Noli Me Tangere (54 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.59Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Pumarito na cayó n~gayong hapon, cung ibig ninyóng magbigay-loob!--ang inulit ni Ibarrang nagpipiguil;--n~gayo'y dadalawin co ang isáng taong may sakít.

--¡Ah! ¿at dahil sa isang babaeng may sakit ay linilimot po ninyo ang m~ga patay? ¿Acala ba ninyo't cami'y m~ga ducha'y?...

--Tinitigan siya ni Ibarra at pinutol ang canyang pananalita.

--¡Huwag po sana ninyong piliting ubusin ang aking pagtitiis!--ang sinabi ni Ibarra at ipinagpatuloy ang canyang paglacad. Sinundan siya ni Lucas n~g titig na may calakip na n~giting puspos n~g pagtatanim n~g galit.

--¡Napagkikilalang icaw ang apo n~g nagbilad sa arao sa aking ama!--ang ibinulong;--¡taglay mo pa ang gayon ding dugo!

At nagbago n~g anyo n~g pananalita, at idinugtong:

--¡Datapuwa, cung magbayad ca n~g magaling ... tayo'y magcatoto!

=XLII.=

=ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA.=

Nacaraan na ang fiesta; muli na namang napag-unawa n~g m~ga mamamayan, cawan~gis din n~g lahat n~g taóng nagdaan, na lalo n~g dukha ang cabán, na sila'y nan~gagcapagod, nan~gagpawis at totoong nan~gagpuyat na hindi sila nan~gacapagsayá, hindi sila nan~gagcamit n~g bagong m~ga caibigan, sa isang salita, mahal na totoo ang canilang pagcabili sa m~ga caguluhan at sa m~ga basag-ulo. Datapuwa't hindi cailan~gan; gayon din ang gagawin sa taóng darating, gayon din sa darating na ikasandaang taon, sa pagca't hangga n~gayo'y ito ang siyang naguing caugalian.

Naghahari sa bahay ni capitang Tiago ang malaking capanglawan; nacasara ang lahat n~g m~ga bintana, bahagya na nararamdaman ang paglacad n~g m~ga tao roon sa sahig, sa cocina lamang nan~gan~gahas silang magsalita n~g malacas. Nararatay sa banig at may sakit si María Clarang caluluwa n~g bahay; nababasa ang canyang calagayan sa lahat n~g m~ga mukha, tulad naman sa pagcabasa sa pagmumukha n~g isang tao n~g m~ga dinaramdam n~g canyang caluluwa.

--¿Ano ba sa acala mo Isabel; sa Cruz sa Tunasan ba aco maglimos ó sa Cruz sa Matahong?--ang marahang tanong n~g nababalisang ama.--Lumalaki ang Cruz sa Tunasan, datapuwa't pumapawis naman ang sa Matahong; alin caya sa acala mo ang lalong mapaghimala?

Nag iisip-isip ang tía Isabel, iguinalaw ang ulo at bumulong:

--Paglaki ... lalong malaking himala ang lumaki cay sa pumawis: nagpapawis tayong lahat, n~guni't tayong lahat ay hindi lumalaki.

--Tunay n~ga, siya n~ga, Isabel, n~guni't alalahanin mong ang magpawis.... ang magpawis ang cahoy na guinagawa lamang na paa n~g bangco ay hindi cacaunting himala ... ¡Aba! ang lalong mainam ay maglimos sa dalawang Cruz, sa ganya'y walang maghihinanakit na sino man at lalong madaling gagaling si María Clara ... ¡Mabuti ba ang pagcacahanda n~g m~ga silid? Nalalaman mo n~g casama mag-asawang doctor ang isang bagong guinoong may pagcacamag-anac ni pari Dámaso; kinacailan~gang huwag magculang n~g ano man.

Na sa cabilang dulo n~g "comedor" ang magpinsang si Sinang at si Victoria, na napaparoo't sinasamahan ang may sakit. Tinutulun~gan sila ni Andeng sa paglilinis n~g m~ga cagamitang pilac sa pag-inom n~g chá.

--¿Nakikilala ba ninyo ang doctor Espadaña?--ang tanong na mahigpit cay Victoria n~g capatid sa suso ni María Clara.

--¡Hindi!--anang tinatanong;--ang tan~ging nalalaman co lamang sa canya'y mahal na totoong sumin~gil, ayon cay capitang Tiago.

--¡Marahil totoong magaling siya cung gayon!--ani Andeng;--mahal sumin~gil ang bumutas n~g tiyan ni doña María, caya n~ga marunong.

--¡Haling!--ang biglang sinabi ni Sinang,--hindi ang lahat n~g sumisin~gil n~g mahal ay marunong na. Tingnan mo si doctor Guevara; pagcatapos na di natutong umalalay sa nan~gan~ganac, hanggang sa putulin ang ulo n~g sanggol, sinin~gil n~g limampong piso ang nabaong lalaki ... sumin~gil ang siyang nalalaman.

--¿Ano ang kinalaman mo?--ang tanong sa canya n~g canyang pinsan at siya'y sinicó.

--¿At bakit hindi co malalaman? Ang lalaki, na isang maglalagari n~g cahoy, pagcatapos na siya'y mapan~gulila n~g canyang asawa, napilitan namang mawal-an siya n~g bahay, sa pagca't pinilit siyang magbayad n~g Alcalde, na caibigan n~g doctor ... ¿bakit hindi co malalaman? Pinautang pa siya n~g aking ama upang macapasa Santa Cruz[259].

Isang cocheng tumiguil sa tapat n~g bahay ang siyang pumutol n~g lahat n~g m~ga salitaan.

Nanaog na nagtutumacbo sa hagdanan si capitang Tiago, na sinusundan ni tía Isabel, upang salubun~gin ang m~ga bagong dating.--Ang m~ga nagsidating na ito'y ang doctor na si don Tiburcio de Espadaña, ang canyang guinoong asawang; doctora na si doña Victorina de los Reyes "de" de Espadaña at isang binatang castilang nacalulugod ang mukha at maganda ang kiyas.

Ang sa babaeng pananamit ay isang sutlang "bata" na nabuburdahan n~g m~ga bulaclac, at may isang sombrerong may isang malaking ibong "papagayo" na halos nababayuot sa m~ga cintas na azul at pula; ang nan~gagcacahalong alaboc n~g daan at galapong n~g bigas sa canyang m~ga pisn~gi ang siya manding nagdaragdag n~g canyang m~ga culubot; n~gayo'y inaalalayan sa m~ga bisig ang canyang asawang pilay, na gaya rin n~g siya'y makita natin sa Maynila.

--Ikinaliligaya cong ipakilala sa inyo ang aming pinsang si don Alfonso Linares de Espadaña!--ani doña Victorina na itinuturo ang binata; ang guinoong ito'y inaanac n~g isang camag-anac ni pari Dámaso, tan~ging kalihim n~g lahat n~g m~ga ministro....

Bumati n~g calugodlugod ang binata; unti n~g hagcan ni capitang Tiago ang canyang camay.

Samantalang ipinapanhic ang lubhang maraming m~ga "maleta" at m~ga "saco de viaje", samantalang inihahatid sila ni capitang Tiago sa canicanilang m~ga silid, pag-usapan natin ang ilang bagay na nauucol sa mag-asawang ito, na bahagya na natin napagsalitaanan sa m~ga unang bahagui n~g librong ito.

Si doña Victorina'y isang guinoong babaeng may taglay n~g m~ga apat na po't limang agosto, na catumbas n~g tatlompo't dalawang abril ayon sa canyang balac sa aritmética. Maganda siya n~g panahong bata pa, malamán ang canyang catawan,--gayon ang madalas niyang sabihin--n~guni't sa canyang pagcawili sa panonood sa canyang sarili, pinawal-ang halaga niya ang maraming sa canya'y nan~gin~gibig na m~ga filipino, palibhasa'y ang minimithi niya'y ang ibang lahi. Hindi niya inibig ipagcatiwala can~gino man ang canyang maputi at maliit na camay, datapuwa't hindi sa pagcuculang tiwala, sa pagca't hindi mamacailang nagbigay siya sa ilang lagalag na m~ga tagaibang lupain at m~ga tagarito n~g m~ga pamuti at m~ga hiyas na hindi maulatan ang cahalagahan.

Anim na buwan pa muna bago dumating ang panahong sinasaysay namin n~gayon, nasunduan niyang ganap ang lalong caligaligaya niyang panaguinip, ang panaguinip n~g boong buhay niya, na dahilan dito'y pinawalang halaga niya ang m~ga pagsuyo n~g cabataan at sampo n~g m~ga pan~gacong pagsinta ni capitang Tiago na n~g una'y ibinubulong sa canyang tain~ga ó inaawit sa ilang m~ga pananapat. Lampas na n~ga sa panahon n~g masunduan niya ang canyang mithi; n~guni't palibhasa'y cahi't pamalimali'y nagsasalita si doña Victorina n~g wicang castila, at higuit cay Agustina na taga Zaragoza ang canyang pagca española, nalalaman niya yaong casabihang "Mas vale tarde que nunca" (Magaling cay sa wala ang magcamit cahi't malaon), at siya rin ang umaaliw sa sarili sa pagsasalita nito sa canya rin.--"No hay felicidad completa en la tierra" ay isa naman sa canyang laguing guinagamit na casabihan sa canyang buhay, sa pagca't hindi lumalabas sa canyang m~ga labi ang dalawang casabihang ito sa harap n~g ibang m~ga tao.

Si doña Victorinang pinagdaanan na n~g una, pan~galawa, pan~gatlo at pang-apat na cabataan sa paglaladlad n~g canyáng m~ga lambat upang mahuli sa dagat n~g daigdíg ang bagay na adhica n~g canyáng m~ga hindi pagcacatulog, sa cawacasa'y napilitang sumang-ayon sa ibig n~g capalarang sa canya'y ipagcaloob. Cung naguing tatlompo't isang abril sana ang canyáng gulang, at hindi tatlompo't dalawá,--ang layo'y totoong malaki ayon sa canyáng aritmética.--isinauli disin n~g cahabaghabag na babae sa Capalaran ang inihahandog sa canyáng huli sa lambát, upáng maghintáy n~g lalong naaalinsunod sa canyang calooban. N~guni't palibhasa'y pinapanucala n~g tao at ang pan~gan~gailan~gan ang siyáng nagpapasiya, siyáng malaki n~g lubha ang pan~gan~gailan~gan n~g asawa, napilitang magalin~gin na niyá ang isáng abang lalaki na iniabsang n~g bayang Extremadura (España), at pagcatapos na macapaglagalag sa daigdig n~g anim ó pitóng taón, Ulisis na bago, sa cawacasa'y nasumpun~gan niya sa pulo n~g Lusóng ang mapapanuluyan, salapi at isang panís n~g Calipso, na canyáng-cabiac dalandán ... ¡ay! at ang dalanda'y maasim. Tiburcio Espadaña ang pan~galan n~g caawaawa, at baga man tatlompo't limang taón ang gúlang ay tila matanda na; gayón ma'y lalong bata pa siya cay doña Victorina, na may tatlompo't dalawa lamang. Magaang maunawa ang cadahilanan nitó, n~guni't pan~ganib na sabihin.

Siya'y na pa sa Pilipinas na ang catungcula'y Oficial Quinto sa m~ga Aduana, datapuwa't totoong napacalihis ang canyang palad, na bucód sa siya'y nahilong mainam at nabalian siya n~g isang hita samantalang naglalacbay-dagat, binawian siya n~g catungculan n~g macaraan ang labing limáng araw mula n~g siya'y dumating, pagbawing sa capanahuna'y dinala sa canyá n~g "Salvadora", n~g wala na siya cahit isang cuarta man lamang.

Sa canyáng pagcadala sa dagat, hindi niya inibig umuwi sa España hanggang hindi siyá yumayaman, at inisip niyáng maghanap-buhay sa ano man. Ayaw itulot sa canyá n~g capalaluan n~g budhi n~g pagca castila ang paggugugol n~g lacas: han~gad sana n~g lalaking mamuhay siyá sa isang paraang walang icapipintas ang sino man, n~guni't ayaw ipahintulot sa canya n~g capurihan n~g m~ga castila na gugulin niyá ang lacás sa paggawa, at hindi siya mailigtas sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g capurihang iyón.

N~g m~ga unang araw ay nabubuhay siya sa gugol n~g ilang cababayan niya, n~guni't palibhasa'y marunong mahiya si Tiburcío, sa damdam niya'y masaclap ang canyang kinakain, caya't hindi tumataba cung di bagcos pa n~gang nan~gan~gayayat. Sa pagca't wala siyang dunong, salapi ó mataas na taong tumangkilic sa canya, inihatol sa canya n~g canyang m~ga cababayan, upang huwag na siyang macabigat pa sa pamumuhay na siya'y pa sa m~ga lalawigan at doo'y magpanggap siyang doctor sa pangagamot. N~g m~ga unang mula'y aayon sana ang lalaki, sa pagca't tunay n~ga't siya'y naguing alila sa Hospital n~g San Cárlos n~guni't wala siyang natutuhang ano man sa carunun~gan tungcol sa panggagamot: ang tungculin niya roo'y pagpagan n~g alaboc ang m~ga bangco at papagnin~gasin ang m~ga bagang pangpainit, at ito'y hindi pa, nalaon. Datapuwa't sa pagca't nalalao'y humihigpit ang caguipitan, at pinapawi n~g canyang m~ga caibigan ang m~ga pag-aalap-ap niya, pinakinggan niya sila sa cawacasan, siya'y na pa sa m~ga lalawigan, nagpasimula siya n~g pagdalaw sa ilang m~ga may sakit, at sumisin~gil siya n~g alinsunod sa inihahatol sa canya n~g sariling budhi. Datapuwa't ang nacawan~gis niya'y ang binatang filósofo na sinasabi ni Sameniego, sa cahulihuliha'y sumin~gil siya n~g mahal at linagyan niya n~g mataas na halaga ang canyang m~ga dalaw sa m~ga may sakit; dahil dito'y ipinalagay siyang dakilang manggagamot, at marahil siya sana'y yumaman, cung hindi nabalitaan n~g m~ga pan~gulong manggagagamot sa Maynila ang camalacmalac na canyang pagsin~gil at ang pakikipan~gagaw na guinagawa sa m~ga ibang manggagamot.

Namag-itan sa canya ang m~ga walang catungculan at ang m~ga profesor.--"Caibigan,--ang canilang sinabi sa maganapin sa catungculang si Dr. C.,--pabayaan na ninyong siya'y macatipon n~g caunting puhunan, at pagca may anim ó pitong libo na siya'y macaoowi na sa canyang bayan at n~g doo'y mamuhay sa capayapaan. Sa catotohana'y ¿ano ang guinagawa sa inyong masama? ¿na canyang dinaraya ang m~ga hindi marunong mag-in~gat na m~ga "indio"? Sila'y magpacatalino. Siya'y isang caawaawa; huwag po ninyong alisin sa canyang bibig ang pagcain; cayo sana'y mag-asal mabait na castila!"

¿Palibhasa'y mabait n~gang castila ang doctor, napahinuhod siyang magwalang malay n~g cagagawang iyon; n~guni't sa pagca't dumating sa tain~ga n~g bayan ang gayong balita, nagpasimula n~g pagcuculang tiwala sa canya, at hindi nalao't wala n~g pagamot cay don Tiburcio Espadaña at sa ganito'y napilitan na namang halos magpalimos n~g kinakain sa araw-araw. N~g panahong iyo'y nabalitaan sa isang caibigan niya, na naguing matalic namang caibigan ni doña Victorina, ang malaking pan~gan~gailan~gan n~g asawa n~g guinoong babaeng ito, ang canyang pagsinta sa bayang España at ang cagandahan n~g canyang puso. Natanawan ni don Tiburcio roon ang isang capilas na lan~git, at ipinakiusap na siya'y ipakilala cay doña Victorina.

Nagkita si doña Victorina't si don Tiburcio. ¡"Tarde venientibus ossa," ang biglang sinabi marahil ni don Tiburcio cung marunong sana siyá n~g latin! Si doña Victorina'y di na masasabing maaariari pa, tunay na di na maaari; nauwi na lamang ang canyáng malagong buhóc sa isang pusód, na ayon sa sabi n~g canyáng alilang babae'y ang ulo n~g bawang ang nacacasinlaki raw, ang m~ga culubót n~g canyang mukha'y tulad sa dinaanan n~g araro at nagpapasimula na n~g pag-uga ang canyang m~ga n~gipin, nan~gagdaramdam na rin naman ang canyáng m~ga matá, at malaki na ang ipinagdamdam, caya't kinacailan~gan na niyáng ga ipikit na n~g caunti upang macakita sa dacong may calayuan; ang caugalian na lamang niya ang tan~ging sa canya'y natira.

Nan~gagcaunawaan n~g matapos ang calahating horas na pagsasalitaan, at nan~gagtanggapan sila. Dahil sa ang ibig niya ang isang castilang hindi napacapiláy, hindi totoong utal, hindi lubháng upawin, huwag napaca bun~gi ang m~ga n~gipin na huwag mapacalabis ang pananambulat n~g laway cung nagsasalita, at magcaroon sana n~g lalong malaking licsi at "categoria", na gaya n~g caraniwan niyang sabihin; n~guni't ang ganitóng m~ga bagay na castila'y hindi lumapit cailan man sa canyá upang ipakiusap na sa canya'y pacasal. Hindi miminsang canyang narin~gig na "la ocasión la pintan calva" (ilinalarawang walang buhoc sa ulo ang magaling na pagcacataon), at inacala niyá n~g taimtim sa loob na si don Tiburcio'y siyang tunay na magaling na pagcacataon, sa pagca't salamat sa m~ga gabíng lubhang mapighating canyáng dinaanan, maagang nangyayari sa canyá ang pagcapanot n~g ulo. ¿Sino ang babaeng hindi matalino sa icatatlompo't dalawang taóng gulang?

Nagdamdam naman si don Tiburcio, sa ganang canyá, n~g hindi mawatasang pamamanglaw n~g canyáng dilidilihin ang m~ga unang buwan n~g canyang pag-aasawa na ang caraniwa'y nagtatamasa n~g boong catamisan. N~guni't caniyang taglay ang pagsang-ayon sa sawing capalaran, at humin~gi siyang saclolo sa pag-aalaala sa dinaanan at dinaraanan pang gutom cung sacali. Cailan man ay hindi niya inisip ang luman~goy sa yaman ó magtamo n~g mataas na catungculan, magagaang na camtan ang canyang m~ga adhica n~g loob, hindi malalawac ang canyáng m~ga mithi; datapuwa't ang canyang pusong virgen pa n~g m~ga panahong iyón ay naghan~gad n~g ibang nacasisintahing lubhà.--Doon sa canyang cabataan, cung pagal na siya sa cagagawa, pagcatapos na magawa niyá ang dukhang paghapon, nagpapahin~galay siya sa masamang hihigán upáng tunawin ang "gazpacho", at natutulog siyang ang napapanag-inip ay isang larawang nacan~giti at mapagbigay layaw. Pagcatapos, n~g maragdagan ang m~ga sama n~g loob at m~ga casalatan, nagdaan ang m~ga taón at hindi dumating ang calugodlugod na larawan, ang inisip na lamang niya'y ang isang mabait na babae, masipag, mabuting mamahay, na macapagdala sa canya n~g caunting salapi sa pagcacasal, macapagbigay aliw sa canya sa m~ga pagal n~g paggawa at manacanacang siya'y cagalitan.--¡tunay, ipinalalagay niyang isang caligayahan ang m~ga pag-aaway n~g mag-asawa! Datapuwat n~g siya'y mapilitang maglagalag sa bayanbayan, na ang hinahanap niya'y hindi na ang cayamanan cung hindi caunti man lamang caguinhawahan sa pamumuhay sa panahon canyang ipinananatili pa sa daigdig; n~g pucawin sa canya ang pag-asang macakikita n~g caguinhawahan n~g m~ga balibalitang bigay sa canya n~g canyang m~ga cababayang galing sa cabilang ibayo n~g dagat, lumulan siya sa isang sasacyang tun~go sa Filipinas, pinapamugad n~g layon sa canyang dibdib ang isang calugodlugod na mestiza, sa isang magandang india na may malalaking matang maitim, napuputos n~g sutla at m~ga nan~gan~ganinag na m~ga damit, tiguib n~g taglay na m~ga brillante at guinto at iniaalay sa canya ang pagsinta, ang m~ga coche, at iba pa. Dumating sa Filipinas at ang boong acala niya'y nasunduan na niya ang caganapan n~g canyang panag-inip, sa pagca't tinititigan siya n~g may halong pagtataca n~g m~ga dalagang nacasacay sa m~ga cocheng plateadoong nagpapasial sa Luneta at Malecón. Datapuwa't n~g siya'y bawian n~g catungculan, nawala sa canyang panimdim ang mestiza ó ang india, at linikha naman niya n~g boong hirap ang larawan n~g isang bao, n~guni't isang baong calugodlugod. Caya n~ga't n~g makita niyang naguiguing catotohanan ang isang bahagui n~g canyang panaguinip, siya'y namanglaw n~guni't palibhasa'y taglay niya ang caunting catutubong pagsangayon sa ano mang nangyayari, sinabi niya ang sa canyang sarili: ¡"Yao'y wala cung di isang panaguinip lamang, at sa daigdig ay hindi nabubuhay sa panaguinip"! Sa ganito'y binibigyan niyang capasiyahan ang canyang m~ga pag-aalinlan~gan: gumagamit siya n~g galapong n~g bigas, pshe! cung macasal na sila'y ipag-uutos na niyang huwag gumamit; na marami n~g culubot ang balat, n~guni't ang levita niya'y lalo n~g maraming guisi at m~ga sursi, na yao'y isang matandang babaeng mapagyabang, mapagpasuco at asal lalaki, datapuwa't ang gutom ay lalo n~g asal lalaki, lalo n~g mapagpasuco at lalo pa manding mapagyabang, at bucód sa roo'y caya n~ga naman catutubo na niya ang pagcamatimyas na ugali, at ¿sino ang nacacaalam? binabago n~g pagsinta ang m~ga caasalan; na totoong masamang man~gastila, siya man nama'y hindi rin magaling man~gastila, ayon sa sinabi sa canya n~g puno n~g Negociado n~g ipagbigay alam sa canya ang sa canya'y pagbawi n~g catugculan, at bucod sa roo'y ¿ano baga iyon? ¿na ang babaeng iyo'y isang matandang pan~git at catawatawa? ¡siya nama'y pilay, wala n~g n~gipin at saca panot pa! Lalong minamagaling pa ni don Tiburcio ang siya'y mag alaga cay sa siya'y alagaan sa pagcacasakit sa gútom. Pagca linilibac siyá n~g alin mang caibigan niyá, ito ang canyáng isinasagot: "Bigyan mo aco n~g pagcain at tawaguin mo acong tan~gá".

Other books

Engaging the Earl by Diana Quincy
Hunting of the Last Dragon by Sherryl Jordan
Incarnadine by Mary Szybist
The Notes by Ronald Reagan
No One to Trust by Iris Johansen
Lucky: A Love Lane Short by Olivia Thomas
Still thicker than water by Takerra, Allen
Chronicle of a Death Foretold by Gabriel García Márquez, Gregory Rabassa