Noli Me Tangere (29 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
7.23Mb size Format: txt, pdf, ePub

Madaling pinagmasdán ni Ibarra ang taong iyón, at tumanóng:

--¿At anó bâ ang íbig ninyó n~gayon?

--¡Ipagmacaáwa co po sa inyó ang aking asawa at ang aking m~ga anác!

--Hindî acó macatiguil,--ang sagot ni Ibarra. Cung íbig po ninyóng sumunód sa akin, habang tayo'y lumalacad ay masasabi ninyó ang sa inyó'y nangyayari.

Napasalamat ang tao at pagdaca'y nan~gawalâ silá sa guitnâ n~g cadilimán n~g m~ga daang bahagyâ na may ílaw.

TALABABA:

[256] Tinatawag n~g m~ga castilang "otoño" ang panahóng sumusunod sa "verano" ó tag-araw at tinatawag nilang "primavera" ang panahóng sumusunod sa "invierno" ó tagguináw.

=XXIII.=

=ANG PANGIGISDA=

Numíningning pa ang m~ga bituin sa lan~git "zafir",[257] at nan~gagugulaylay pa ang m~ga ibon sa m~ga san~gá n~g cahoy, ay nan~gaglilibot na sa m~ga lansan~gan n~g bayang ang tun~go'y sa dagatan, ang isang masayáng cawang naliliwanagan n~g nacagagálac na liwanag n~g m~ga huepe.

Silá'y limáng m~ga batang dalagang nan~gagmámadalî n~g paglacad, na nagcacacapitcapit ó nacayacap cayá sa bayawang n~g calapít, na iláng matandang babae ang sumúsunod at saca iláng m~ga babaeng alilang sunong n~g calugodlugod na anyô ang m~ga bácol na punô n~g m~ga báon; m~ga pinggán at iba pa. Pagcakita sa caniláng m~ga mukháng ang cabatáa'y tumatawa at ang pag ása'y maníningning; sa panonood n~g linipadlipad n~g caniláng malalagò't maiitim na buhóc at malalapad na cunót n~g canilang m~ga damít, marahil ipalagáy nating silá'y m~ga diosa n~g gabí, cung dî sana talastás nating silá'y si María Clara na casama ang canyáng ápat na caibigan: ang masayáng si Sinang na canyáng pinsan, ang hindî makíbuing si Victoria, ang magandáng si Iday at ang mahinhing si Neneng na matimtiman at kimî ang cagandahan.

Nan~gagsasalitaan n~g boong ligaya, nan~gagtatawanan, nan~gagcucurutan, nan~gag-aanasan at pacatapos naghahalakhacan.

--¡Guiguisin~gin ninyó ang taong natutulog pa!--ang ipinagwiwicà sa canilá ni tía Isabel;--n~g cabataan namin ay hindî camí nagcacain~gay n~g ganyán.

--¡Marahil hindî namán cayó gumiguising n~g maagang gaya namin, at marahil hindî namán nápacamatuluguín ang m~ga matatanda!--ang panagót n~g maliit na si Sinang.

Sandaling hindî silá nan~gagsásalitâ, pinagpipilitan cayâ nilang magsalitâ n~g marahahan; n~guni't hindî nalalao't nan~gacalilimot, nan~gagtatawanan, at pinúpunô ang daan n~g caniláng m~ga bátà at sariwang tínig.

--Conowarì magtampó ca; huwág mo siyáng causapin!--ang sabi ni Sinang cay María Clara;--cagalitan mo siyá at n~g huwág mamihasa sa casam-an n~g ásal.

--¡Howag mo pacahigpít namán!--ani Iday,

--¡Magmahigpít ca, howag cang haling! Dapat magmasunurin ang nan~gin~gibig samantalang nan~gin~gibig; sa pagca't cung asawa na'y gagawin ang bawa't maibigan niya!--ang hatol n~g maliit na si Sinang.

--¿Anó ang kinalaman mo niyan, bátà?--ang ipinagwíca n~g canyáng pinsang si Victoria.

--¡Ssst! ¡huwag cayóng main~gay at dumarating silá!

Dumarating n~gâ namán ang isáng pulutóng n~g m~ga binatang nan~gagtátanglaw n~g sigsig. Nan~gagsisilacad siláng hindî umíimic na tinutugtugan n~g isáng guitarra.

--¡Tila guitarra n~g pulubi!--ani Sinang na nagtatawa.

Nang mag ábot na ang dalawáng pulutóng, ang m~ga babae ay siyáng nag-anyóng hindî makibuin at matimtiman, na pára manding hindî pa silá nacacapag-aral na tumawa; tumbalíc, ang m~ga lalaki namán ang nan~gagsasalitâ, nan~gagsisin~gitî at tumátanong n~g macaanim upang magtamó n~g isáng casagutan.

--¿Tahímic bagá cayâ ang dagâtan? ¿Inaacála bagá ninyóng magcacaroon tayo n~g mabuting panahón?--ang tanóng n~g m~ga iná.

--¡Huwág pô sana cayóng maligalig, m~ga guinoong babae, mabuti acóng luman~góy!--ang sagót namán n~g isáng binátang payát at matangcád.

--¡Dápat sanang tayo'y nagsimbá múna!--ang buntóng-hinin~gá ni tía Isabel na pinagduduop ang camáy.

--Nasasapanahón pa, guinoong babae: si Albinong n~g panahón niyá'y naguing "seminarista," macapagmimisa sa bangcâ,--ang isinagót n~g isá, na itinuturò ang binatang payát at matangcád.

Si Albinong may pagmumukháng palabirô, n~g márinig na siyá'y binábangguit, nag-anyóng mapanglaw at banál, na anó pa't guinágagad niyá si párì Salví.

Bagá ma't hindî nililimot ni Ibarra ang cahinhinán, nakikisalamuhà siyá sa casayahan n~g canyáng m~ga casamahán.

Pagdatíng nilá sa pasígan, hindî sinásadyá'y tumácas sa m~ga lábi n~g m~ga babae ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at catowâan. Doo'y caniláng nakita ang dalawáng bangcáng nagcacácabit, na mainam ang pagcacágayac n~g m~ga pinagtuhóg-túhog na m~ga bulaclác at m~ga dahon, casama n~g m~ga sarisaring cúlay na m~ga damít na pinacumbô: nacasabit sa bagong lagáy na bubóng n~g sasacyáng iyón ang m~ga maliliit na farol na papel, na may m~ga casal-ít na m~ga rosas at m~ga clavel, m~ga bun~gang halamang gáya n~g pinyá, casúy, saguing, bayabas, lanzones at ibá pa. Dinalá roón ni Ibarra ang canyáng alfombra, m~ga maririkit na panábing at m~ga cogín at ang lahát n~g itó'y siyáng guinawang upuang maguinháwa n~g m~ga babae. Napapamutihan din ang m~ga tikín at m~ga sagwán. Sa isáng bangcáng lalong marikit ang pagcacágayac ay may isáng arpa, m~ga guitarra, m~ga acordeón at isáng sun~gay n~g calabaw; sa isáng bangcâ nama'y nagninin~gas ang m~ga caláng lúpà at doo'y iniháhandâ ang chá, café at salabát na gágawing agáhan.

--¡Dito ang m~ga babae, diyán ang m~ga lalaki!--ang sabi n~g m~ga iná paglulan nilá sa bangcâ.--¡Man~gátali cayó! ¡Howag sana cayóng lubháng magaláw at málulubog tayo!

--¡Man~gagcruz muna cayó!--ang sabi ni tía Isabel na nagcucruz.

--¿At tayo ba'y man~gag-íisa lamang dito?--ang tanóng ni Sínang, na pinasásama ang mukhâ--¿Tayo ba lamang ...? ¡Aráy!

Ang cadahilanan n~g "¡aráy!" na itó'y gawâ n~g isáng curót na sa capanahuna'y ibinigáy cay Sínang n~g canyáng iná.

Lumálayong untîuntî ang m~ga bangcâ sa pasigan at naaanino ang iláw n~g m~ga farol sa salamín n~g dagatang waláng caalon-alon. Sa silan~gana'y sumusun~gaw ang m~ga unang cúlay n~g liwayway.

Naghaharì ang malakíng catahimican; ang m~ga binata't dalagang nagcacabucod-bucod, ayon sa calooban n~g m~ga ina'y tila nan~gaggugunamgunam.

--¡Mag-in~gat ca!--ani Albinong seminarista n~g sabing malacás sa isáng capuwà binátà;--yapacan mong magaling ang m~ga bunót na pangsicsíc na na sa ilalim n~g iyóng paa.

--¿Bakit?

--Sa pagca't maaaring mabunglós at pumasoc ang túbig; maraming bútas ang bangcáng itó.

--¡Ay, at tayo'y lumúlubog!--ang sigawan n~g m~ga babaeng malakí ang gulat.

--¡Huwág cayóng mabahála, m~ga guinoong babae!--ang pangpayapang sa canila'y sinabi n~g seminarista. Ang bangcáng iyá'y hindî maáano; waláng bûtas cung dî lílima lamang, na hindî naman totoong malalakí.

--¡Limáng bútas! ¡Jesús! ¿At ibig ba ninyóng lunurin camí?--ang sigawan n~g m~ga babaeng nan~gatatacot.

--¡Walâ pô namán cung dî lílima, m~ga guinoong babae, at ganyán calaki lamang!--ang patibay na sabi n~g seminarista, at sa canilá'y itinuturo ang maliit na bílog na gawâ n~g canyang hinlalakí at hintutúró na pinaghúhugpong ang capuwâ dulo. Yapácan ninyóng mabuti ang bunót na sicsíc at n~g hindî mabunglós.

--¡Dios co! ¡María Santísima! ¡Pumapasoc na ang tubig!--ang sigaw n~g isáng matandáng babaeng ang pakiramdam niya'y nabábasâ na siyá.

Nagcaroon n~g caunting caguluhan, ang iba'y tumitil-î, ang ibá namá'y íbig lumucsó sa túbig.

--¡Yapácan ninyóng magaling ang bunót diyan!--ang patuloy na sigáw ni Albino, at canyang itinuturò ang dácong kinalalagyán n~g m~ga dalaga.

--¿Saan? ¿saan? ¡Dios! ¡Hindî namin nalalaman! ¡Parang áwa na ninyó, cayo'y pumarini't hindî namin nalalaman!--ang pamanhíc n~g matatacutíng m~ga babae.

Kinailan~gang lumipat ang iláng bagongtáo sa cabiláng bangcâ upang papanataguin ang loob n~g m~ga natatacot na m~ga iná. ¡Laking pagcacátaon! Tila mandin may isáng pan~ganib sa tabí n~g bawa't dalaga. Walâ cahi't isáng nacapagbibigay pan~ganib na bútas sa tabí n~g lahat n~g matatandang babae. ¡At lalo pa manding malakíng pagcacátaon! Umupô si Ibarra sa tabí ni María Clara; naupo si Albino sa tabi ni Victoria at ibá pa. Mulíng naghárì ang catahimican sa cabilugan n~g mapag-in~gat na m~ga iná. Datapuwa't hindî sa limpî n~g m~ga dalaga.

Sa pagca't hindî gumágalaw n~g camuntî man lamang ang tubig, hindî nálalayô ang m~ga baclád at sacâ totoo pang maaga, pinagcayarîang bitiwan ang m~ga gaod at man~gag-agáhan ang lahat. Pinatay ang ílaw n~g m~ga farol, sapagca't nililiwanagan na ang alang-alang n~g liwaywáy.

--¡Waláng casinggalíng n~g salabát cung inumín cung umaga bago magsimbá!--ani capitana Tikâ na iná n~g masayáng si Sinang;--uminom pô cayó n~g salabát na may cahalong puto, Albino, at makikita ninyóng hangang sa sisipaguin pa cayóng magdasál.

--Iyán n~ga pô ang guinagawâ co--ang sagot naman nito;--caya't ibig co na tulóy magcumpisál.

--¡Huwag!--ani Sinang,--uminôm cayó n~g caféng nacapagpápasayá n~g calooban.

--N~gayón din, sa pagca't ganacacaramdam na acó n~g calungcutan.

--¡Huwag cayóng uminòm niyán--ang paalaala ni tía Isabel;--uminóm cayó n~g chá at cumain cayó n~g galletas; nacapagpapatahímic daw n~g ísip ang chá.

--¡Iinom din acó n~g chá at cacain acó n~g galletas!--ang sagót n~g mapagbigay loob na seminarista--ang cabutiha'y hindî catolicismo ang alín man sa m~ga inumíng iyán.

--N~guni't ¿mangyayari ba ninyóng ...? ang tanóng ni Victoria.

--¿Cung macaíinóm namán acó n~g chocolate? ¡Mangyayari rin! Huwag lámang na mapacalaon bago mananghalîan....

Maganda ang umaga: nagpapasimulâ na n~g pagtinggád ang túbig, at sa liwanag na nanggagaling sa lan~git at sa sinag na sa tubig nagmúmulâ, ang nangyayari'y isáng caliwanagang tumátanglaw sa m~ga bagaybagay, na halos hindî nagcacaanino, isáng maningning at malamíg na liwanag, na nahahaluan n~g m~ga culay na ating napagwawari sa m~ga tan~ging pintura tungcol sa dagat.

Hálos nan~gagagalac ang lahát, sinasanghod nilá ang mahínang amíhang untîunting napupucaw; sampóng ang m~ga ináng puspós sa paninimdim at m~ga pagpapaalaala'y nan~gagtatawanan at nan~gagbìbiruan silasilá.

--¿Natátandaan mo bâ? anang isá cay capitana Ticâ--¿natátandaan mo bâ n~g tayo'y nan~galiligo sa ilog n~g panahóng dalaga pa tayo? Di caguinsaguinsa'y dumárating na dalá n~g agos ang malilit na bancang úpac n~g saguing, na may lúlang iba't ibang bun~gang halámang nan~gásasalansan sa ibabaw n~g m~ga mababan~gong bulaclac. Bawa't isa sa m~ga bangcâ ay may maliliit na banderang kinasusulatan n~g ating canicanyang pan~galan....

--¿At cung bumábalic na tayo sa báhay?--ang isinalabat namán n~g isá, na hindî nagpabayang macatapos ang nagsásalitâ; náraratnan nating wasác ang m~ga tuláy na cawayan, at pagcacagayo'y napipilitan táyong tumawíd sa ílat ... ¡ang m~ga tampalasan!

--¡Siya n~gâ--ani capitana Ticâ;--datapuwa't iniibig co pang mabasâ ang laylayan n~g aking sáya cay sa ipakita ang aking paa: nalalaman co n~g may m~ga matáng nagmámasid na nagtatago sa m~ga damuhán sa pampáng.

Nan~gagkikindatan at nan~gagn~gin~gitîan ang m~ga dalagang nacacárinig n~g m~ga bagay na ito: hindî pumapansin ang m~ga ibá, sa pagca't may saríli namán siláng m~ga pinag-uusapan.

Isá lámang táo, ang gumáganap n~g pagcapiloto, ang nananatili sa hindî pag-imíc at hindî nakikisama sa gayóng m~ga pagcacatuwâ. Siya'y isáng binatang napagkikilalang malacás sa canyáng pan~gan~gatawan, m~ga camay at paa, at may pagmumukháng nacacaakit n~g pagmamasid dahil, sa canyáng mapanglaw na malalakíng mata at mainam na tabas n~g canyang m~ga labì. Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ.

Hindî miminsang nasubucan ang táong itó ni María Clarang siyá'y pinagmámasdan: cung nagcacágayo'y dalidaling tumítin~gin siyá sa ibáng dáco at tumátanaw sa maláyò, sa bundóc, sa pampáng. Nahabág ang dalaga sa canyáng pag-íisa, cayá't cumúha n~g iláng galleta at sacá inialay. Tiningnán siyá n~g pilotong wari'y nagtátaca; n~guni't sandalíng sandalî lámang tumagál ang gayóng tin~gin: nuha n~g isáng galleta, at napasalamat sa maiclíng salitâ na bahagyâ na mawatasan sa cahinâan n~g voces.

At sino ma'y hindî na mulíng naalaala siyá. Hindî nacapagpapacunót n~g alín mang bahagui n~g canyáng mukhâ ang masasayáng tawanan at m~ga birûan n~g m~ga binata't dalaga; hindî nacapagpapan~gitî sa canyáng matatawaníng si Sínang, na napipilitang sumandalíng icucót ang kílay cung tumátanggap n~g m~ga curót, upang manag-úlì sa dating casayahan.

Ipinagpatuloy ang caniláng pagparoon sa m~ga baclád, pagcatapos na macapagagahan.

Dalawá ang baclád na iyóng nátatayô sa catatagáng pagcacáalayô, at capuwâ pag-aarî ni capitang Tiago. Natatanaw buhat sa maláyò ang iláng tagác na nacadápò sa ibabaw n~g m~ga dúlo n~g m~ga cawayang tólos, na ang anyó'y nagsisipanood, samantalang nan~gagliliparang ang tun~go'y sa iba't ibáng dáco ang m~ga "kalaway" na hinihilahisan n~g caniláng m~ga pacpác ang dacong ibabaw n~g dagatan at pinúpuspos ang impapawid n~g caniláng m~ga húning nanunuot sa tain~ga.

Sinundán n~g tin~gín ni María Clara ang m~ga tagác, na n~g málapit ang bangcâ ay nagliparang ang tun~go'y sa calapít na bundóc.

--¿Nan~gagpupugad ba ang m~ga ibóng iyan sa bundóc? ang tanóng ni María Clara sa piloto.

--Marahil pô, guinoo,--ang isinagót--n~guni't sino ma'y walâ pang nacacakita n~g m~ga pugad na iyan.

--¿Walâ bang pugad ang m~ga ibong iyan?

--Inacalà cong silá'y may pugád, sa pagca't cung hindî totoong culang-pálad silá.

Nahiwatigan nî María Clara ang malungcót na pan~gun~gusap n~g piloto n~g gayóng m~ga salitâ.

--¿Cung gayo'y paano?

--Hindî raw, po, guinoo, nakikita ang m~ga pugad n~g m~ga ibong iyan, at taglay namán ang bísà na huwag makita ang may dalá n~g púgad n~g "calaway", at túlad sa cálolowang hindî nakikita cung dî sa makínis na salamín n~g m~ga matá; gayon din namáng hindî nakíkita ang m~ga púgad na iyan cung hindî lamang sa salamín n~g tubig.

Nag-anyóng nag-iísip-isip si María Clara.

Samantala'y dumating silá sa bangcâ; itinálì n~g matandang bangkero ang m~ga sasacyan sa isang tolos na cawayan.

--¡Hintay muna!--ani tía Isabel sa anác na lalaki n~g matandang talagang aacyat na sanang dalá ang panáloc,--kinacailan~gang mahandâ muna ang sinigáng at n~g tulóy-tulóy sa sabáw ang m~ga isdâ panggagaling sa tubig.

Other books

The Mortal Knife by D. J. McCune
Rules of the Hunt by Victor O'Reilly
The Ranch by Jane Majic
Asunder (Incarnate) by Meadows, Jodi
Double Deceit by Allison Lane
Toxin by Robin Cook
The Island Under the Earth by Avram Davidson
Beware This Boy by Maureen Jennings