintay n~g oras na macapagpapaliwanagan cay María Clara'y gumagawa sa canyáng laboratorio.

--¡Ah! cayó pô palá, ¿Elías?--ang bigláng sinabi;--cayó ang sumasaaking isip, nalimutan co cahapong itanóng sa inyó ang pan~galan niyóng castilàng may bahay na kinatitirahan n~g inyóng nunòng lalaki.

--Hindi pô nauucol sa akin, guinoo....

--Pagmasdán po ninyó,--ang ipinagpatuloy ni Ibarra, na hindi nahihiwatigan ang pagcabalisa n~g binata, at inilapit sa nin~gas ang isáng caputol na cawayan; nacatuclas acó n~g isáng dakilang bagay; hindi nasusunog ang cawayang itó.

--Hindi pô ang cawayan ang dapat nating lin~gunín n~gayón; ang dapat ninyóng gawín n~gayó'y iligpit ang inyóng m~ga papel at cayó'y tumacas sa loob n~g isáng minuto.

Pinagmasdán ni Ibarra si Elías na nagtatacá, at n~g makita sa canyáng pagmumukhâ ang anyóng hindi nag aaglahî, canyáng nábitiwan ang bagay na hawac.

--Sunuguin pô ninyó ang lahát na macapapahamac sa inyó at sa loob n~g isang oras ay lumagáy cayó sa isáng lugar na lalong panatag.

--At ¿bakit?

--Inyó pong sunuguin ang lahat n~g papel na inyóng sinulat ó ang isinulat sa inyó; ang lalong waláng cahuluga'y caniláng masasapantahang masamâ ...

--N~guni't ¿bakit?

--¿Bakit? sa pagcá't bago cong natuclasan ang isáng munacalang pangguguló na cayó ang ipinalálagay na may cagagawán at n~g cayó'y ipahamac.

--¿Isáng munacalang pangguguló? at ¿sino ang may cagagawán?

--Hindi co nangyaring nasiyasat cung sino ang may cagagawán; bagong capakikipagsalitaan co lamang sa isá sa m~ga culang palad na sa bagay na iyá'y pinagbayaran, na hindi co nangyaring naakit na huwag gumawa n~g gayón.

--At iyán, ¿hindi pô ba sinabi sa inyó cung sino ang sa canyá'y nagbayad?

--Sinabi pô, at pinapan~gaco acóng aking pacain~gatan ang lihim, sinabi sa aking cayó raw pô.

--¡Dios co!--ang biglang sinabi ni Ibarra, at siyá'y nagulomihanan.

--¡Guinoo, huwág pô cayóng mag-alinlan~gan, huwag nating sayan~gin ang panahón, pagcá't marahil matuloy n~gayóng gabí rin ang munacalang pangguguló!

Tila mandin hindi siyá naririn~gig ni Ibarrang nacadilat n~g mainam at naca capit sa ulo ang m~ga camáy.

--Hindi mangyayaring mapahinto ang caniláng gagawin,--ang ipinagpatuloy. ni Elías,--wala n~g magagawa n~g acó'y dumatíng, hindi co kilalá ang canilang m~ga pinuno ... ¡lumigtás po cayó, guinoo, magpacabuhay cayó, sa icagagaling n~g inyóng bayan!

--¿Saán acó tatacas? ¡Hiníhintay aco n~gayóng gabi!--ang bigláng sinabi ni Ibarra na si María Clara ang iniisip.

--¡Sa alin mang bayan, sa Maynila, sa bahay n~g sino mang punong may capangyarihan, n~guni't sa ibáng lugar, n~g hindi nilá masabing cayó ang namumunò sa pangguguló!

--¿At cung acó rin ang magcanulo n~g munacalang pangguguló?

--¡Cayó ang magcacanulo?--ang bigláng sinabi ni Elías, na siyá'y tinititigan at nilalayuan n~g pauróng; malalagay po cayóng tacsíl at duwag sa m~ga matá n~g m~ga mangguguló, at mahinà ang loob sa m~ga matá n~g m~ga ibá; wiwicaíng inuman~gan ninyó silá n~g isáng silo at n~g cayó'y magtamo n~g carapatán, mawiwicang ...

--Datapuwa't ¿anó ang dapat cong gawín?

--Sinabi co na sa inyó: pugnawín ang lahát ninyóng m~ga papel na nauucol sa inyóng buhay, at tumacas at maghintáy n~g m~ga mangyayari....

--¿At si María Clara?--ang sigáw n~g binatà;--¡hindi, mamatáy na muna acó!

Pinilípit ni Elías ang sariling camáy at nagsabi:

--¡Cung gayó'y inyóng ilagan man lamang ang dagoc, maghandâ cayó sa pananagót cung cayó'y isumbóng na nilá!!!

Lumin~gap sa paliguid niyá si Ibarrang ang anyó'y natútulig.

--Cung gayó'y tulun~gan pô ninyó aco; diyán sa m~ga carpetang iyá'y may m~ga sulat acó n~g aking familia; piliin ninyó ang sa aking amá na siyáng macapapahamac sa akin marahil. Basahin po ninyó ang m~ga firma.

At ang binata'y tulíg, hibáng, ay binubucsá't sinasarhan ang m~ga cajón, nagliligpit n~g m~ga papel, dalidaling binabasa ang m~ga sulat, pinupunit ang m~ga ibá, ang m~ga ibá namá'y itinatagò, dumárampot n~g m~ga aclát, binubucsan ang m~ga dahon at ibá pa. Gayón din ang guinágawâ ni Elías, bagá man hindi totoóng natútulig, n~guni't gayón din ang pagdadalidali; datapuwa't humintô, nangdilat, pinapagbiling-bilíng ang papel na hawac at tumanóng na nan~gán~gatal ang tinig:

--¿Nakikilala pô ba n~g inyóng familia si don Pedro Eibarramendia?

--¡Mangyari pa bagá!--ang isinagót ni Ibarra, na nagbúbucas n~g isáng cajón at kinucuha roon ang isáng buntóng m~ga papel; ¡siyá ang aking nunò sa tuhod!

--¿Inyó po bang nunò sa tuhod si don Pedro Eibarramendia?--ang mulíng itinanóng ni Elías, na namúmutla't siráng sirâ ang mukhâ.

--Opô,--ang isinagót ni Ibarra, na nalílibang; pinaiclî namin ang apellido sa pagcá't napacahabà.

--¿Siyá pô ba'y vascongado?--ang inulit ni Elías at lumapit sa canya.

--Vascongado, n~guni't ¿ano po ang nangyayari sa inyó?--ang itinanóng na nangguíguilalas.

Itinicom ni Elías ang canyang m~ga daliri, idiniin sa canyáng noó at tinitigan si Crisóstomo, na umudlót n~g canyáng mabasa ang anyó n~g mukhâ ni Elías.

--¡Nalalaman pô ba ninyó cung sino si don Pedro Eibarramendia?--ang itinanong na nangguiguitil.--¡Si don Pedro Eibarramendia'y yaóng imbíng nagparatang sa aking nunòng lalaki at may cagagawan n~g lahát n~g m~ga sacunáng nangyari sa amin!

Tiningnán siyá ni Crisóstomong nanglúlumo, datapuwa't ipinagpag ni Elías ang canyáng bisig, at sinabi sa canyá n~g isáng mapait na tinig na doo'y umaatun~gal ang nagbabagang galit.

--¡Masdán ninyó acóng magaling, masdan ninyó acó cung acó'y naghirap, at cayó'y buháy, sumisinta cayo, cayó'y may cayamanan, bahay, kinaalang-alan~ganan! ¡nabubuhay cayó!... ¡cayó'y nabubuhay!

At hibáng na tinun~go ang ilang m~ga sandatang típon, n~guni't bahagyâ pa lamang nacahugot n~g dalawáng sundang ay cusang binitiwan, at tiningnang wari'y sirâ ang isip si Ibarra, na nananatiling hindi cumikilos.

--¡Aba!--¿anó ang aking gagawin?--ang ibinulóng, at saca tumacas at iniwan ang bahay na iyón.

=LV.=

=ANG CAPAHAMACAN.=

Nan~gaghahapunan doon sa comedor (cacanán) ni Capitan Tiago, si Linares at si tía Isabel; narín~gig mulá sa salas ang calampagan n~g m~ga pinggán at n~g m~ga cubierto. Sinabi ni María Clarang aayaw na siyáng cumain, at naupô sa piano na ang casama'y ang masayáng si Sinang, na bumúbulong sa canyáng m~ga tain~ga n~g m~ga talinghagang salitâ, samantalang balisáng nagpaparoo't parito sa salas si pari Salvi.

Hindi sa dahiláng hindi nagdáramdam n~g gutom ang bagong galing sa sakit, hindî; cayâ gayó'y hinihintay ang pagdating n~g isang tao, at sinamantala ang sandaling hindi niyá macacaharap ang canyáng Argos (sa macatuwid baga'y ang hindi naglílicat n~g pagbabantay sa canyá saán man): ang oras n~g paghahapunan ni Linares.

--Makikita mo cung hindi matitira ang fantasmang iyán hanggáng sa á las ocho,--ang ibinulóng ni Sinang, na itinuturo ang cura; dapat
siyáng
pumarito pagca á las ocho. Gaya rin siyá ni Linares na umiibig.

Pinagmasdán ni María Clara n~g boong panghihilacbót ang canyáng catotong babae. Hindi nápagmasdan nitó ang gayóng bagay, caya't nagpatuloy ang catacottacot na masalin~gatà:

--¡Ah! nalalaman co na cung bakit aayaw umalis cahi't pagpasarin~gan co: ¡aayaw magcagugol sa pag-iilaw n~g convento! ¿nalaman mo na? Mulâ n~g magcasakít icaw, mulíng pinatáy ang dalawáng lámparang dating pinasísindihán ... Datapuwa't ¡tingnán mo cung anó ang guinagawang anyó sa m~ga matá, at cung paano ang pagmumukhà!

Tinugtóg n~g sandalíng iyón n~g relós sa bahay ang á las ocho. Nan~gatal ang cura at naupô sa isáng suloc.

--¡Darating na!--ani Sinang at kinurót si María Clara;--¿náririn~gig mo ba?

Tumugtóg ang campanà sa simbahan n~g á las ocho at tumindig ang lahát upáng man~gagdasál; namunò si pari Salvi n~g mahina't nan~gán~gatal na tinig; datapuwa't palibhasa'y may canícanyang iniisip ang bawa't isá, sino ma'y waláng pumansín n~g bagay na iyón.

Bahagyá pa lamang natatapos ang dasál ay dumatíng si Ibarra. May tagláy na luksâ ang binatà, hindi lamang sa pananamít, cung di naman sa mukhá, caya pagcakita sa canyá ni María Clara'y tumindig at humacbáng n~g isá upáng siyá'y tanun~gin cung napapaano, n~guni't sa sandali ring iyó'y narin~gíg ang isáng pútucan n~g m~ga baríl. Tumiguil si Ibarra, umiinog ang canyáng m~ga matá, siyá'y naumíd. Nagtagò sa licód n~g isáng haligui ang cura. Bago na namáng m~ga putucan, bagong m~ga ugong ang náririn~gig sa dacong convento, na sinusundan n~g m~ga hiyawan at tacbuhan. Nan~gagsipasoc n~g panacbó si capitan Tiago, si tía Isabel at si Linares at nan~gagsisigawan n~g
¡tulisán! ¡tulisán!
Casunod nilá si Andeng na iniwawasiwas ang isáng duruan at tumacbó't naparoon sa tabí n~g canyáng capatíd sa suso.

Nanicluhód si tía Isabel at umiiyac at dinárasal ang
kyrie eleyson;
dalá ni capitán Tiagong namúmutlá't nan~gán~gatal sa isáng tenedor ang atáy n~g isáng inahíng manóc at inihahaying tumatan~gis sa Virgen sa Antipolo; punongpunô ang bibig ni Linares at nacasandata n~g isáng cuchara; nan~gagyacap si Sinang at si María Clara; ang tan~ging hindi nananatili sa hindi pagkilos ay si Crisóstomo, na hindi maisaysáy ang canyáng pamumutlá.

Other books

The Namura Stone by Andrews, Gillian
Paradise Wild by Johanna Lindsey
Breathe by Donna Alward
The Gravedigger's Ball by Solomon Jones
Seducing Sophie by Juliette Jaye