Ang Boyfriend Kong Artista (8 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
5.71Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

fans club namin. Okay?"
Sabi nung mukhang 2nd year. Epalogs naman nitong mgàto. Tss.

"For what?"

"To make amends."

"Bakit ko kayo susundin? Ang kulit niyo! Gusto niyo isumbong ko kayo sa pagkacutting, ha?"

"First Day pa lang po ngayon. Kaya okay lang."
SO? Hinaharass niyo ako e!

"Whatever. Bakit ba kasi kailangang hintayin yung leader niyo? Alis nako, wala akong

mapapala."
Nakatalikod na ako nung...

"Sige, umalis ka, ikakalat namin yung picture niyo ni Bryan our loves habang binubuhat ka

niya."
Napalingon tuloy ako sa kanila at lumapit dun sa nagsalita.

"What?! Anong sinasabi niyo?

"

"Ikakalat namin yun sa internet, buhay ka pa kaya bukas kapag lahat ng fans ni Bryan, susugurin

ka?

"

"Hahahaha. Pano niyo naman kami nakuhanan? May spy cam ba dito? Bawal gumamit ng gadgets,

diba?"
Dapat pala nag-Student Council ako.

"Bobo. Dami kayang nakatingin sainyo kanina."

"Hoy. Wag mo akong tawagin na bobo ha. Hindi ako bobo. Wag mo kong gaganyanin."
Nakakainis `to e.

Kanina pàto ha!

"Kalat ko, gusto mo?"
Nagsmile pa yung babae.

"Ang kapal mo naman. Teka, di ba hindi ka naman yung leader?"
Nagsmile ako sa kanya. Bigla namang sumimangot si Ate. Ano ka ngayon?

"Ewan ko sayo."
Tinawanan ko lang siya. Srsly, what's happening here? Bakit ganun? LOL.

"Ayan na yung leader!"

Pagkalingon ko, bigla akong nainis.

"Allison."

"Yes, My dear?"

"Hi Ate Allison!"
Sabay-sabay na sabi ng Bryanbelievers. LOL.

"Hi guys! Kakausapin ko munàto ha?"

"Opo! Goodluck! Sana layuan niya na ang ating Bryan!"
Goodluck your face. Tss. As if gusto kong maging close si Bryan. Pero pwede rin, pang-asar lang sa kanila.

"Dito tayo."
Pumunta kami sa may labas. Recess na rin kasi e. Ang bilis nga e. Bigla niya akong tinignan with matching nanlilisik eyes. Nakakatawa itsura niya, swear!

"HAHAHA. Nakakatawa ka. Ikaw yung leader ng fans club ni Bryan?"

Nilapitan niya ako at bigla siyang nagsmile.
"Oo. Bakit? Natatakot ka na noh?"

"Ulul. Ako? Matatakot sayo? Uh. Pwedeng sabihing oo? Takot kasi ako sa monster e."

"Anong sabi mo?!"

"Walang ulitan sa bingi. Sige, Alis na ko ha?"
Nagsmile lang ako sa kanya.

Pero bago ako tumalikod, bigla ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. At sinabing,
"Grabe ka, Allison. May
boyfriend ka na, kumekerengkeng ka pa. Ibang klase ka rin noh? Well, Malandi ka kasi.

Bye!"
Tumalikod na ko nung bigla niya akong hinila at sinampal.

"Araaaay!"

"Bakit? Masakit ba? Ha?! HAHAHA. Mang-aagaw ka kasi. Pati si Bryan! Inaagaw mo! "

"Anong inagaw ko sayo, ha? Sino? Sabihin mo! Si Bryan? Grabe. Feelingera ka! At sino pa, sige

sabihin mo, Diba nga, ikaw pa yung nangsulot ng boyfriend?! ANG LAKAS NG LOOB MO!"
may mga

nakatingin na saming students. !@#$.

"Oo nga pala. Mas nagustuhan kasi ako ng boyfriend mo e. Ay EX mo na pala. Nalandi ko siya. Ang

sarap nga niyang halikan e."
Bigla na naman akong nasaktan. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Naiiyak na nga ako e.

ANG KAPAL NIYA!

"Tigilan mo na ako, pwede ba! Naagaw mo na si Erick diba? Wala ka ng aagawin sakin!"
Aalis na sana ako ng sinabi niya...

"Anong wala na? Hindi kita titigilan, Daniella. Hanggang sa di ko naaagaw sayo ang lahat!"
Bigla niya akong sinabunutan at pinagsasampal. Di ako makaganti kasi ang bigat niya. Grabe, ang sakit na ng katawan ko.

Masakit pa naman tuhod ko. Wala man lang tumulong sakin. Wala man lang.
Kahit si Erick man lang, o si...

"Bryan..."
bulong ko, pagkatapos bigla nang dumilim ang paningin ko.

7.

Eya's POV

Aray. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko mabuka yung mata ko dahil ang sakit ng ulo ko. Nakainom ba ako? Bakit ganito na lang yung sakit na nararamdaman ko?

"Aray."
Asan na ba ako?

"Gising ka na pala."
WAAAAAAAAAAAA!

Napamulat ako nun at nakita ko si ... Bryan na nakangiti. Uh, wait.
WHERE AM I? WHY AM I EVEN HERE?

"WAAAAAAAAAAA!"

"Huy. Nangyari sayo? Masakit pa ba ulo mo?"
Bigla siyang tumabi sakin at hinawakan ang ulo ko.... SA KAMA.

Oh my gosh.

"ANONG GINAWA MO SAKIN HINAYUPAK KA!"
Pinagpapalo ko siya dahil baka nirape ako nito e. Pero

napatingin lang ako sa damit ko at naka-uniform pa din naman ako.

"Ang kapal mo talaga. Hoy kababae mong tao kung makasigaw ka, akala mo nakalunok ng

megaphone. Bakit naman kita rerapin, ha?"
Ang imba ng mukha niya. Swear.

"Teka, Bakit ba ako andito? Sa... kwarto mòto? WOW."
Napanganga ako kasi ang ganda ng
room
niya e.

"Hoy. Eto ba yung abandoned house?"

"Oo. Nirenovate nga kahapon e. After mong umalis dito.
After kitang halikan
."
Gagùto. Pinaalala pa.

Letse.

"Tss. Oo na. Wait, bakit nga ba ako napadpad dito?"

"Di mo talaga matandaan?"

"Wait."
Ayun, natandaan ko na. Bruhang Allison yun. Laking galit nun sakin e. Ewan ko sa kanya. Tss.

"Ano, tanda mo na?"

"Oo. Wait, bakit ako andito?"

"Di ba obvious, niligtas na naman kita dun."

"WHUT?! Paano ka naman napunta sa scene na yun. Aber? Teka, palagi kang sumusulpot kung

nasaan ako ha..."
Hind kaya?

"Hoy! anong iniisip mo na naman?!"
Taranta niyang sabi.

"IKAW HA. STALKER BA KITA? WAHAHAHA!"

"ANG KAPAL NG MUKHA MO. HALIKAN KITA DYAN E."

"Ay sorry. Oo nga, ang kapal ko kapag ganun. Artista ka. DUH. Wait, salamat ha?"

"For what?"

"For saving me. Di ko man matandaan kung paano mo ako niligtas, pero thankyou."
Nagsmile ako sa kanya for the first time. Sincere ako ngayon. Mabait naman pala siya e. Kaso
kissing-monster
.

"Tss. Uminom ka muna oh."
Inabutan niya ako ng tubig.

"Baka may lason `to ha."

"Adik ka ba? Dinala na nga kita dito para gamutin yung sugat mo e. Tas sasabihin mo, gusto kitang

lasunin?"
Sabi niya ng naiinis. Ay, baka magalit `to. Makikipagbati nako. HAHAHA.

"Oo na. Sorry."

"WOW. Nagsorry ka. First time!"
Umupo siya sa may beanie bag malapit sa kama at tumawa ng tumawa. Ah, Siya ata yung adik e.

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
5.71Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Secrets of the Heart by Jenny Lane
Dangerous Tease by Avery Flynn
Happily Ever After by Tanya Anne Crosby
Tiger in Trouble by Eric Walters
Frail Blood by Jo Robertson
Beloved by Corinne Michaels
Favorite Sons by Robin Yocum
The Credit Draper by J. David Simons
Uncle Al Capone by Deirdre Marie Capone