Noli Me Tangere (19 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.39Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Nacú namán si San Agustin!--ang sinabi ni Don Filipo;--¡hindî pa siyá magcacásiya sa tinitiis nating m~ga hirap sa búhay na itó't ibig pa niyá ang magpatuloy hanggáng sa cabiláng-búhay!

--Ganyán n~ga ang calagayan n~g bagay na ito: sumasampalataya ang ibá at ang ibá'y hindî. Bagá ma't sumáng-áyon na si San Gregorio, alinsunod sa canyáng "de quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius ignis credendus est," hindî rin nagcaroon n~g patuluyang catibayan ang Purgatorio, hanggang sa n~g ipasiyá n~g Concilio sa Florencia n~g taóng 1439, sa macatuwíd ay n~g macaraan na ang walóng daang taón, na dápat magcaroon n~g isáng apóy na pangdalísay ó panglínis sa m~ga cálolowang bagá ma't namatáy na sumísinta sa Dios, n~guni't hindî pa lubós napagbabayaran ang Justicia n~g May Capal. Sa cawacasa'y ang Concilio Tridentino[244], sa ilalim n~g pan~gun~gulo ni Pio IV n~g taóng 1563, sa icalabinglimáng púlong ay ilinagdâ ang cautusán tungcól sa Purgatorio, na ang pasimula'y: "Cum catholica ecclesia Spiritu Sancto edocta etc.," na doo'y sinasabing ang m~ga patungcól n~g m~ga buháy, ang m~ga panalan~gin, ang m~ga paglilimós at iba pang m~ga gawáng cabanalan ay siyáng mabibísang paraan upang mailigtás sa Purgatorio ang m~ga cálolowa, bagá man sinasabing ang paghahayin n~g misa'y siyang lalong cagalinggalin~gan sa lahat. Gayón ma'y hindî sumasampalataya ang m~ga protestante[245] sa Purgatorio, at gayon dín ang m~ga páring griego[246], sa pagca't walâ siláng nakikitang pagbibigay catotohanan n~g Biblia[247], at sinasabi niláng binibigyáng wacás n~g camatayan ang taning upang macagawâ n~g m~ga carapatán ó n~g m~ga laban sa m~ga carapatán, at ang "Quodcumque ligaberis in terra" hindî ang cahulugá'y "usque ad purgatorium" etc.; n~guni't dito'y maisásagot na sa pagcá't na sa calaguitnàan n~g lúpa ang Purgatorio, talagáng dapat mapasailalim n~g capangyarihan ni San Pedro. Datapuwa't hindî acó matatapos n~g pagsasaysay, cung sasalitain co ang lahát n~g m~ga sabi tungcol sa bagay ni ìtó. Isáng araw na ibiguin pô ninyóng pagmatuwiranan natin ang bagay sa Purgatorio, magsadyâ, cayó sa aking báhay at doo'y babasahin natin ang m~ga libro at tayo'y maláyà at payapang macapagpapalagayan n~g canícanyang catuwiran. N~gayó'y yayao na acó: hindî co mapaghúlò cung bakit itinutulot n~g cabanalan n~g m~ga crístiano ang pagnanacaw sa gabíng itó.--Cayóng m~ga punong báyan ay nan~gagpapabayà sa ganitóng gawâ, at aking ipinan~gan~ganib ang aking m~ga libro. Cung sana'y nanacawin nilá sa akin upang caniláng basahin ay aking ipauubayà, datapuwa't marami ang nan~gag-iibig na tupukin ang aking m~ga libro, sa han~gád na gumanáp sa akin n~g isáng pagcacaawang gawâ, at dapat n~gang catacutan ang ganitóng pagcacaawang gawang carapatdapat sa califa[248] Omar[249]. Dahil sa m~ga librong itó'y ipinalálagay n~g ibáng linagdaan na aco n~g parusa n~g Dios....

--¿N~guni't inaacalà cong cayó po'y sumasampalataya sa parusa n~g Dios?--ang tanóng ni Doray na n~gumín~gitî at lumálabas na may dalang lalagyán n~g m~ga bágang pinagsusunugan n~g m~ga tuyóng dahón n~g palaspás, na pinagbubuhatan n~g nacayáyamot n~guni't masaráp na amóy na úsoc.

--¡Hindî co po alám, guinoong babae, cung anó ang gágawin sa akin n~g Dios!--ang isinagót ni matandáng Tasio na nag-iísip-ísip. Pagcâ acó'y naghihin~galô na, iháhandog co sa canyá ang aking cataohang waláng camuntî mang tacot; gawín sa akin ang bawa't ibiguin. N~guni't ma'y naiisip aco ...

--At ¿anó po ang naíisip ninyóng iyán?

--Cung ang m~ga católico lamang ang tan~ging mapapacagaling, at limá lamang sa bawa't isáng daang católico ang siyáng mápapacagaling, at sa pagca't ang dami n~g m~ga católico'y icalabingdalawang bahagui n~g m~ga nabubuhay na táo sa lúpà, sacali't paniniwalaan natin ang sinasabi sa m~ga estadística[250], ¿ang mangyayari'y pagcatapos na mapacasamâ ang yuta-yutang m~ga táong nabuhay sa daigdig sa boong dî mabilang na m~ga siglong nagdaan, bago nanaog sa lúpà ang Mananacop, at pagcatapos na mamatay dahil sa atin ang Anác n~g isáng Dios, n~gayó'y lílima lamang ang mapapacagaling sa bawa't isáng libo't dalawáng daang táo? ¡Oh, tunay na tunay na hindî! ¡Minámagaling co pa ang magsaysay at sumampalatayang gaya ni Job: "¿Diyata't magpapacabagsíc icáw sa isáng inilílipad na dahon at pag-uusiguin mo ang isáng tuyóng layác?" ¡Hindî, hindî mangyayari ang gayóng casaliwaang pálad na calakilakihan! ¡Cung sampalatayanan ito'y isáng capusun~gán; hindî, hindî!

--¿Anóng inyóng gágawin? Ang Justicia, ang cadalisayan n~g Dios ...

--¡Oh, datapuwa't nakikita n~g Justicia at n~g Cadalisayan n~g Dios ang darating bago guinawâ ang paglikhâ sa Sangsinucob!--ang isinagót n~g lalaking matandang nan~gin~gilabot na tumindíg.--Ang boong kinapal, ang táo ay isáng linaláng sa isáng nais lamang n~g calooban; n~guni't hindî niyá kinacailan~gan, cayá't hindî n~gâ marapat na likhaín niyá, hindî, cung cacailan~ganing mapacasamâ sa waláng hanggáng casaliwaang palad ang daándaáng táo upang mapaligaya ang isá lamang, at ang lahát n~g itó'y dahil sa m~ga minanang casalanan ó sa sandalíng pagcacasala, ¡Hindî! Cung iyá'y maguiguing catotohanan, sacalín na ninyo't patayin iyáng inyóng anác na lalaking diya'y tumutulog; cung ang ganyáng pananampalataya'y hindî isáng malaking capusun~gáng lában sa Dios na iyáng dapat na maguíng siyáng Dakilang Cagalin~gan; pagcacágayó'y ang Molok fenicio na ang kinacai'y ang inihahayin sa canyáng m~ga pinápatay na táo at ang dugóng waláng-malay-sála, at sinususunog sa canyáng tiyán ang m~ga sanggól na inagaw sa dibdib n~g caniláng m~ga iná, ang mamamatay-táong dios na iyán, ang dios na iyáng calaguimlaguím, cung isusumag sa Canyá'y masasabing isáng dalagang mahinà ang loob, isáng caibigang babae, ang iná n~g Sangcataohan!

At puspós n~g panghihilacbót, umalís sa báhay na iyón ang ul-ól ó ang filósofo, at tumacbó sa lansan~gan, bagá man umuulan at madilím.

Isáng nacasisilaw na kidlát na caacbáy n~g isáng cagutlaguitlang culóg na nagsabog sa impapawid n~g pangpatáy na m~ga lintic ang siyáng tumangláw sa matandáang lalaking nacataás ang m~ga camáy sa lan~git, at sumísigaw:

--¡Tumututol icaw! ¡Talastas co nang hindî ca maban~gís; talastas co nang ang dapat co lamang itawag sa iyo'y SI MABAIT!

Nag-iibayo ang m~ga kidlát, lalong lumálacas ang unós....

TALABABA:

[216] Parrarayo, pangpatiguil ó pangpahintô n~g lintíc. Isáng casangcapan ó aparato na cung ilagay sa taluctóc n~g isáng edificio ay nacacatawag n~g electricidad ó n~g lintíc at inihahatid itó sa pamamag-itan n~g isáng cáwad sa isáng lugar na hindî macasásakit canino man. Natuclasán ang paggawâ n~g "parrarayo" ni Benjamin Franklin n~g taóng 1732. Ang caraniwang táas n~g parrarayo'y ánim hanggáng labíng dalawáng metro, at natatangkilic na dî pinúputucan n~g lintíc ang paliguidliguid n~g kinátatayuan na ang sucat n~g sacláw ay ang lambál ó ibayo n~g sucat n~g taás. Si Benjamin Franklin ay pantás na diplomático, físico at economista, na gumamit n~g boóng cáya upang magtamó n~g casarinlán ang canyáng Inang Báyang Estados Unidos n~g América. Ipinan~ganác siyá sa Boston n~g 1706, at namatáy n~g 1790.--P.H.P.

[217] Caraniwang tinatawag n~g catagalugan "tumbá", marahil sa túro n~g m~ga fraile. Pinagpapatongpatong na m~ga mesa ó balangcás na anó man, tinatacpan n~g damit na maitím at doon guinágawâ ang m~ga ceremoniang ucol sa m~ga patáy.

[218] Ang m~ga cahirapang tinitiis n~g m~ga banál na cálolowa sa Purgatorio.

[219] Ang samaháng ang palatuntuna'y ang pagsisicap na camtán ang m~ga calayâan.

[220] Sa pagkikibit n~g balicat ay ipinakikilalang hindî niyá dinaramdam ó hindî niyá sinasakit n~g loób ó sa canya'y waláng halagang sabi ó balitang náririn~gig.

[221] Sa capangyarihan.

[222] Sa casalucuyan, sa horas ding iyón.

[223] Ang cahulugán n~g pan~galang Zoroastro'y: "ang lalong magalíng sa m~ga anác n~g m~ga táo.--Si Zoroastro'y pantás na filósofo na bumago n~g religión persa."--P. H. P.

[224] Ang librong kinapapalamnan n~g m~ga aral ni Zoroastro. Tinatawag ding "Zindavesta" ang librong ito.--P. H. P.

[225] Hindî malilimutang filósofo griego na ipinan~ganác sa Egina n~g taóng 429 n~g dî pa ipinan~gan~ganac si Jesucristo.--Ang m~ga pan~gulong librong sinulat niyá'y "Ang República" at ang "Salitaan n~g dalawá". Ang pan~galan niyá'y Aristocles, n~guni't pinan~galanan siyá Sócrates n~g Platón, dahil sa calaparan n~g noó. Siyá'y naguíng discípulo ni Sócrates at naguíng maestro ni Aristóteles.--P. H. P.

[226] Bantog na escritor at naturalista latino. Ipinan~ganác n~g taóng 23 at namatáy n~g taóng 79.

[227] Patriarca sa Constantinopla. Namatáy n~g taóng 271.

[228] Hindî malilimutang poeta na cumathâ n~g "Eneida", na doo'y sinásaysay ang pinagdaanang búhay n~g troyaneng si Eneas. Siyá rin ang cumathâ n~g "Las Eglogas" at n~g "Las Geórgicas."

[229] Bantóg na papang nagpatanghál at nagpakináng na lubhâ sa Pontificado.

[230] Balitang poeta sa Italia n~g Edad Media. Ipinan~ganác sa Florencia n~g 8 n~g Mayo n~g 1265 at namatay n~g 14 n~g Septiembre n~g 1321. Ang pan~galan niyáng tunay ay DURANTE at ang DANTE ay palayaw. Ipinalimbag niyá ang m~ga librong Vida Nueva, Canzones, El Infierno, El Banquete, De Vulgari Eloquio, El Purgatorio, De Monarchia Mundi, La Divina Comedia at iba pa. Ganitó ang saysáy niyá sa canyáng sinulat na librong "De Monarchia Mundi:" Hindî sa m~ga cónsul ang m~ga namamayan at hindî sa harì ang nación, cung dî pabaligtad: sa m~ga namamayan ang m~ga cónsul at sa nación ang harì. Hindî itinatag ang m~ga ciudad at n~g pag-uculan n~g m~ga cautusán; itinatag ang m~ga cautusán at n~g iucol sa m~ga ciudad. Cayâ n~ga't ang m~ga tumatalima sa m~ga cautusán ay hindî pinapagsama sa isáng báyan upang maguing tagapaglingcód sa naglálagdâ n~g m~ga cautusán: cung dî ang naglalagdâ n~g m~ga cautusán ang siyáng tagapaglingod sa báyan, at iba pa." Hindî minamagalíng ni Dante na ang papa'y magcaroon n~g capangyarihan sa búhay at pamumuhay n~g catawan, at dahil sa panucalà niyang canyáng itóng isinaysay sa canyáng m~ga casulatan, siya'y pinag-usig n~g m~ga papa, m~ga cardenal at n~g lahát n~g m~ga cacampí sa ang han~gad na ang papa'y magcaroon n~g capangyarihang hárì. Labingdalawang taón n~g patáy siyá'y ipinag-utos pa n~g cardenal del Poggetto na cunin sa baunan ang canyáng bun~gô at m~ga butó, sunuguin at itapon, sa pagca't excomulgado raw siyá, bagay na hindî natuloy, salamat sa paghadlang n~g maraming m~ga mamamayan. Siya'y poeta, filósofo, soldado, músico, filólogo, publicista, político, mabaít na táong bayan, nagtayô n~g isáng arte, siyá ang masasabing humusay at nagtatag n~g wicang italiano, naguing punò n~g canyáng ciudad republicana, nápatapong madalás dahil sa pagtatanggol n~g catuwiran n~g bayan, at sa kinatapuna'y halos nagpalimos n~g kinacain, teólogo, masicap na apóstol n~g caisipáng di dapat magharì ang papa, hinatulang sunuguing buháy n~g isáng tribunal revolucionario, at pinag-usig n~g boong calupitán n~g tribunal n~g Inquisicióng nagparatang na siyá'y hereje, bago'y banal na binyagan; n~guni't sa cawacasa'y inilagay ang canyáng larawan sa Vaticano, sa casamahán n~g m~ga Doctor n~g Iglesia Católica, at ang m~ga butó niyá'y iniin~gatan n~g boong galang sa catedral ni Santa María del Fìore; m~ga cagagawang nagpapakilalang maliwanag na ang m~ga papa'y nagcacamali ring gaya n~g lahát n~g tao at hindî catotohanang ang m~ga papa'y "infalible", hindî nagcacamali. Itó n~gâ sa maiclíng salitâ ang carilagdilagang buhay ni Dante, na ilinagdà co rito't n~g mapanghinularan.--P.H.P.

[231] Ministro n~g religión ni Brahma.

[232] Ang m~ga sumusampalataya sa religión ni Budha.

[233] Barquero ni Aqueronte sa ílog n~g infierno. Si Carón ó Caronte ang tunay na larawan ni Camatayan sa caban~gisang walang habág canino man, sa bata't matanda, sa maganda't pan~git, sa lalaki't babae--P. H. P.

[234] Ang isá sa m~ga pintuan n~g infierno.

[235] Ang m~ga táong ang pakikipabaca ang guinágawáng hanap-búhay.

[236] Poeta n~g m~ga unang "celta".

[237] Hindî lamang tinatawag na mán~gan~gaso (cazador) n~g m~ga castilà ang nanghuhuli n~g usá, baboy-ramó at iba pang hayop sa pamamag-itan n~g m~ga aso, cung dî ang nanghuhuli ó pumapatay n~g sinabi n~g m~ga hayop sa pamamag-itan n~g m~ga sandata, n~g m~ga silò ó n~g m~ga patibóng.

[238] Ang m~ga caugaliang guinagawa n~g bawa't religión sa canilang panapalan~gin at pagpupuri sa Dios; at sa iba pang m~ga bagay.

[239] Templo at ciudadela n~g Roma, na na sa ibabaw n~g isang bundóc at doon pinuputun~gan n~g corona ang m~ga nan~gagtatagumpay sa pakikibaca. Dating casiping n~g Capitolio ang tinatawag na "Roca Tarpeya", malaking bato, na doo'y pinatátayo ang m~ga may casalanan at bago itinutulac sa ban~gín at n~g doo'y mamatay. Nanggaling ang pamagát na Tarpeya sa pan~galang ganito rin n~g isáng dalagang taga Roma, na nagbilí sa m~ga sabino n~g ciudadela n~g Roma, at pagcatapos ay ang m~ga sabino rin ang pumatáy sa canyá, carapatdapat na ganting pálà sa lahát n~g gaya niyáng tacsíl.

[240] Doctor n~g Iglesia Católica, na namatáy n~g taóng 217.

[241] Isá sa m~ga lalong bantog na párì n~g Iglesia Católica, na taga pagpaunawà n~g m~ga Santong Casulatan. Ipinan~ganác n~g 185 at namatáy n~g 243.

[242] Obispo sa Lyon at masigasig na caaway n~g m~ga "gnóstico", hanggáng sa sumulat n~g isáng librong pinamagatán niyá n~g "Tratado de las herejías."

[243] N~gayo'y cacasamahin catá sa Paraiso.--S. Lúcas XXIII, 43.

[244] Concilio ecuménico na guinawa sa ciudad n~g Trento, sacop n~g Austria, n~g 1545 hanggang sa 1563.

[245] Protestante, ang cahuluga'y "tumututol". Tinatawag na protestante ang m~ga sumasang-ayon sa pagtutol na guinawâ ni Lutero sa "dieta" sa Spira n~g taóng 1529. Si Martín Lutero ay dating fraileng agustino. Siyá'y tubo sa Eisleben, Sajonia, at ipinan~ganác n~g taóng 1483 at namatay n~g 1546.

[246] Ang sacerdote n~g Iglesia Griega na hindî cumikilala sa capangyarihan n~g Papa.

[247] Librong dakilang kinálalagyan n~g Luma at Bagong Testamento.

[248] Pan~galang bigay sa m~ga príncipe sarraceno na cahalili ni Mahoma.

[249] Pan~galawang pinsan ni Mahoma; isá sa lalong mababan~gis na tagapaglaganap n~g secta ni Mahoma.

[250] Pagbilang na guinágawâ sa ano mang bagay.

=XV.=

=ANG MGA SACRISTAN=

Bahagyâ na ang patláng n~g dagundóng n~g m~ga culóg, at pinan~gun~gunahan bawa't culóg n~g cakilakilabot na namimilipit na lintíc: masasabing isinusulat n~g Dios ang canyáng pan~galan sa pamamag-itan n~g isáng súnog at ang waláng hanggáng bubóng n~g lán~git ay nan~gín~ginig sa tacot. Ang ula'y parang ibinubuhos, at sa pagca't hináhampas n~g hán~ging humahaguing n~g lubháng malungcót, báwa't sandali'y nagbabago n~g tinutun~go. Ipinarírin~gig n~g m~ga campána, n~g voces na tagláy ang malaking laguím, ang caniláng mapangláw na hibíc, at sa sandasandalíng ínihihimpil n~g nan~gagbában~gis na m~ga culóg ang caniláng matunóg na atún~gal, isáng malungcót na tugtóg n~g campánà, na daíng ang catúlad, ang siyáng humahagulgól.

Other books

Light on Snow by Anita Shreve
Moving Pictures by Schulberg
Ibenus (Valducan series) by Seth Skorkowsky
Pigeon English by Stephen Kelman
Dual Abduction by Eve Langlais