Read Ang Boyfriend Kong Artista Online
Authors: Ella Larena
ANG OA KONG ATE. HAHA. Minsan lang `to. Buti na lang at nag-iwan naman siya ng note, pupunta lang daw siya sa
bahay ng bestfriend niya. Boring daw kasi dito. Tss.
Nagtext ako kela Bryan, Andie, Errick, Allison at kay Kevin kung gusto nilang gumala. Aba! Lahat busy. Tsk.
Tumawag pala si Bryan. Wala, kinwento niya lang yung pinag-usapan nila sa Tunnel. Mabait naman daw pala si
Errick. Tas yung ibang pinag-usapan nila, secret na daw. Tofu. >.<
So wala akong nagawa kundi manuod ng Phineas and Ferb habang kumakain ng chichirya.
Grabe, ganda ng week-end ko. =________=
Alam ko na! Pupunta na lang ako sa clinic hospital malapit samin! Papa-check kòtong heartbeat ng puso ko. I swear, nagiging abnormal na yung pagtibok niya. Tae tae tae. Baka mamaya bigla pa akong atakihin ng puso nito! Paano na ang mga nagmamahal sakin? Paano na ang mga readers na patuloy na sumusubaybay sa buhay ko? Paano na si Miss
Author na sobrang ganda?
[EHEM. HAHAHA. ^_____^v]
Kumain na lang ako ng madalian saka naligo. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt na color green at pedal maong pants.
Mukha akong maangas. Naka-cap pa ako. Tapos ballers. Astig. Feel ko magpaka-boyish.
Nagjeep ako papuntang heart clinic. May pera naman akong dala kaya okay lang. Pumila na rin ako kasi hindi lang pala ako ang may abnormal na puso. =_____=
Maya-maya, tinawag na ako nung secretary nung heart physician. Salamat naman. Nakakapagod rin umupo. =___=
"Miss Alvarez, you may enter now."
Nagnod ako at pumasok sa clinic. Ang cute ng itsura, puro pink. Siguro mahilig sa pink `tong heart doctor. :">
"Hello Miss Eya. Upo ka na."
Umupo na ko sa may fluffy na upuan katapat nung upuan ni Dr. Love. What?!
Napatingin kasi ako sa parang nametag niya eh.
"Uh... Dr. Love po ba tawag ko sainyo?"
"Pwede rin."
"Surname niyo po yun?"
"Ha? Oo. Ang weird noh."
Um-oo ako. Ang weird kaya. Mukhang mga 30's nàtong si Dr. Love. Pero ang ganda niya pa rin. Prominent yung cheekbones. Ay teka, bakit ko ba dinedescribe?
"Anong problema mo iha?"
Tumingin siya sa hawak-hawak niyang record book.
"Wala ka pa namang record
dito sa clinic ko, first time mo dito, diba?"
"Opo."
"Bakit ka andito? May problema ba sa puso mo?"
"Opo. Sobrang bilis po ng tibok ng puso ko. Tapos minsan sumisikip. Naaabnormal po yung
heartbeat. Natatakot po ako. Baka kasi may heart attack ako or something."
"May history ba ng heart attack or failure sa family mo?"
Napaisip ako nun.
"Uhm... Wala naman po."
"Ganun ba?"
Binaba niya yung record book sa mesa, sabay kuha ng stethoscope sa ilalim ng drawer ng mesa niya.
"
Checheck ko heartbeat mo ha?"
Nagnod ako at lumapit siya sakin sabay tutok ng stethoscope sa puso ko.
Bigla siyang ngumiti.
"Bakit po Doc?"
"May nangyari bang maganda sayo?"
"Huh? Uhm... Wala naman po in particular."
Pero naisip ko si Bryan kagabi, nung nagpakita na siya after two weeks, yung mukha niya nung niyakap ako...
Biglang tumibok yung puso ko.
"Uhm. Masaya naman po ako."
Ngiting-ngiti si Dr. Love.
"Lalaki ba yung inisip mo?"
"Doc, paano niyo nalaman?"
Natawa lang siya at binaba yung stethoscope sa mesa niya.
"Yung heartbeat mo kasi, mas mabilis siya sa normal heartbeat ng isang tao, pero I assure you na
safe ka physically. Emotionally, well, medyo unstable. Pero not in a bad way. Take care of yourself
most especially your feelings and emotions."
Uh....
"Di ko po gets. Ano pong ibig niyong sabihin?"
>___<
Ngumiti ulit si Dr. Love, yung ngiting abot-tenga.
"Nainlove ka na ba, Miss Eya?"
O______________________________O
"Uh... opo. Dati. Pero... nawala na po yun..."
"Ah. So nainlove ka na nga."
Um-oo ako.
"Ibang tao ba yung iniisip mo ngayon kaysa sa past love mo? Or parehas na tao sila?"
Si Bryan yung inisip ko kanina. Hindi si Errick. So...
"Opo. Magkaiba pong lalaki."
Nagnod siya.
"Gets ko na problem mo, Miss Eya."
"Ano po Doc? May heart attack po ba ako or ano?"
Tumawa si Dr. Love. K. Ang OA ko.
"Relax. It's not a heart attack..."
"Eh ano po?"
"Napapansin mo ba na kapag ninenerbyos, natatakot, kinakabahan o naaexcite, bumibilis yung tibok
ng puso mo?"
Hmm.
"Opo ata?"
"Yang pagtibok ng puso mo, normal lang yan. At nafefeel ko, na kung naramdaman mo nga yung
symptoms ng "inlove" gaya ng dati. Ibig sabihin, posibleng inlove ka rin ngayon, sa lalaking iniisip
mo."
Wait...
"Sige Miss Eya. Nasagot ko na yung tanong mo. Our time is up. May iba pa akong pasyente. Pero, it's
really nice talking with you."
Nagnod na lang ako, gulong-gulo pa rin ako sa sinabi ni Dr. Love. Lumabas na ko ng clinic. Grabe, alam mo yung utak ko, it's a mess! Di ko pa rin magets yung sinabi ni Dr. Love. o.O
Ako? Inlove ulit? DI KO TALAGA GETS. =__________= Occupied ang utak ko. Syet lang.
Kanino ako maiinlove? Sa iniisip kong lalaki? Si Bryan? Bakit sa kanya? Malabo yun! Hindi pwede dahil malabo nga atsaka--
"ARAY!"
Dahil sa katangahan ko at occupied ang utak ko, di ko napansin na may nabangga na pala ako, grabe, ang lakas ng impact ng pagkatama namin, napaupo ako!
Nahulog yung cap ko. Pinulot ko naman. Ang sakit ng pwet
ko. Ajujuju. >.<
Tinulungan naman ako nung tumama sakin. Buti na lang. Magpapasalamat na sana ako kaso pagkatingin ko sa
nakatama sakin...
"Ikaw ba yan Bryan?!"
Nakadisguise siya, pero dahil memorize ko na ang facial features niya, ayun, nahulaan kong siya nga. Tinanggal niya yung shades niya at bumungad sakin ang eyes niyang captivating. Syet, nasabi ko yun?! Erase erase! O_O
"Eya? What are you doing here?"
"Ah. A-ako? W-wala. Napadaan lang. Hehe. Ikaw?"
Ayokong sabihing nagpacheck-up ako noh. >_<
"Oh? Bakit may sakit ka ba? Dumaan lang ako kasi sinamahan ko yung isa sa staff namin for check-
up. May high fever kasi. Okay ka lang ba talaga?"
Hinawakan niya yung noo ko pero tinanggal ko kaagad yung kamay niya sa forehead ko.
Nakakahiya na ewan. =_=
Ako naman ang napatingin sa kanya. Grabe, bagay sa kanya yung soot niya! Simpleng polo na color grey tapos maong pants. Bagay sa kanya.
Dugdug. Dugdug.
Napahawak ako sa puso ko bigla Sabay tinignan siya.
Dugdug. Dugdug.
HUWAAAAA! Anong nangyayari sa puso ko? >___________<
"Yang pagtibok ng puso mo, normal lang yan. At nafefeel ko, na kung naramdaman mo nga yung symptoms ng
"inlove" gaya ng dati. Ibig sabihin, posibleng inlove ka rin ngayon, sa lalaking iniisip mo."
Nooooooo. Hindi pwede yun. Hindi maaari...
"Eya? Uy. May problema ba? Hatid na kita sainyo. Namumutla ka."
Hinawakan niya yung mukha ko gamit yung dalawa niyang palad. Grabe, nanlambot ako sa hawak niya. Tapos tinignan niya ako.
"Okay ka lang ba talaga?"
Dugdug. Dugdug.
"Uh... Bryan! Okay lang ako. Bye na!"
Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko at tumakbo papalabas ng clinic. Hindi ako lumingon kasi baka manghina na naman ako, o manlambot.
Grabe, hindi ko na kaya. Isa lang ang narealize ko...
Kung in-love man ako kay Bryan Lim. Masamang pangitain yun! Hindi pwede!
O.O
MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN! MAGHAHALO ANG LAHI NG KISSING MONSTERS PATI
MAGAGANDANG EYA SA MUNDO! (Chos lang syempre yung ganda part. Pero maganda yung author haha).
Pero seryoso, paano yun?
In-love na nga ako kay Bryan Lim. Pakshet lang. I'm doomed. =_=
39.
Eya's POV
Isang linggo kong di pinansin si Bryan. Di ko alam kung bakit nag-iinarte ako, pero wala eh. Ngayong alam ko na, inlove nga ako sa kanya, natatakot akong masaktan.